JULIAH GEORGIANA"Violago for threee!"
*click* *click*
Nagsimula na naman magsigawan ang mga taga Clifford High. Ibinaba ko ang camera ko at tinignan ang nag-iinit na si Flame. He look so disappointed but his charm never fades.
"Hoy Jachary! Pasok na kasi!"
"What the heck! Ano bang inaarte niyo ni Justice!?"
I rolled my eyes when I heard those two girls shouting. Papansin. Why won't they kick Coach Angelo and take his place? Tutal ang dami nilang alam. I started reviewing my shots kasi gusto ko maganda yung ipapasa ko kay sir. I gazed at my watch, 5:37 pm na pala. Nilingon ko yung scoreboard, 3rd quarter na pero 52-64 padin ang score at in favor ang kalabang Highschool.
"Booooo! Brenttons hanggang diyan na lang ba kayo? Lame!" I saw someone threw a shirt from Brentton sa floor. I'm certain na student ng Clifford ang gumawa noon. Nainsulto ako but I believe that Brentton Voyagers will not fail our Academy.
Nagstop yung game at nalaman kong end na ng third quarter. Wala paring pagbabago sa score pero pinagpatuloy ko na ang pagtake ng pictures for our newspaper. Sinimulan ko sa pagpicture kay Coach Angelo habang kinakausap ang basketball team —para makalapit na rin kay Flame—at sinunod ang mga audience.
"Start of the 4th Quarter." sabi ng commentator pagkatapos kong tigilan ang pagpipicture. Nagsimula nanamang magsigawan ang magkabilang kupunan. Nakaramdam ako ng excitement ng makita kong nasa Court si Flame at ginagalaw ang balikat niya. Inangat ko ng mabilis ang camera ko. And I continuously click my camera and take shots of his perfection.
"Juliah!" Narinig ko ang boses ng co-photo journalist ko.
"Bakit?" tanong ko ng may pagkairita at patuloy parin sa pagpicture kay Flame.
"Kailangan na daw natin i-edit yung pictures."
"Sunod ako, mauna ka na." Tiningnan ko siya hanggang sa makaalis. I lifted my camera to begin taking pictures of the crowd as well as the game. May binulong pa siya pero di ko na binigyan ng atensyon.
"Hoy tabi!!" di ko pinansin iyon. "Umalis ka diyaaaan!" sinubukan kong ipagpatuloy ang pagpipicture ng biglang may makabangga sa akin at nabitawan ko ang camera ko. Nahigit ko ang isang jersey na naging reason para marestrain ang pagkahulog ko ng malakas. Napapikit ako sa nangyari.
"Woooaaaah!" I'm sure we caught their attention. Napadilat nalang ako nung naramdaman kong may humawak sa wrist ko then I recognized him, Flame Jachary Salvatore. Hinatak niya ang kamay ko para maitayo ako at nakatitig lang ako sa kanyang mga mata hanggang sa umalis na siya dahil pumito na ang referee. My heart's now beating too fast and I felt my cheeks painted red. The first time we were very close. The very first time.
"Camera mo." may nag-abot sa akin ng camera ko. Natauhan lang ako nung nakita kong basag ang lense ng camera ko at may gasgas ang buong dslr. Sinilip ko ang mga nanunuod at mabilis namang bumalik ang attention nila sa game.
"Francis what happened!?" Kinuha ko ang camera ko kay Francis, sports writer ng Brentton Cardiff Hill Academy.
"Nadala ka kasi ng emosyon mo." tumatawa siya habang sinasabi ito. "At sabi pala ni sir, hintayin mo daw siya sa labas ng gym titignan daw niya yung mga shots mo, pero ewan ko kung machecheck pa niya yun." nagsmirk siya at umirap nalang ako.
Binaling ko ang atensyon ko sa camera. Tinignan ko ang kalagayan nito, hayaan ko nalang muna. I can still fix this naman. Sinilip ko ulit ang watch ko at mag sisix na. Hindi ko tinapos yung game at lumabas na ako ng gymnasium para hintayin si Sir Franze. I decided to stop by an icecream vendor na inarkila ng school, I need to kill boredom while waiting.
YOU ARE READING
Loving Between the Lines
Teen Fictionstory will be continued pls bear with us, your authors. ps. there are errors in some parts and we'll edit it soon :)) loving between the lines "how can he be so good in front of the girls and be so evil with his friends?" ;)