Chapter 8

436 28 2
                                    

Dani's POV

Nasa classroom ako ngayon at ako nalang mag isa dito. Halos kung saan saan na nagpunta yung mga kaklase ko.

Nasa kalagitnaan ako ng pagtugtog sa aking gitara ng biglang pumasok sila Bryant habang akay akay si David.

Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi kapani-paniwala ang nakikita ko ngayon. Magkakasama silang tatlo? At mag aakayan pa sila na parang walang gulong nangyari.

Tumingin ako sa direksyon ni David at agad akong lumapit sakanya. Pinaupo ko siya at agad kong kinuha ang First aid kit sa bag ko. Lagi akong nag dadala ng ganito, incase lang.

"Nakipag away ka nanaman? Sabi ko naman sayo lumayo kana sa gulo" sabi ko sakanya kasabay ng pag gamot ko sa sugst nya.

"Ayokong nasasaktan ka" dagdag ko pa pero mahina lang.

"Wala kang pake" sabi saakin ni David pero hinayaan nya akong gamutin ko siya.

Tumahimik nalang ako at tinuloy ang pag gamot sakanya.

Pagkatapos ko siyang gamutin, umupo ako sa tabi nya.

"Bat kaba kasi nakikipag away? Alam mo bang nag aalala ako sayo pag nakikipagaway ka? Baka may mang--" Hindi ko naituloy ang mga sasabihin ko sakanya ng in-interrupt nya ako.

"Hindi ko kailangan ng pag aalala at tulong mo. Kaya pwede ba? Umalis kana"

Ouch. Ang sakit naman nun. Wala akong choice kundi umalis at lumabas ng classroom.

Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko. Basta ang alam ko lang ay dinala ako nito sa tahimik na lugar.

Una palang kita nakita, nagustuhan na kita. At kahit gaano ka pa kasakit mag salita saakin still, hindi parin mag babago ang tingin ko saiyo.

David's POV

Tss. Napaka arte talaga ng babaeng yun. Parang walang laman ang kokote. Punyeta.

"Awtsss. Ang hard mo naman pre!" Sigaw ni Bryant habang hinahampas ako sa likod.

"Pakialam ko naman dun?" Singhal ko sakanya.

"So ano na? Ayos na tayo?" Tahimik na sabi ni Russelle.

"Oo na. Kahit papano naman marunong akong tumanggap ng utang na loob." Nakangiti kong sabi saka kami nag fist bump.

Pagkatapos nun ay napag kasunduan naming tatlo na magkita sa isang club bukas. Syempre idea yun ni Bryant. Para daw makilala pa nila akong dalawa.

Uuwi na muna kami. Nakailang away kaya kami ngayon? First day ko palang naman dito.

Kay Mrs. Sanchez, Math teacher namin. Sakanya kami nag paalam, alanganaman kay Prof. X edi dumami pa yung bugbog namin.

-------------------
Kinabukasan
Saturday
-------------------

9 am ako nagising kaya naman nag ayos na ako ng sarili ko. 12:00 namin napagkasunduan na magkita-kita sa club, baka magdamdam ang mga gago pag nahuli ako.

Pagkadating ko sa club 12:10 na. Ang lakas ng tugtog at ang ingay ng mga nag sasayawan dito. Halo-halo narin yung amoy ng mga pabango at alak ng mga tao.

Hindi ako mahilig pumunta sa mga ganitong lugar pero dahil gusto nila Bryant wala akong magagawa. Minsan lang naman toh eh. Pagbigyan.

"Pre! Ang tagal mo, kanina kapa namin hinihintay!" Sabi saakin ni Bryant habang nag lalakad papalapit saakin.

Pumunta kaming dalawa sa table namin kung saan andun si Russelle. Syempre naka poker face nanaman ang gago.

Habang nag k-kwentuhan kami, panay ang lapit saamin ng mga babaeng mukhang malandi at call-girls.

Ay hindi, hindi lang pala sila mukhang ganun. Ganun na talaga sila.

"Hi boys, mind buying me some drinks?" Seductive na sabi nung isang babaeng umupo sa table namin.

Sinenyasan naman ni Russelle si Bryant na paalisin ung babae.

"Ah, miss. Di kasi kami mahilig sa katulad mo eh. Dun ka nalang sa iba ah? Thanks"

Natawa ako sa sinabi ni Bryant. Inis na umalis ng table naming ung babae. Makapag palayas kasi to si Bryant parang aso.

Pagkaalis nung babae ay umorder pa si Bryant ng karagdagang alak sa table namin.

"Ano mga pre? Three days no nights tayo" matawa-tawang sabi ni Bryant.

"Gago, baka gusto mong mabangag tayo dito?" Natatawang sagot ko.

"Wait lang. Diba si Fany yon?" Sabi ni Russelle habang nakaturo dun sa babaeng nasa kabilang table.

Napatingin kami sa tinuturo ni Russelle at nakita ko si Fany (yung maarte naming kaklase) na mukha nang baliw dahil sa dami na ng nainom. Halata mo namang marami siyang nainom kasi napaliligiran na ng mga bote ng alak ung table nya.

Nakatingin siya sa kawalan at parang may malaking problema. Hinayaan lang namin siya dun at nag kwentuhan nalang.

Pero kanina ko pa napapansin na pasimpleng nakatingin si Russelle kay Fany.

---------
To be continued..

Read. Vote. Comment ;)

Note: omg. Super late UD! Sorry (T.T)
#DaDaCouple haha. Don't worry, malapit na tayo sa part kung saan talaga ang "Kill Your Teacher" ;)  syempre may pa-keme muna tayo haha. Thank you ~

Kill Your TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon