'Blag!'Nabuhay ang diwa ko sa narinig kong kalabog. I stretched my arms and sat down, hindi ko pa binubuksan ang mga mata ko. Binalak kong bumalik pa sa pagtulog but I heard a murmur after.
Minulat ko na ang aking mga mata at sinilip ang kabilang parte ng kama papunta sa lapag.
"Cousie," Ingit ni Hannah na kasalukyang nasa lapag. Anong oras umuwi 'to? Bumangon ako ng kama at sinubukan siyang ibalik sa higaan. Binitbit ko ang upper body niya atsaka nalingon sa orasan.
2: 50 AM
Binitawan ko muna si Hannah at mabilis na tinignan ang phone ko. It's September 30 and ngayon yung Camp namin! How can I forget that? Naging tradisyon na iyon ng school.
Mabilis akong lumabas ng kwarto at sinilip ang kwarto nila mommy. Empty, like always. Bumuntong hininga ako at bumaba nalang papunta sa kwarto ni Ate Mela para gisingin siya.
Bumalik ako sa kwarto para maligo. Tinuyo ko ang buhok ko habang palabas ng banyo at nakita kong nakabalik na ng kama si Hannah. I wore my Brentton Journalism polo shirt at tinernuhan ng high-waist jeans kasabay ang pagpapack ng gamit ko para sa overnight na trip namin. Humarap muna ako sa salamin at inayos ang nakalugay kong buhok.
"Juliah! 3:58 na!" Narinig ko ang sigaw ni ate Mela mula sa baba kaya mabilis kong binitbit ang bag na gagamitin ko.
"Nandiyan na po!"
Half-running ako nung bumaba dahil 4:00 AM dapat ay nasa school na ko. Kumuha nalang ako ng bread at nagpaalam na kay ate Mela.
"Hindi ka na ba kakain?" Habol ni ate Mela sa akin pero umiling nalang ako at dumiretso sa sasakyan kung saan naghihintay na si manong Bert.
Tumingin ako sa orasan at 4:20 na. binaling ko sa bintana ang tingin at papasok na kami sa BCHA.
"Manong dito nalang po ako." Naghikab ako.
"Magtext ka sa mommy't daddy mo." Sagot ni manong at naglakad na ko papuntang bus.
I scanned the parking area and isang bus nalang ang nakikita ko. Am I late? I hope not, aish! Nilapitan ko si coach Angelo dahil siya nalang ang nakikita kong faculty member.
"Coach, yung bus po ng Journalism?" Lumingon akong bahagya sa bus na nasa tabi ko at puro varsity jackets ang nakikita ko.
"Ay Juliah, umalis na. Find your seat in this bus instead." Tumango ako at dahan dahang naglakad sa bus na tinutukoy ni coach.
This should be a happy day dahil makakasabay ko si Jachary sa bus pero bumaliktad ang sikmura ko noong bumungad sa akin ang cheerleaders at ang basketball team. Ang video na napanood ko ang naiisip ko sa tuwing makikita ko sila. Napatingin sila sa'kin pero bumalik din sa kanya-kanyang ginagawa.
I walked pass them at sa paglakad ko ay nagkasalubong ang mata namin ni Charles. I looked away swiftly, I don't want to see him. Matapos niya ko sabihan na pacute!
Umupo ako sa pinaka likod dahil doon pa may vacant. I placed my things sa seat na nasa window side. Dalawang magkatabi kasi ang upuan ng bus. May katabi ako panigurado dahil may gamit nang nakalagay sa isa pang upuan. Sinandal ko ang ulo ko sa bintana pagkalagay ko ng earphones.
"Juliah? Nandito ka pala!" Wala pang ilang minuto ay tumabi na sa akin si Stephen. "How's your camera?" Dagdag niya.
"Uh- Di ko pa napapaayos." Sabi ko at tinanggal ang isang earpiece.
"Where were you last night? Party ni Marco ah." Tanong niya.
"I stayed home, may ginawa kasi ako." Sagot ko.
YOU ARE READING
Loving Between the Lines
Teen Fictionstory will be continued pls bear with us, your authors. ps. there are errors in some parts and we'll edit it soon :)) loving between the lines "how can he be so good in front of the girls and be so evil with his friends?" ;)