Chapter 16

176 8 7
                                    

Third Person's POV

Makalipas ang ilang oras ay nakarating din ang 10A at 10C sakanilang destinasyon. Madami ang excited pero ang iba din ay sinasamaan ng kutob sa lugar na kanilang napuntahan.

"Anong klaseng lugar ba toh? It's so groooss!" pagiinarte ni Tricia pagkababa nya ng bus dahil pagkatapak nya sa lapag ay putik agad.

"Ewww!" pagiinarte din ni Femi dahil medyo lumubog ang kanyang sapatos sa putikan. Napasinghal naman ang iba sa mga 10A.

"as expected. Ang aarte talaga ng mga taga 10C pft" pabulong na sabi ng isang estudyante galing sa 10A na si Monica pero siyempre dahil war freak sina Tricia eh narinig nila ni Femi ito.

"Bitch what did you just said?!" pagsigaw ni Tricia kay Monica sabay sinabunutan ito. Habang si Femi naman ay tinalsikan ng putik ang babae gamit ang kanyang paa.

"Class! Class that's enough!" pagawat nina Mrs. Sanchez at Mr. Rodriguez pero siyempre hindi papaawat sina Tricia.

Dahil sa gulo na nangyayari ay nagkalat sila ng putik kaya yung iba ay natalsikan na dahilan para mas lalong nagkagulo.

"Stop It guys! Pinapatigil na kayo ni Mrs. Sanchez! Ganito na ba kayo ka-walang modo?!" Sigaw na sabi ni Shane.

"Argh! Can you please stop being so sipsip Shane? Cause you're really getting into my nerves" Mataray na sagot ni Tricia. Binitiwan nya na ang buhok ni Monica na gulo-gulo na.

Bakas naman ang pagka-irita sa muka ni Shane at nang akmang lalapitan na niya si Tricia ay pumagitna na si Mr. Rodriguez.

"Enough! Pwede ba tumigil na kayo. Act your age 10A at 10C! Hindi na kayo bata para paulit ulit na pagsabihan! Pagod tayong lahat and we need to rest. We are close to the resthouse and if you want to get there before dawn, umayos kayo"

Galit na sabi ni Mr. Rodriguez. Bahgyang natahimik ang lahat Maski ang pasimuno na si Tricia at Monica.

David's POV

Nang mahimasmasan na ang lahat ay nagpatuloy na kami sa paglalakad. Halos walang katapusan ang tinatahak naming daanan ngayon. Sobrang liblib at puro talahib at putik.

Hanggang dito nalang ang bus na naghatid samin at umalis na. Susunduin nalang daw kami kapag uuwi na.

Punong-puno ng puno ang madilim na paligid. Sobrang unusual dahil lahat kami ay tahimik. Siguro ay lahat kami ay nac-creepy-han sa lugar na ito.

"Mrs. Sanchez. Bakit sobrang layo naman ng napili niyong resthouse? Sobrang layo sa city" Tanong ni Lysa.

"Si Prof. X ang naghanap ng matutuluyan dito. And he said na this is the prefect place para sa activity na ito" ang tanging sagot ni Mrs. Sanchez.

After 30 mins

"At last! Nandito na tayo!" masayang sabi ni Cheska. Nakita ko naman ang palihim na pagngiti rin ni Bryant.

Putangina neto.

"Finally! My legs are numb na! I'm so tired but I'm so filthy thanks to the stupid bitches here" Maarteng sabi ni Karen sabay inirapan si Tricia at Femi.

"Matagal ka ng Filthy kahit wala pang putik yang muka mo" pabulong na sabi ni Femi habang si Tricia naman ay tawa ng tawa.

"Anong sinabi mo?"

"Sabi ko ang ganda ko! Bobo!" sarkastikong tugon ni Femi sabay binelat-an si Karen.

"You know what, I really want to kill you right now! Harry? Let's go babe. Nakakabwisit mga tao dito" Sigaw ni Karen sabay kaladkad kay Harry papunta sa unahan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 28, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kill Your TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon