Chapter 1: Day 91

177 2 0
                                    

"What...?!" ang gulat kong sabi sa bwisit kong boyfriend...

"Yes, you heard it right Denise, I will breaking up with you na. Sorry but I can't help it, hindi ko na kaya... sorry Denise, hanggang dito na lang tayo" ang sabi niya sa'kin, sabay nya pagyuko at paghawak sa aking kamay.

Tinanggal ko yung kamay ko sa pagkakahawak niya, nainis kasi ako "Bakit...? Bakit ka makikipag-break sa'kin...? Ano ba nagawa ko Alex...?" ang tanong ko sa kanya.

Hindi siya makatingin sa'kin ng deretso, naiinis na ako.

"Or it's because of her, am I right Alex?" hindi ko na napigilan yung luha ko, pumatak na, dahil napakasakit marinig sa taong mahal mo na makikipag-break na siya sa hindi malamang dahilan.

Matagal sumagot si Alex, parang gusto ko siya sampalin, batukan para lang sumagot agad...

"Oo, nakikipagbalikan sa'kin si Pauleen. Sorry Denise" ang sabi sakin ni Alex habang umiinom ng kape.

"So ano yun? After ka niya iwan, gawin kang tanga, parang wala na lang sayo lahat ng ginawa niya?!" hindi na siya sa'kin nakitingin ng deretso ng sabihin ko sa kanya yun.

So, tama nga ako... dahil nga kay Pauleen, yung exgirlfriend niya. Until now pa din, mahal niya pa rin si Pauleen. Grabe, naiiyak talaga ako, hindi ko talaga alam kung ano bang nagawa ko para makipag-break sakin si Alex. Kausap ko siya ngayon pero wala akong maramdaman na lungkot sa kanya, gusto ko makita na umiiyak siya habang nakikipag-break siya sa'kin, pero bakit naman niya gagawin yun eh gusto niya na nga makipag-break diba, dun siya magiging masaya, maiiyak lang siya siguro kung hindi ako papayag. I love him so much, at sa two months namin na relationship, I love him more and more. Two months, ninety-one days, isasama ko pa ba 'tong thirty minutes na pag-uusap namin? Nakakainis, hindi pa kami umabot ng one-hundred days, at sana umabot pa kami ng ilang taon.

"Sige na, tama na Alex. Uwi na ako, nakakapagod na. If that's what you want, go on. Wala naman na ako magagawa eh" ang sabi ko sa kanya, wala pa din tigil yung luha ko sa pagpatak. Tumayo ako ng upuan at aalis na.

"Denise, sandali...!" ang sabi niya sakin, nakatalikod ako, ayoko ng lumingon pa sa kanya.

Umalis na ako dun sa Coffee shop, wala na din naman ako gagawin dun. Ayoko na, hindi ko na kaya. Iniwan ko mag-isa si Alex dun sa coffee shop, bahala na siya sa buhay niya! May naalala ako na lalong nakapagpa-inis sa'kin, it's April 13 today, bukas monthsary na namin. Kung kailan magma-monthsary na kami dun pa siya nakipag-break, bwisit talaga! Habang naglalakad ako, ang daming pumapasok sa isip ko, para na akong mababaliw. Mahal na mahal ko si Alex pero ayaw niya na sakin. Tinatanong ko tuloy ngayon sa sarili ko, naging REBOUND lang ba ako...?

After kasi nila mag-break ni Pauleen before, wala pang one month of their break up, naging boyfriend ko na siya, unexpected talaga na magiging boyfriend ko ang isang campus heartthrob na si Alexander Guevarra. Ito lang naman ako, si Denise Anne Villana, simpleng ganda lang, at may simpleng life, my mom is working as a Office Staff and my dad as a Seaman, I have sister, ang super kulit na si Mika, she's only 4 years old at nasa Nursery na. Anyways, grabe, it's not expected kasi super crush ko lang siya noon nung first year college kami, nakasabay ko siya sa enrollment. Kaso Architecture yung course na kinuha niya at ako naman Arts, diba hindi naman obvious na chismosa ako at sinundan ko siya nung araw ng enrollment. Ang cute kasi niya, matangkad, maganda ang pangangatawan kasi mahilig mag-gym at higit sa lahat ang ganda ng mata niya, kulay brown at may foreign blood, yun ang sabi niya sakin, kasi lola niya may Spanish blood. Pero ang pinakanagustuhan ko sa kanya, he's very sweet at loving. Kaso nung una ko siya makita sa school, parang suplado, tinawag ko pa nga siyang Mr. Suplado eh. May friend ako nung first year, si Arlene, tinawag niya yun si Alex kaso hindi naman siya pinansin nito. Nakakatawa dahil kahit sino makakita sa kanya sa school ay napapatili, mapa-babae o bakla pa, para siyang artista sa school namin kaya tinawag din siya na South Eastern University heartthrob pero dedma lang siya dito. Lalo silang kinikilig kapag nakikita na nilang pumapasok si Alex with his car, expensive car, obvious na mayaman talaga siya. Crush na crush ko siya before, super duper crush, pero hindi niya ako pinapansin, dedma lang sa beauty ko hahaha!

Summer Days Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon