Haay...hindi ako natutuwa sa ginagawa ng parents ko. sila naman ang nagsabi na dapat ginagawa ko kung ano ang makakapagpasaya sa akin eeh bakit nila ginagawa sa akin to? Bakit kailangan nila akong ipakasal sa lalakeng hindi ko naman kilala diba??
Teka, saan ba ako pupunta??? Hhhhmmm..
3am pa lang at naglalakad ako sa daan. Naiinis kasi ako! kaya naman ito naglayas mode ako. hindi naman ako puedeng pumunta dun sa mga bruha dahil sure ako tatawagan nila ang mommy ko kaya eto. Ewan kona kung saan ako pupunta. Haaay..nung pagod na ako pumasok muna ako sa 7/11 para umupo pero syempre bumili din ako para naman hindi ako paalisin haaays..
Naupo ako sa bakanteng table. Walang tao! Kasi naman madaling araw!!! Kaya naman natuwa ako nang nagopen ulit yung pinto. Pero teka kilala ko tong lalakeng to ah. Teka sino yung kasama nniya???
Si Rocco:
After ng play agad na akong umalis. Nabadtrip talaga ako dun sa kiss part! Bakit nga ba ako nagkakaganito? Bakit ba ako apektado eeh wala naman akong kinalaman sa relasyon ni iana sa lalakeng yun!
Pagdating ko sa bahay nagulat ako kung bakit parang may maingay sa loob. Pagpasok ko andun yung pinsan kong si Jade.
“o kuya Rocco!! Nakauwi kana pala..sakto nagluto ako ng..”
“anong ginagawa mo dito!?!?!”
“sungit neto! Hmph! Maupo kana nga jan!!!”
Umupo ako sa dining at naghain na siya.
“bakit ka nga andito??”
“tsk! Sabi kasi ni mommy mo umuwi ka naman daw minsan dun. Tsaka sabi ni Eri may something ka!”
“huh? Ano? Sinong Eri??”
“si Ms. Anderson!! Eri Anderson! May something ka daw sa isa mong student!!! Ikaw ha!!”
“ano???”
“ayiie. Ikaw ha dun sa Marie ba? Ano na nga ba pangalan nun?”
“si Mariana!!”
“asus!!! Child abuse!!”
“tigilan mo nga ako!! tsk!”
“umamin ka Rocco, may gusto ka dun noh?”
“wala nga!!”
“hay nako Rocco namumula kaa! Pero sana pag-isipan mo yan! May Jinette kana! Tandaan mo yan! Kahit baliktarin mo ang mundo hindi kana single okay?”
“alam ko!!! tigilan mo na nga ako tsk!!”
BINABASA MO ANG
My Hunk Teachers!
Roman pour Adolescentspaano kung mapaligiran ka ng mga gwapong teachers? hindi ba naman titibok ang puso mo? what if mainlove ka sa isa sa kanila? pipigilin mo o itutuloy mo? paano si Mariana na nainlove sa kanilang dalawa? este tatlo pala hahaha..what will happen to her...
