Chapter 6: Excited

71 1 0
                                    

"Hello Gerald! Bakit ka nga pala napatawag...?" ang tanong ko kay Gerald sa telephone.

"Ah wala lang, ano ginagawa mo ngayon?" tanong niya.

"Ah... Ito nagbabasa ng libro." ang sagot ko naman.

I'm so confused about Gerald, kasi hindi ko maintindihan yung approached niya sa'kin, siguro talagang friendly lang siya, haayyyy ewan? Nalilito ako... O talagang assumera lang ang peg ko ngayon...? Lagi kami magka-text at magkausap sa phone. Wait naalala ko nga pala si Margarette...

"Gerald, magkakilala pala kayo ni Margarette...?" ang tanong ko sa kanya.

"Ah, si Margarette. Oo, friend kami. Oo nga pala, nasabi sa'kin ni Margarette na nagkita kayo kahapon, magkakilala pala kayong dalawa?" tanong ni Gerald.

"Yah, we're close friends from highschool" sagot ko naman.

Kinuwento ko nga kay Gerald ang tungkol kay Margarette. Madami din siyang nakuwento tungkol kay Margarette. Pero parang nagseselos ako kapag nagkukuwento siya, ewan ko kung bakit? Baka kasi iba yung approached niya ka Margarette kaysa sa'kin? Paranoid? or Insecure? Super close daw kasi silang dalawa, at yun nga ang kwento niya na pinagkamalan daw sa UP na may relasyon silang dalawa. Ewan ko? Pero parang nawalan ako ng gana makipag-usap kay Gerald, halos puro si Margarette na kasi ang kwento niya, parang nawala na ako sa eksena, nakakainis...

"Ano Denise? San mo gusto tayo magkita?" ang tanong ni Gerald buti changed topic kami.

"Ikaw bahala, sige, san mo ba gusto?" sabi ko naman.

"Hindi sige, ikaw na bahala and then my treat naman." ang sabi naman niya.

Dun ako kinilig, gustong-gusto na ni Gerald na magkita na kami. Grabe, kinikilig na talaga ako! Kasi sabi niya treat niya daw, edi parang date lang ang peg namin diba? Hahaha! Over na 'toh, kilig to the bones. Masarap ang tulog ko ngayong gabi dahil kay Gerald...

Kinabukasan, nagising ako agad, super sarap ng gising ko ngayon.

1 message recieved!

Wait... may nagtext. Sino kaya 'toh?

Opening message...

[Hi Denise! Goodmorning...

from Gerald]

Grabe! Gusto ko tumalon sa tuwa, kinikilig ako kay Gerald. Siya pa unang nagtetext sa'kin, at dahil dyan kumpleto na ang araw ko. Wait, mareplyan nga muna si Gerald...

[Me: Goodmorning din Gerald! Himala, ang aga nagising ah]

Message Sent!

Wala pang isang minuto...

1 message recieved!

Ang bilis magreply ah...

Opening message...

[Oo nga eh. Uy bukas ah, kita na lang tayo. Excited na ako

from Gerald]

Tama ba ang nabasa ko sa text ni Gerald? Excited na siya, na makita ako..? Ay naku, gusto ko na talaga tumalon, sumigaw sa sobrang saya!!! This is it... Kinikilig talaga ako... I'm so speechless right now. Sasabihin ko din bang, excited ako? Pero totoo, excited na din ako na makita siya. Sobrang saya ko ngayon, gusto ko magcelebrate. Pwede bang ngayon na kami magkita? Kasi baka hindi talaga ako makatulog mamayang gabi. Kaso sabi niya, may important daw siyang gagawin ngayon, kaya bukas na lang kami magkikita. Ano kayang mangyayari sa'min bukas? kahit buong araw kaming magkasama bukas okay lang, basta makasama ko lang siya. Grabe, I'm so excited na talaga, ano kayang susuot ko bukas? Punta kaya ako ng mall, bili ako ng new dress para naman kahit papaano prepared ako sa date namin este pagkikita namin ni Gerald. Sige-sige, ayain ko na lang ngayon si Emma sa mall.

"Hello Ems?"

"O Denise? Musta na? Napatawag ka?" ang sabi sa'kin ni Emma.

"Uy Ems, samahan mo naman ako maya sa mall, may bibilihin lang ako" ang sabi ko kay Emma.

"Sure Dens! Ako din, gusto ko umalis ngayon, I'm so bored here. Tyaka miss na kita girl!" ang sabi naman ni Emma.

Magkikita nga kami ni Emma mamaya para pumunta sa mall. Excited na talaga ako bumili ng dress. Anyway, hindi ba obvious na excited talaga ako? Parang ang OA ko ata, magkikita lang naman kami ni Gerald, ewan ko ba? Hindi ko na pa-plastikin ang sarili ko, pero gusto ko talaga magpa-impress kay Gerald. Sige na nga, makapag-almusal na nga ako ng makaligo na, at ng makapunta na ng mall.

After kain, ligo na...

--

--

Sa Mall...

"At talagang bibili ka pa ng new dress para sa date nyo ni Gerald bukas ah? Haha" ang sabi sa'kin ni Emma, habang kumakain kami sa isang restaurant.

"Syempre naman Ems, kailangan prepared noh. Hahaha! Hindi naman date yun, magme-meet lang kami. Pero promise Ems, excited na talaga ako" ang masayang sabi ko kay Emma.

"I know right! Haha!" ang sabi naman niya.

After namin kumain, pumunta na kami sa mga boutique para bumili ng damit. Sa sobrang excited ko, it's really hard to choose, ang dami kasing pamimilian. May mga bagong designs na lumabas ngayong summer. Hindi nagtagal, nakapili din ako sa wakas. I'm super excited na talaga bukas.

Bago ako matulog, hinanda ko na yung susuot ko para bukas. Grabe, parang hindi talaga ako makatulog? Pilit ko ng pinipikit yung mata ko pero wala pa din talaga... Kanina tinext ako ni Gerald, reminding me na, kakain kami ng lunch bukas.... Hmmmm... Saan pa kaya kami pupunta bukas? I really feel na excited din si Gerald for tomorrow. Sige na, goodnight everyone! Kailangan ko ng mag-beauty rest...

zzzzzZZZZZZ....

Summer Days Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon