Chapter 11: That's what you call Revenge

55 0 0
                                    

"Ano Denise? Sasama ka ba next week sa'min? Magswi-swimming kami together with friends." ang tanong sa'kin ni Gerald.

"Ah, hindi ba nakakahiya? Kasi hindi ko naman kilala mga friends mo eh." ang sabi ko.

"Okay lang yun, nasabi ko na sa mga barkada ko. And don't worry, treat ko na yun for you" sabi naman ni Gerald.

"Sigurado ka ah? Nahihiya kasi ako eh..." sabi ko naman, pero gusto ko talaga sumama.

"Oo, sige na Denise... Please..." ang pagpilit sa'kin ni Gerald.

"Sige na nga, okay sasama na ako..." ang sagot ko.

"Yes! Buti naman... O sige, kain na tayo, nagugutom na ako eh" ang masaya niyang sabi. Kinikilig ako, gusto ako makasama ni Gerald.

Nasa mall kami at namasyal na naman, hmmm nag-date? Haha! Nag-aya kasi 'tong si Gerald. Pumasok kami sa isang restaurant...

"Ah, Gerald... Pwede sa iba na lang tayo kumain?" ang bigla kong sabi kay Gerald.

"O? Bakit naman? May problema ka ba?" tanong niya sa'kin.

May problema talaga, coz I saw the man that I really hate... si Alex at kasama niya si Pauleen, sila pa rin palang dalawa, kumakain sila sa restaurant na pinuntahan namin. Nakakainis, sa dinami-dami ng lugar, dito pa sila! Kaya ang gusto ko sana lumipat na lang ng ibang restaurant, pero may naisip ako, bakit nga ba ako iiwas? Wala naman akong dapat ikatakot diba? Bigla kong naalala si Gerald...

"Ah wala, sige dito na lang tayo kumain, mukhang masasarap naman yung pagkain dito." ang bigla kong sabi.

Um-order agad si Gerald for our lunch, hindi pa kami nakikita nila Alex dahil sa kalandian nilang dalawa, sorry for my term, pero ayoko kasi tawagin na sweet sila dahil naiinis ako! Napansin kong walang kumakain sa kabilang table na malapit sa table nila Alex, this is it, this is my opportunity para makaganti kay Alex. Humanda ka Alexander Guevarra!!! Dumaan talaga kami sa harap nila Alex, kunwari hindi ko sila nakita.

"Sige dun na lang tayo sa kabilang table Gerald" ang sabi ko kay Gerald sabay turo sa table.

"Denise?" narinig kong tinawag ako ni Alex, kunwari hindi ko siya narinig, dedma sa una... "Denise?!" tinawag niya ako ulit.

Hinarap ko siya... "O Alex...? Long time no see ah, kamusta na?" actually kinakabahan pa ako, pero kailangan kong galingan ang acting ko.

"Ah... I...Ito okay naman... ikaw?" tanong niya sa'kin.

"Well, ito I'm very fine... very happy. Anyway si Gerald nga pala." ang nakangiti kong sagot, tinaas ko pa yung kilay ko. "Uy sige, dito na kami ah, nice to see you again! Same to you Pauleen" ang sabi ko pa, sabay talikod.

"Sige, pare..." ang biglang sabi ni Gerald kay Alex.

Nakangiti lang si Pauleen ng makita ko, pero hindi ako sigurado kung masaya siya na makita ako. Anyway, pumunta agad kami ni Gerald sa mesa at kumain na.

"Diba ex-boyfriend mo yun?" ang biglang tanong sa'kin ni Gerald.

Nakita ko na nakatingin pa rin sa'min si Alex." Oo, si Alex" sabi ko kay Gerald, sabay bigay ng fake smile kay Alex, ngumiti din naman siya sa'kin.

"Okay lang sa'yo na makita mo siya, hindi ka na galit sa kanya?" tanong ulit ni Gerald.

Actually hindi okay sa'kin, pero kailangan kong maging okay... "Oo naman, okay lang sa'kin. At wala na sa'kin yun, ang tagal na nun eh." ang nakangiti kong sabi.

"Ah, okay sige, sabi mo eh" ang pag-sang ayon ni Gerald sabay ngiti.

"Sige na, kain na tayo." sabi ko naman.

Kumain na nga kami ni Gerald, habang kumakain kami, nakatingin pa din sa'min si Alex pati si Pauleen, biglang pinunasan ni Gerald yung labi ko, may kanin pala malapit sa labi ko, natawa ako, kasi isa na yun sa ganti points para kay Alex, para makita niya na sweet kami ni Gerald. Nag-isip pa ako ng ibang plano, kinuha ko yung dessert at sinubuan ko si Gerald, ipinakita ko pa din yun kay Alex, ang saya-saya! Tagumpay ako sa mga plano ko ngayon, naka-3 points ako! Nakita ko si Alex na biglang umiwas ng tingin ng subuan ko si Gerald, affected? Nagulat ako kasi sinubuan din ako ni Gerald ng ice cream, kinilig na naman ako, unexpected kasi. Okay 4 points na! Habang kumakain kami ni Gerald biglang lumapit sa'min sila Alex...

"Denise, mauna na kami ah, sige pare, nice to meet you. Sige Denise" ang nakangiting sabi ni Alex.

"Sige pare" nakangiti naman na sabi ni Gerald.

"Uy sige, ingat kayo" sabi ko naman.

"Sige Denise" sabi naman ni Pauleen.

Umalis din sila agad... Diba? kung makapagpaalam si Alex, parang walang nangyari? Gusto ko talaga makonsensya siya, kahit na one year na ang nakakalipas, galit pa din ako sa kanya, parang kailan lang, oo masasabi ko na naka-move on na ako sa kanya, pero hindi pa din mawawala yung galit ko. Ah basta, hindi na siya importante ngayon... At kahit papaano nakaganti na din ako sa kanya!

Summer Days Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon