Chapter 4

676 30 10
                                    

(Note: "Kill Your Teacher" trailer at the MM 😉 Maraming salamat kay shockey_jh siya po gumawa nyan. Kung ayaw ma-play sa MM eto po ung link: https://youtu.be/9GHJZiRbDe4 kamsaaa ~ ♡♡)

Third Person's POV

Pagkatapos mag turo ng sakim na propesor ng 10-C ay sabay sabay ng lumabas ng classroom ang ilan sa mga estudyante para pumunta sa kung saan man nila gustuhin pero naiwan sina Russelle at Bryant pati narin ang bagong transfer na si David.

Tahimik lang si David na nag lalaro ng "League of Legends" sakanyang cellphone habang naka earphones. Hindi nya alam na pinag uusapan na pala siya ni Russelle at Bryant sa may gilid.

Dahil sa sobrang awkward, hindi na nakatiis si Bryant na lapitan si David at syempre kasama ang tropa nyang si Russelle.

"Hoy Transferee!!" Sigaw ni Bryant habang papunta sa kinauupuan ni David habang hila-hila nya si Russelle.

"Tsk. Feeling close ka. Bakit mo pa kakausapin yan eh mukha namang walang pakielam yan" bulyaw ni Russelle kay Bryant. Halata sakanya mukha ang pagka-irita.

"Ang arte mo, makisabay ka nalang!" Sabi naman ni Bryant kay Russelle.

"Hoy transferee!"

"Hoy David!"

"Hoy lamang lupa na pumasok sa school namin!"

"Tangina neto. Bat di ka namamansin?!!" Sigaw ni Bryant habang sinisipa yung upuan ni David.

"Putang ina! Ano bang problema mo?! Hindi kaba marunong tumahimik?!" Hindi na nakapag pigil ng galit si David dahil sa kaingayan ni Bryant. Si Bryant naman ay gulat na gulat sa inasal ni David habang si Russelle naman ay nakatingin lang sakanilang dalawa.

"Ala, bat mo ko pinag mumurang gago ka?!" Sigaw ni Bryant pabalik kay David.

"Tanga ka pala eh! Ikaw ang unang nag mura gago!"

Hindi na sumagot si Bryant at inambahan na ng suntok si David, syempre gumanti si David kaya naman nauwi silang dalawa sa suntukan. Wala ring magawa si Russelle dahil kahit anong awat nya sa dalawa ay wala niisa sakanilang dalawa ang tumigil.

"Tangina mo! Gago ka, babasagin ko yang mukha mo!" Sigaw ni David sabay ng pagsapak sa mukha ni Bryant na agad naman neto iniwasan.

"Lul, mukha mo babasagin ko!"

Habang patuloy na nag susuntukan ang dalawa di nila namalayang pumasok na ang mga kaklase nila at syempre sa pangunguna nina Tricia at Femi.

"What's happening here? OMG! Nag sasapakan sila oh, sino kaya unang mabubungi? Haha ang ganda netoo!" Sigaw ni Tricia with matching palakpak pa habang papunta sa table ng teacher nila na agad umupo dito.

"Sino kaya una kong bibigyan ng tissue na gawa sa napkin later? Hihihi" halakhak ni Femi habang sumusunod kay Tricia.

Di parin tumitigil ang dalawa kahit halos pumutok na ang kanilang labi. Sunod sunod rin naman ang pag ku-kumpulan ng mga estudyante ng 10-C. Ang iba pa eh nag pupustahan kung sino ang mabubungi. Syempre leader dun si Tricia at Femi.

Pero natigil ang lahat maliban sa dalawang nag susuntukan ng biglang pumasok si Dani at sumigaw;

"Daaaavid!! Bwisit ka Bryant, how dare youuu?!" Nilapitan nya ang dalawa sabay pingot sa tenga ni Bryant at nilayo ito kay David.

"Pshh. Epal naman toh! Yan tuloy, walang nabungi. Leche!" Iritang sabi ni Tricia habang tinitignan ng masama si Dani. Umalis ito sa pagkakaupo sa table ng teacher at nag lakad palabas ng pinto kasama si Femi.

Kill Your TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon