Chapter 8: Miss you already

59 1 0
                                    

Another day start and I'm very happy, sarap ng tulog ko kagabi, I already miss Gerald...

Andito nga pala si Emma sa bahay namin, wala daw kasi siyang magawa sa kanila. Kaya ito binisita ako ng bruha.

"O musta naman ang date niyo ni Gerald kahapon?" tanong sa'kin ni Emma tinapik pa yung braso ko.

"Uy hindi yun date, haha! Ayun, sobrang saya ko talaga Ems, super. Tapos napaka-gentleman pa niya." ang sagot ko na magkahawak pa ang mga kamay.

"Naku, super kilig ka na dyan... Well, I'm happy for you my friend" ang sabi sa'kin ni Emma, sabay hawak sa ballikat ko.

Kinuwento ko nga kay Emma lahat ng nangyari kahapon sa date este sa pagme-meet namin ni Gerald...

"Pero alam mo Ems, nagtataka lang ako sa mga nangyari kahapon. Kasi diba kumain kami sa Cravings, diba favorite resto nung isa(ni Alex) yun, tapos favorite resto din yun ni Gerald, favorite niya din yung pasta at milk tea dun na favorite din nung isa. Ewan ko? Hindi ko maintindihan eh." ang sabi ko kay Emma.

"Anong gusto mo sabihin? na naaalala mo si Alex kay Gerald...?" nagtatakang tanong ni Emma.

"Hmmm... Ewan ko? Parang...?" confused talaga ako.

"Alam mo girl, praning ka lang, paranoid ka. Wala naman masama dun, pwede naman mangyari yun noh. Tayo nga diba same taste sa mga bagay, diba favorite natin chocolates, tapos mahilig tayo sa coffee, tapos mahilig tayo sa color blue and purple, minsan nga pareho pa tayo ng damit." ang paliwanag naman ni Emma.

"Ewan ko ba? Eh kasi nga ayaw ko na maalala pa yung tao na yun. Gusto ko na siya kalimutan." ang sabi ko naman.

Kumunot ang noo ni Emma... "Ano ka ba? Paranoid ka talaga. Coinsidence lang ang nangyari, nagkataon lang na they have the same favorites. Hindi mo naman pwede palitan yung mga gusto ni Gerald diba?" ang sabi naman niya sa'kin.

"Eh kasi nga naaalala ko nga yung lalaki na yun sa kanya. Kahit nga pangalan nun, ayaw ko na banggitin pa." ang inis kong sabi.

"Alam mo, wag mo ng isipin yun. Past is past okay? Ano ba mas importante sayo ngayon? Yung past o future?" tanong ni Emma.

"Syempre si Gerald" ang sagot ko naman.

Mas important sa'kin ngayon si Gerald, pero naiinis talaga ako kasi may mga bagay na nagpapaalala sa'kin sa lalaki na yun. Umalis na din agad si Emma after namin magusap magkikita pa daw kasi sila ni Ron. Naalala ko itext si Gerald...

[Me: Hi Gerald! Kamusta?] tama ba text ko sa kanya? Parang hindi naman kami nagkita kahapon?

Message Sent!

Seconds...

Minutes...

Ang tagal niya naman magreply? Bakit kaya? Kinakabahan tuloy ako, kung ano-ano na tuloy naiisip ko?

1 Message Received!

Haaaayyyy Salamat, hope it's Gerald...

Opening message...

[Hi Denise! Musta na?

from Margarette]

Ano ba yan?! Si Margarette pala nagtext, akala ko si Gerald na. (TSK!)

[Me: Hi Marg! Ito okay naman. Kaw? Kailan ba ulit tayo magkikita girl?]

[Ito, doing my nailpolish. O nga eh, don't worry pag may time ako, text kita. Uy balita ko, nagkita kayo ni Gerald kahapon ah, kamusta naman?

from Margarette]

Ha? Paano niya nalaman yun? Sino kaya nagsabi sa kanya? Si Gerald?

[Me: Ha? Oo, kanino mo nalaman girl?]

[Kay Gerald, kausap ko kasi siya kanina pumunta kasi siya dito sa house. Kinuwento niya nga sakin. Ikaw ah, wala kang sinasabi sakin, iba na yan ah. Hehe!

from Margarette]

[Me: Ah, sorry Marg, tyaka wala naman yun. Nagkita lang kami kahapon, yun lang. Ikaw naman, kung ano-ano na iniisip mo? haha! Umuwi na ba si Gerald?]

[Oo girl, umuwi na siya.

from Margarette]

Ano ba yan? Magkasama pala sila kanina ni Gerald, parang naiinis ako! Tinetext ko siya ngayon, hindi niya ako nirereplyan? Nakakainis! Tinext ko ulit si Gerald, pero hindi pa din siya nagrereply, ano na kaya nangyari dun? Dapat ba ako magselos? Ah, hindi, mali, friends lang naman kami ni Gerald and I know friends lang din sila ni Margarette. But I'm still worried.

Hours past...

Gabi na, pero hindi pa din ako nirereplyan ni Gerald? Kahit isang text wala pa din. Ano ba naman 'toh?! Napaparanoid na ako! Nakakainis... Gerald, please text me na... Matawagan nga muna si Emma...

"Hello Emma? Busy ka ba?"

"O Dens, napatawag ka? Ito kakauwi ko lang din. Nanuod kasi kami ng sine ni Ron eh. Bakit Dens?" ang tanong niya.

"Ah wala. Eh kasi si Gerald, kanina pa walang paramdam. Tinetext ko siya, kaso hindi siya nagrereply eh. Nagaalala na ako." ang sabi ko.

"Girlfriend? Haha! Ano ka ba Dens? Baka busy lang yung tao, kakakita nyo lang kahapon sobrang miss mo na agad ngayon. Sabi ko sayo, 'wag kang paranoid eh." ang sabi sa'kin ni Emma.

"Hahaha! Ito naman, nang-asar pa? Eh wala lang, kasi kapag tinetext ko naman siya nung mga nakaraan, nagrereply naman agad." ang sabi ko.

"Eh baka nga kasi busy, may pinuntahan na importante diba? Magtetext din sayo yun. Or tawagan mo kaya, may telephone naman sila diba?" sabi sa'kin ni Emma.

"Ayoko Ems, gusto ko siya tatawag sa'kin." sabi ko.

"Ay loka-loka?! Gusto mo siya makausap, ayaw mo naman gumawa ng way. Demanding ka pa? Gusto mo siya pa tatawag sayo, haha!" ang nakatawa niyang sabi sakin.

"Ay ewan ko ba? Baka super paranoid lang ako ngayon Ems." ang sabi ko naman.

Naisip ko nga tuloy parang tanga lang ako, bakit masyado akong paranoid this past few days? Sana bukas, tumawag na siya... Please...

Alarm clock is ringing...

It's 6 o'clock in the morning...

Naku, hindi ako nakatulog kagabi dahil kay Gerald, siguro 2am na ako nakatulog kagabi? Grabe... miss ko na kasi siya. Mai-text nga muna...

[Me: Hi Gerald. Goodmorning!]

Message Sent!

Seconds, minutes and hours past... wala pa din Gerald na nagpaparamdam, hindi pa din nagtetext or tumatawag sa'kin si Gerald, I'm so worried na talaga.

Summer Days Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon