Chapter 2: Monthsary

121 3 0
                                    

Cellphone reminder is Alarming...

It's 6 o'clock in the morning...

Happy 3rd Monthsary Babe, I LOVE YOU <3

Agad kong tinignan yung cellphone ko, baka nagtext sa'kin si Alex. Baka batiin nya ako, monthsary namin ngayon. Every morning din kasi, lagi niya ako tinetext just to greet me "Good morning" at para gisingin na din ako, may "I love you" pa yun, he's very sweet talaga.

1 message recieved

Biglang may nagtext, hope it's Alex, please be Alex...

Opening message...

["Friendships are fragile things and require as much care  in handling as any other fragile and precious thing"

Good morning everyone!

from Tricia]

I'm so disappointed, it's just a quotes from a friend. Akala ko si Alex na, babatiin ako ng "Happy Monthsary. Gusto ko siya tawagan para batiin, pero naalala ko, break na pala kami kahapon. Ayan na naman naiiyak na naman ako. Until now, parang umaaasa pa ako na babalikan niya ako. Tinatamad ako pumasok, at parang ayoko na din pumasok kasi baka makita ko si Alex sa school hindi ko alam kung anong gagawin ko once na makita ko siya, parang ako pa yung nahihiya sa kanya.

KRIINNNGGG... KRRRIIINNNGGG...

Biglang nag-ring yung telephone, si Alex na kaya yun? Please be Alex, please...

"Hello Alex?" ang kinakabahan kong sagot, hoping it's Alex.

"Alex ka dyan? haha! Si Emma 'toh! Ano ka ba Denise?" si Emma pala yung tumatawag, paranoid na ako...

"Sorry Ems, I thought it's Alex" ang sabi ko naman with a little disappointment. "Bakit ka nga pala napatawag?" tanong ko pa.

"Ikaw talaga Dens... (Tsk...) Musta ka na nga pala...?" tanong sakin ni Emma.

"Ito okay naman ako, medyo sad pa din sa nangyari" ang sabi ko. "Ems, parang ayoko pumasok mamaya sa school"

"Ha?! bakit naman hindi ka papasok? May importante tayong gagawin sa school mamaya para sa project natin" ang pasigaw na sabi sakin ni Emma.

"Eh kasi, baka makita ko lang si Alex..." ang sagot ko.

"Ha?! Dahil kay Alex, pababayaan mo pag-aaral mo? Tanga ka ba Denise? Gumising ka na nga!" ang inis na sabi sa'kin ni Emma, alam kong galit siya sa sinabi ko. "Parang ikaw pa nahihiya sa kanya sa ginawa niya sayo ah, ano ka ba Denise?! siya nga 'tong dapat mahiya sayo dahil wala kang kasalanan sa nangyari" dugtong pa niya.

"Hindi ko kasi alam ang gagawin ko pag nakita ko siya mamaya" naiiyak kong sabi.

"Ay naku Denise, 'wag mo siya pansinin, dedma lang, kahit masakit pilitin mo, tiisin mo siya. Basta mamaya kita na lang tayo sa Cafeteria ah, wag ka aabsent. Naku babatukan talaga kita" ang sabi sakin ni Emma.

"Okay sige, papasok na ako mamaya. Bye Ems" sabay baba ko ng phone, pinunasan ko yung luha ko sa mata.

Binaba ko na agad yung telephone after namin mag-usap ni Ems. Napaisip ako bigla ng malalim, tama bang magkaganto ako dahil break na kami ni Alex. Sobrang sad ko kasi sa nangyari, nakakapanghinayang lang din kasi sana kahit papaano, nagtagal pa kami ng ilang months, ilang years at kung sana kami na forever.

Summer Days Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon