Chapter 10

438 25 6
                                    

11:00 AM: Sunday

Bryant's POV

Nasa bahay ako ngayon. Kakagising ko lang at tinatamad pa akong bumangon ang sakit pa ng ulo ko dahil nakailang bote kami ng alak ni David. Tsk. Oo nga pala, wala pa akong balita kay Russelle. Gago yun, bigla-biglang umalis. Nag ala Superman eh hahaha! Matawagan nga.

"Oy Russelle! Tangina mong gago ka! Anyare?!"

"Hinaan mo boses mo gago! Ang sakit sa tenga!"

"Oo na! Oo na! Aish. Nasan kaba?"

"Nasa condo ko. Kasama ko si Fany"

Ano daw?! Napabalikwas ako sa pagkakahiga sa kama ko.

"Hala pre?! Anong nangyari? Gumamit ba kayo ng proteksyon?! Hala! Pre di kana Virgin!"

"Putangina mo gago! Wag mo kong itulad sayo!"

"Eh ano pa bang gagawin nyo jan? Pre don't me!"

"Lasing na lasing siya kagabi, nakita nyo naman diba? Kaya wala akong choice kundi dalhin siya dito. Ano masaya kana? Malisyoso masyado"

Nakahinga ako ng maluwag. Haaay. Akala ko ba naman magiging ninong na ako.

"Puta!" Sigaw ni Russelle sa kabilang linya.

Luh? Inaano ko toh? Di naman na ako nag sasalita ah.

"Hoy! Puta ka jan?! Puta ka din"

"Ano bang problema mo?! Wala nga kasi akong ginawa sayo! Tangina hindi kita pagnanasaan noh!"

Luh? -.-

"Pre? Ibababa ko muna. Nag wawala si Fany. Tangina"

Aaah kala ko ako ung kausap. Hindi pala :3 pft.

Pagkatapos nun ay pinatay na ni Russelle yung tawag. Kawawa naman hahaha!

Bumangon na ako sa kama ko at nag-ayos na ng sarili. Pagkatapos nun ay bumaba na ako at syempre wala nanaman akong kasama kundi yung maid namin.

"Manaaaang! Lalabas muna ako. May bibilhin lang" sigaw ko bago ko lumabas ng bahay.

Pagkalabas ko ng gate ay nag lakad na ako papunta sa Grocery Store.

Malapit lang dito yun kaya naglakad lang ako. Ano bang bibilhin ko? Siyempre bibili ako ng mga pagkain na I-iimbak ko sa kwarto ko. Mag mo-movie marathon ako mamaya.

Pagkapasok ko sa Grocery Store, nag lagay na ako ng napakadaming chips na makita ko sa cart.

May nakasalubong ako na babae na mukhang pamilyar.

"Cheska?" Lumapit ako sa babae at tinignan siya sa mukha. Naninigurado lang.

"Oh Bryant Ikaw pala. Anong ginagawa mo dito?" Sagot nya. Si Cheska nga!

"Bibili lang ako ng kung ano. Pero bat puno ganyan ung binibili mo..." mahinang sabi ko habang nakaturo sa cart na dala nya.

Kill Your TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon