Game, game." Nagsalita si Justice sa tabi ni Flame na halatang medyo may tama na rin.
"Uum, okay. Let's play Hit Girl!" I paused the video nang tumigil ang taxi. Bumaba ako sa tapat ng bahay namin at binigay na ang bayad.
"Di ka ba sinundo ni Berto?" Sumalubong sa akin si Ate Mela, kasambahay namin.
"Hind―"
"Yan talagang asawa ko na yan! Umalis-alis di ka pa dinaanan." aniya at nagpatuloy sa pagwawalis.
"Okay lang po, ate." Ngumiti ako at dumiretso sa kwarto. Iniwan ko ang camera sa isang tabi at nagdesisyong maligo. I feel a little queasy. Kumuha ako ng shorts at white shirt sa closet ko at nagpatuloy na sa banyo.
The water felt good, parang ineerase nito yung stress ko. Nang matapos ako ay nagtoothbrush na ko. Lumabas ako ng bathroom at tinutuyo parin ang buhok ko.
I placed the towel above my study table then nahagip ng mga mata ko ang camera na nakarest sa side table. Naalala ko, there's a video there! I decided to resume the video at umupo sa kama ko.
"Stephen Silva and his cheeky games." Tinapat ni Stephen ang camera sa nagsalita. Si Kyerre Paulino.
"Shut up, bruh!" Binaling niya ang camera kay Flame na umaapoy na ang mga mata.
Nakita ko sa video ang lamesang punong puno ng basyo ng Rumple Minze at Jim Beam Whiskey.
"Jack, ano game?" Tumango-tango si Flame at humalukipkip sa upuan niya.
"Alani Caleon?" Nagchuckle si Flame sa sinabi ni Stephen.
"Oooooooh! Balikan mo na kasi Jack, sexy non eh." hiyawan ng mga kasama nila. Jack glared at them.
"Shut up guys! Let Jachary answer. Di naman kayo tinatanong ko." saway ni Stephen.
"Miss. She likes me too much." Sagot ni Flame na tumitig sa camera. "She's pretty but don't be disrespectful like that." dagdag niya. Oo ex niya si Alani. I was affected by it pero a little only. Hindi ko naman din masyadong nilalapitan si Jack dahil oo crush na crush ko siya pero hindi naman ako naiinggit sa mga girlfriend niya or what. But, what reason was that? She likes him too much kaya pass?
"Wag ka pa-anghel, umiscore ka?" Humiyaw si Charles that made everyone quiet. What the hell is wrong with this guy.
"Not your business. Okay next." Ininom ni Flame ang shot niya. "Alliyah Barcelona." sabi ni Stephen with a cheeky tone. Inayos niya ang camera at kita na silang lahat sa video ngayon.
A wave of different descriptions for Alliyah was heard in the video. 'Napakaganda', 'Crush ko', 'Chicks', and many other compliments. But what hit me the most were the words from Jack.
"Medyo crush ko 'yon. Kaya Hit!" Ouch. Joke. Ayaw mo ba sa isang photo journalist?
"Lalo na pagnagvovolleyball, napapatingin ako sa legs. " Sabi ng isa nilang kasama.
"She's got nice legs, yeah." Sumang-ayon si Jack. Aba, so tinitignan niya? Bakit nga ba kasi pati ito ay vinideo pa nila.
Lagi kaya nilang ginagawa 'to? Girls aren't toys para ganyanin nila. The side comments are out of it. I was surprised that Jack agreed to that. I really admire him for being so protective and gentle, but am I wrong? Pipindutin ko na sana ang pause.
"Ito, ito, ito! Juliah Alejandre?" Sumeryoso silang lahat na nakapagpakaba sa akin. Gusto ko at kailangan kong malaman ang sasabihin nila kaya pinagpatuloy ko. Bigla silang tumawa.
"Who's that?" Ani Flame na tila walang alam sa nangyayari at bakit nagtatawanan ang mga nakapaligid sakanya.
Hindi niya ako kilala.
YOU ARE READING
Loving Between the Lines
Teen Fictionstory will be continued pls bear with us, your authors. ps. there are errors in some parts and we'll edit it soon :)) loving between the lines "how can he be so good in front of the girls and be so evil with his friends?" ;)