Chapter 13

548 20 16
                                    

Femi's POV

Myghaaad! Pakshit si Prof. X kingina nya (;一_一) Ang unfair! Dapat kasama rin yung ibang section eh!

Actually Kinabahan ako ng marinig ko ang sinabi ni Prof. X kanina as in mygash!!

Sayang naman ang beauty ko noh! Ang beauty ko ay pang international hindi pang probinsya tsk! -.-

Nakakaloka!

Malamang baka kung ano ano ipapagawa niyan samin pag dating doon sa probinsya. Alam naman natin kung gano ka sakim yang walang kwentang guro na yan eh.

Hays. Mukang kailangan ko mag baon ng napaka raming lakas ng loob at syempre ng ganda para maka survive doon.

"Bes di ko na keri tooooh" pag hinaing ko kay Tricia pero inirapan nya lang ako at nauna nang naglakad paalis ng Auditorium.

"Luh kinakausap toh ng maayos tapos lalayasan ako. Tangina"

Mygod. Minsan talaga nakakabanas yang babae na yan. Na s-stress na nga ako dahil kay Prof. X dadagdag pa siya!

Pero syempre dahil isa akong mabuti at magandang nilalang sa earth ay susundan ko parin si bessy Tricia. Agad rin akong tumakbo papunta sa kanya dahil malayo layo na rin pala ang nalalakad nya.

Hay grabe talaga. Masisira ang beauty ko kakatakbo neto.

Fany's POV

Minsan naiisip ko nalang na nakakahiya akong tao. Ano ba namang kabobohan ang pumasok sa isip ko para halikan si Russelle? Shet! Sobrang nakakahiya ung ginawa koooo.

Paano pa ako makakatapak sa classroom namin neto?

Waaaaaaah. Ayoko na mabuhay sa earth.

Isa pa sa mga problema ko ngayon ay di ako naka punta dun sa auditorium. Malay ko ba, baka napaka importante ng ginawa nila dun omygosh.

Nandito ako ngayon sa field ng school namin, nakaupo habang pinapanood ang mga estudyante.

Madami akong iniisip ngayon eh. Hay ewan ko ba! Di ko dapat inii-stress sarili ko.

Tinapik tapik ko ung magkabila kong pisnge at umiling iling nang biglang may nag salita sa tabi ko.

"Nababaliw kana" lumingon ako sa hampas lupang tumabi saakin. Si Cheska pala yun. Kala ko kung sino na.

"Cheskaaaaaaaa! Help!" Inalog alog ko siya at pinag hahampas. Di ko na napigilang ngumawa dahil sa problema ko ngayon.

"Tangina Ano ba?! Nababaliw ka na talaga!" Iritadong sabi niya sakin sabay tinulak niya ako palayo sa kanya.

Napasabunot ako sa buhok ko at napatingin sa kung saan. Wala na akong paki alam sa mga taong dumadaan kahit na pinag titinginan na nila ako at pinag bubulungan.

"Yung totoo ano bang nangyayare sayo?" Tanong sakin ni Cheska habang inaayos ung lukot ng damit nya.

Halatang naguguluhan na din siya sa mga inaasal ko ngayon.

At dahil hindi na rin ako maka tiis at parang sasabog na yung utak ko kapag wala pa akong napag kwentuhan ng nangyari sakin ay kinwento ko na kay Cheska ang mga nangyari.

"Alam mo, nakakahiya ka. Kung di lang talaga ako naawa sayo lalayasan na kita dito eh." Sabi ni Cheska sabay huminga ng malalim.

Bwisit toh imbis na tulungan nya ako sa kabaliwan ko ngayon ganyan pa sasabihin nya. Takte.

May sasabihin pa sana ulit ako ng bigla siyang nag salita. Bastos -_-

"Pabayaan mo bibigyan kita ng ampalaya mamaya nang matahimik na yang kaluluwa mo" sabi niya sakin sabay tapik sa likod ko. Pagkatapos ay tumayo na siya at lumakad paalis sa field.

Hanggang ngayon ba eh Ampalaya parin nasa isip neto? -_- mga tao talaga ngayon eh.

Napag desisyunan ko na mag stay muna rito at mag muni muni. Tutal wala rin naman akong ibang mapupuntahan kaya dito muna ako at least matatahimik ako.

Sa kalagitnaan ng pag re-relax ko ay may narinig akong mga boses ng tao na para bang nag tatawanan. At dahil nga gusto ko pang mag relax ay ipinikit ko nalang ang mata ko at tuluyang humiga sa upuan.

"Shet pare si Fany yun diba?!"

Agad napadilat ang mata ko ng marinig ko yung boses na yun.

Shet kay Bryant yung boses na yun ah?! ibig sabhin nun kasama niya si Russelle. Shet!

Tatakbo na sana ako ng bigla akong maabutan ni Bryant. Tangina naman oh.

"Uy kakarating lang namin aalis kana agad. Wag ganun oy! Cge ka mag tatampo si Russelle"

Ang hilig talaga mang asar neto eh bwiset. Tinignan ko siya ng masama habang siya naman tinaas taasan ako ng kilay habang nakangiti ng nakakaloka.

"Pinag sasabi mo?" Mahinahong sagot ni Russelle na nakapa mulsa pa at syempre poker face. Medyo natawa naman si David.

"Pwede ba? Aalis na ako." Sabi ko at thank god binitawan na ako neto ni Bryant pero di parin nawawala ung ngiti nyang nang aasar.

"Nga pala sabi ni Prof. X pupunta tayo sa isang bahay sa probinsya kasama ang 10-A kaya mag handa kana kung ako sayo. Parang retreat house"

Narinig kong sabi ni Russelle bago pa man ako makaalis. Retreat house?

"Bro Rehab ung sinabi ni Prof. X hindi retreat house" sabi pa ni David.

"At tsaka bro walang kayo ni Fany hahaha!" Dahil dun sa pang aasar ni Bryant tuluyan na akong umalis bago pa man nila makita ang namumula kong mukha.

Para saan naman ang pag punta namin doon?..

---------------------------
Read. Vote. Comment :)
I'm so sorry kung di kami makapag UD kasi sa totoo lang nakalimutan na namin tong KYT. I'm so sorry tlga sa mga nag babasa neto na nag hintay kung meron man. But don't worry, we'll try our best para makapag UD na nang maayos. Thank you 💞

Kill Your TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon