--- CHAPTER 4 ---

148 5 0
                                    

--- Chapter 4 ---

" Tampuhan "

________________________________

     Sa loob ng kwarto ni Mia..

"Simula bukas hindi ko na papansinin si Ace. Dahil kapag pinansin ko siya baka mapahamak na naman ako. Baka nga kitilin na nung Leader ng Inggit Girls yung buhay ko kapag nag-kataon. Ayoko naman na mag-goodbye kaagad sa Earth." Sabi ni Mia habang nakahiga sa kama niya at nakatingala sa mga star na nakadikit sa kisame ng kwarto niya.

      Alam ko naman na mga echoserang frog kayo. Haha, de joke lang :) Mag-flashback muna tayo..

~ FLASHBACK

    Habang papalayo na si Mia sa room nila may humila sa braso niya at napatingin siya dito.

    Bakit ba ayaw niya kong lubayan ha?! Sabi ni Mia sa isip nya ng makita si Luke.

"Bakit ka umalis kaagad ha?" Tanong ni Luke at tinanggal na ang pag-kakahawak sa braso ni Mia.

"Ano naman ngayon?" May saltik ata itong ungas na to eh! Sabi niya lumayo ako. Atsaka, kasalanan naman niya kung bakit ako umalis agad eh. 

"May nahulog ka kasi.." Sabi ni Luke, dyan na dumating si Ace. Sa eksena na ito!

"Eh? Ano yun?" May nahulog ba sakin? Wala naman ata eh.

"Yung panyo mo." Sabi ni Luke.

"Ahh.. Nasan na?" Tanong ni Mia.

"Hindi ko pinulot eh. Sinabi ko lang sayo baka kasi hanapin mo." Nakangiting sabi ni Luke kay Mia. 

     Ewan ko ba guys! Bilib din ako kay Luke eh. Sa pagkarinig ni Mia sa paliwanag ni Luke. Bigla na lang na-muo sa mukha niya ang ngiti na katulad ng ngiti ni Luke sa kanya. 

"Alam mo, nakaka-touch ka. Atsaka, ang bait mo talaga ano? Hayaan mo na yun, panyo lang naman yon eh. Atsaka, pag-kinuha ko pa yon ngayon baka maalala ko lang yung kanina." Sabi ni Mia habang nakatingin kay Luke at nakangiti. 

"Thank you, baka kasi pag-kinuha ko yun. Baka kung ano na lang yung pumasok dyan sa utak mo." Sabi ni Luke kay Mia. Nag-smirk ata sya. 

     Medyo prangka din tong ungas na to eh! Pero as if naman na iisipin ko yung iniisip yang iisipin ko! Kung alam niya lang talaga na WALA AKONG GUSTO SA KANYA! TANGING SI CAM LANG TALAGA! Pisting lalaki to. Kanina na pa sya ah! Kalma na ko eh, pero binalik na naman niya yung inis ko. Nakangiting iniisip ni Mia habang nakatingin kay Luke.

"Your welcome bro, alam mo magiging totoo na rin ako sayo ah. Tutal, naging pranka ka na rin sakin. Alam mo, hindi kita type simula't sapul okay? Hindi rin kita crush or what so ever. Sa totoo talaga yan eh, sayo ako nabwisit kanina hindi doon sa mga babae. Kundi, sayo talaga ungas!" Nakangiti parin at kalmang nagbibigay ng speech si Mia habang nakatingin kay Luke. Gusto nyang makuha ni Luke ang bwisit at inis sa mga mata niya.

     Dito na umalis si Ace mga guys.

"Buti naman, ngayon alam ko na.. Pwede ka ng makauwi, Mia." Seryosong sabi ni Luke sa kanya.

"Dapat kanina pa.." Sabi ni Mia at tinalikuran na kaagad si Luke.

     Napatingin na lang si Luke kay Mia habang nag-lalakad ito papalayo sa kanya.

Masungit pala sya.. Tanong ni Luke sa sarili niya. 

    Nagulat na lang siya ng biglang may umakbay sa kanya at ito ay si Cam.

My Doll Princes (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon