Chapter 3: Starting all over again

94 2 0
                                    

Nag-check ako ng Facebook, buburahin ko na si Alex sa friends list ko.

When I opened my Facebook account, nagulat ako, biglang nawala yung relationship status ko, oo nga pala SINGLE na ulit ako. Kailangan ko ng burahin si Alex sa friends list ko, when I opened his Facebook account, I found out... he is IN RELATIONSHIP with Pauleen de Vera. Okay fine, UNFRIEND Alexander Guevarra, yes I am sure, very sure. This is it, I will start again with my life.

--

--

One year later...

"Hello Ems... Asan ka na ba? Andito na ako sa school, pupunta ka pa ba?" ang sabi ko kay Emma habang magkausap kami sa cellphone.

"Wait lang Dens, traffic eh, pero malapit na ako" ang sabi niya, pero dinig ko naman yung mga busina ng sasakyan sa kabilang linya habang kausap ko si Emma, traffic nga.

Nakita ko sila Maui at Josephine mga friends ko sa ibang section, naguusap sa corridor. Lumapit ako, miss ko na din ka-kwentuhan 'tong mga toh.

"Uy, kayong dalawa dyan?! Ano na naman naririnig kong Gerald dyan?" ang tanong ko sa kanila, pinaguusapan na naman kasi nila si Gerald.

"Hi Denise! San nga pala si Emma?" ang tanong ni Maui sa'kin.

"Ayun, nakikipaglaban pa sa traffic, pero malapit na daw siya." ang sagot ko naman... "O girls, anong tungkol kay Gerald at kilig na kilig kayo dyan?" tanong ko naman.

"Naku ito nga, ka-textmate ko si Gerald! Grabe, kinikilg ako" ang masayang sabi ni Josephine.

"O? Talaga? Bongga mo naman! Ikaw na!" sabi ko kay Josephine, tinapik ko yung balikat niya.

"Naku, grabe Denise, ang bait-bait ni Gerald, kinikilig talaga ako sa kanya" ang sabi sa'kin ni Josephine habang hawak ang cellphone niya, halatang kinikilig talaga siya.

Kinalabit ako ni Maui... "Diba Denise, crush mo yun?" ang tanong naman niya sa'kin.

"Uy, 'wag naman kayo maingay, baka may makarinig" ang pabulong kong sabi sa dalawa.

"Haha! Gusto mo, bigay ko sayo yung number ni Gerald, dali i-text mo din" ang sabi naman sa'kin ni Josephine.

"Nyeh! As if naman magrereply yun? Tyaka hindi kami close" ang nakasimangot ko namang sabi.

"Sige na Denise, go na" sang-ayon naman ni Maui.

Ayun nga, pinagkukuwentuhan nga nila si Gerald Castillo, transferred student from UP and ka-batchmate namin sa Arts. The very cute, chinito and tall Gerald Castillo na new crush ko since nung dumating siya dito sa South Eastern University. Actually, they comparing Gerald kay Alexander, but for me, si Gerald ang mas gwapo, hindi dahil sa galit pa din ako kay Alex but I'm just telling the truth. Minsan, Gerald and Alexander joined the search for Mr. South Eastern University pero syempre my Gerald winned the title, and Alex was the first runner up. Speaking of Alex, April 13 pala ngayon, ang araw kung kailan siya nakipag-break sa'kin, (sighs) ang bilis ng panahon, parang kailan lang, and I can say na naka-move on na ako sa kanya! Change topic please... Anyway, ayun nga, the new crush of mine Gerald Castillo. Kaso hanggang crush na lang ata ako? Hindi naman kasi siya namamansin, parang suplado, wala din naman chance na maging close kami kasi hindi ko naman siya classmate, and he is section Arts-B and I'm from Arts-A. Pero sana this coming semester, maging classmate ko siya. Well, hindi ko na napigilan yung sarili ko, kinuha ko yung number niya kay Josephine, try ko lang siya i-text, sana mag-reply, kung hindi naman, okay lang atleast I tried.

"Denise!" biglang dumating si Emma, at mukhang pagod sa pagmamadali.

Kuhaan na kasi ng classcards namin ngayon eh, and hoping that maganda ang mga grades namin.

"Talaga? Kinuha mo yung number ni Gerald?" ang tanong sa'kin ni Emma habang nasa cafeteria kami.

"Oo, wala lang. Textmate, alam mo na, makikipag-friend ako sa kanya." ang paliwanag ko naman.

"Naks, baka siya na Dens. Galingan mo makipag-usap sa kanya ah, malay mo naman" ang sabi sa'kin ni Emma.

"Nyeh! Ano ka ba Ems? Wala pa nga eh, hindi ko nga sure kung magrereply yun" napasimangot ako bigla.

"Ah basta... Malay mo naman... Trust me, magrereply sa'yo yan" ang sabi ni Emma, sabay kindat.

Kinabukasan pagkagising ko, kinilig agad ako kasi naalala ko si Gerald, ite-text ko na siya...

[Me: Hi Mr. Gerald! Pwede makipag-textmate?]

Message Sent!

Ayan, na-send ko na. Kinakabahan ako sa reply niya, sana magreply.

BEEP-BEEP...BEEP-BEEP!!!

1 message recieved

Nagulat ako nung mag-beep ang cellphone ko, kinabahan ako may nag-text agad, hope it's Gerald, please be Gerald, fingers cross.

Opening Message...

[Hi! Sure po, sino sila? and how did you get my #?

from Gerald]

Grabe! Kinikilig ako, nagreply nga siya. This is it!

Nagka-text na nga kami, sinabi ko na kila Josephine ko nakuha yung number niya. Okay lang naman daw sa kanya na textmate kami, mas maganda daw yun para marami siyang friends. Okay naman pala si Gerald, mabait naman. Kinuha ko din yung telephone number niya, ang sarap niya kausap sa phone, ang ganda ng boses niya, at nakaka-inlove. Ang dami niya din kuwento sa'kin, tungkol sa life niya, sa family at kung saan-saan pa. Pati nga yung mga hindi dapat ikuwento, naikwento niya. Nakakatuwa kasi, kahit sandali pa lang kami magkakilala, close na kami agad. Kinilig ako lalo nung malaman kong wala pa siyang girlfriend, tinanong niya din kung may boyfriend ako, nagulat siya nung nalaman niyang ex-boyfriend ko si Alex, kaso hindi ako masyado nagkuwento about Alex, nakakapagod kasi tyaka ayoko na alalahanin pa ang lahat ng yun. Anyway, ito naman ako, nagiimagine na naman ng kung ano-ano about sa'min ni Gerald, wishful thinking. Pero syempre hindi naman ako pwede na magtapat agad-agad tungkol sa feelings ko, well just GO WITH THE FLOW na lang. Basta ang importante ngayon close na kami.

_______________________________________________________________________________

To be continued...

Don't forget to vote and comment for your suggestions or any questions.

Love, Charlie :D

Summer Days Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon