The boy where Jachary's name is tied to. Ang katandem niya pagdating sa basketball. Star Player ng Brentton Cardiff Hill Academy. Justice Arcellana.
Tinitigan niya ako ng matalim at napatingin naman ako sa labi niya, may dugo ito. Aha, napuruhan ko! Pero, pero bakit niya ako niyakap kanina?
"Ba't nandito ka?" tanong niya sa seryosong tono. Gusto ko sanang tanungin kung bakit niya ginawa yung kanina pero naunahan ako ng hiya na di ko dapat maramdaman ngayon.
"Si Flame hinahanap ko." Mas pinili ko nalang sagutin ang tanong niya kesa usisain yung nangyari. Hindi ko kayang magspeak-up ukol doon. Aish! Bakit nga ba?
"Flame? Do you mean Jachary?" Tinaasan niya ako ng isang kilay at sinuklian ko lang ito ng titig. "Flame. Tss, patay na patay talaga." Bulong niya na alam kong sadyang ipinarinig sakin.
Ano bang ibinibig deal nila kung ang tawag ko kay Jack ay Flame? Name parin naman niya yun. Ang kapal ng mukha niya, matapos niya kong tawaging babe atsaka chancingan kanina wala 'man lang apology? Pakulong kaya kitang manyak ka!
"I'm sorry." Ani Justice sa walang kagana-ganang tono.
"Aba, ang kap—" di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil tinalikuran na niya ako at naglakad palayo. I rolled my eyes and decided to go home. I know wala narin akong mapapala dito.
Nilakad ko ang kalakihan ng BCH Academy. Malakas ang hangin ng gabing ito at ramdam ko na rin ang pagod. Madilim na talaga dahil past six pm na. This day is so tiring, wala naman akong nagawang productive. Ni-pagsoli ng camera di ko nagawa. I have no purpose today and I hate that.
Nagpatuloy ako sa paglalakad ng maapakan ko ang sariling sintas ko, 'di na pala nakatali. Yumuko ako habang salo ang camera at inayos ang aking shoelace.
"Georgiana!" Patanong ang boses na tumawag sa akin. Nilingon ko siya agad at unang nahagip ng mata ko si Justice, oo si Justice ulit. Nagtama ang mga mata namin pero umiwas siya agad.
"Georgiana, come here." Tinawag ako ng kasama ni Justice, si Mrs. Esguerra, our guidance councilor.
"Uuh, yes Mrs. Esguerra?" Tanong ko ng makalapit sakanila. Nasa tapat kami ng infirmary ngayon.
"You're the Editor-in-Chief, right? I need you to accompany Justice. I assume magkakilala naman kayo." Nanlaki ang mata ko at napatingin kay Justice na seryoso ang mukha. Yung pagyakap, yung nangyari kanina, ay nagflashback sa akin. No! I don't want.
"Bu—" I failed to speak noong hawakan ni Mrs. Esguerra ang aking balikat.
"Kailangang- kailangan kasi yung mga speakers na dalhin sa Social Hall, nasa room niyo 'yon. Di kasi kayang mag-isa dalhin ang speakers."
"Okay Ma'am I understand. Anong room po?" Tanong ko na ikinalungkot ng kaloob-looban ko. Hindi naman ako pwedeng humindi. Kahit ang dami kong dahilan para di gawin ang utos niya, she's our guidance councilor, nakakahiya naman.
"Sa former room ng Brent Journ. Pasensya na, hija." ngiti niya sa amin. Napa-awang ang bibig ko, sa third floor pa yung former room! "Ito yung key, make sure lock it when you leave. Ibalik niyo nalang sa akin 'to sa Monday." ani Ma'am.
"No problem Mrs. Esguerra. Kuhanin na po namin." Sarkastiko ako pero hindi ko ito ipinahalata. She's a psychologist for Pete's Sake kailangan mag-ingat. Ngumiti rin ako at tinanguan si Justice hudyat na sumunod siya sa akin.
Naging tahimik ang paglalakad namin. I know he don't speak that much and ayoko namang ako pa mag-open. Nakarating kami ng Curricular Building ay di ko na natiis ang sobrang nakakabinging katahimikan. I exhaled then decided to break the silence between us. Hinarap ko siya at nagsalita. Napahinto siya at tinignan ako.
YOU ARE READING
Loving Between the Lines
Teen Fictionstory will be continued pls bear with us, your authors. ps. there are errors in some parts and we'll edit it soon :)) loving between the lines "how can he be so good in front of the girls and be so evil with his friends?" ;)