I rushed to our hotel room. Aish! Hindi ko na kayang magtagal pa na makatabi si Flame. Sapat na yung anim na oras na pagwawala ng puso ko. Get it together Juliah please.Nakapasok na ako ng kwarto at inayos ko na agad ang gamit ko sa cabinet. I heard my co-journalists' footsteps and chitchats. Mukhang mabilis rin silang nakasunod sa akin.
"Juliah, lunch na daw tayo." Sabi sa'kin ni Ericka. Tinanguan ko lang siya at nagbihis muna ako sa bathroom dahil nag-aayos pa naman sila.
Magkahiwalay ng kwarto ang boys and girls ng journalism. Bawal kaming magsama dahil mahigpit ang school sa mga bagay na ganoon kaya nasa kabilang kwarto sila.
"Juliah, tara na!" Sigaw sa akin nila Ericka. I wore a plaid ruffled shorts and a loose v-neck shirt. Saglit nalang ako humarap sa salamin dahil demanding na itong si Ericka na makababa.
It's almost one in the afternoon kaya kumakalam na rin ang tiyan ko. I want to eat so much food at sana magawa ko 'yon nang hindi nacoconscious. Sabay sabay na kaming naglakad palabas ng kwarto.
Gumamit kami ng elevator dahil galing pa kami ng 7th floor. Buti nalang at hindi namin nakasalubong ang basketball team dahil paniguradong nandoon si Flame. Nahihiya pa rin kasi ako sa nangyari nung nagstop-over. Actually lahat ng encounters namin ay nakakahiya pala ako!
Bumukas na ang elevator hudyat na nasa baba na kami. Pinauna ko muna yung mga kasama ko atsaka palang lumabas. Pinusod ko ang buhok ko at nakita kong bumukas na din ang katapat na elevator.
Nanlaki ang mata ko nang makita si Flame na palabas no'n. Nagkatinginan kami pero iniwas naman niya agad ito at naglakad na palayo. Para siguro iwasan ako. Iniiwasan na niya ako ngayon? That's what you wanted right, Juliah?
I suddenly regret na sinusungitan ko siya. Hindi ko maintindihan nararamdaman ko, parang abnormal ang tibok ng puso ko. I want to stop being angry at him but because of the things he said in the video... My heart wanted us close but my pride won't let it. Funny how in my eyes, he would be a turn off then suddenly shifts to being the guy I like.. again.
*
"After niyong kumain pwede niyong libutin ang place." sabi ni coach Angelo na nakapagpaexcite saming lahat.
"Journalism, 'di kayo pwede magsama-sama. Kung saan kayong team nagcover doon kayo sasama." Nalungkot naman ako at napatigil. I covered the basketball games. "Francis, sa cheerleaders ka sumama." dagdag pa ni sir Franze.
Napatingin naman ako kay Francis na katabi ko. Tumango tango naman siya at tumingin sa'kin. Salamat nalang kay Francis at nakita niya kami ni Flame kanina. Sinave niya 'ko!
"Pwedeng magrequest ng golf cart sa lobby." Pahuling sabi ni coach Angelo. "And dapat nakabalik na kayo before our program, 5 pm 'yon."
Well, enjoyin ko nalang ang araw na ito. Kalimutan ko na muna ang mga nagawa ko!
*
"Juliah, picture!" narinig kong sigaw ni Charles sa likuran ko. Nakasakay na kami ngayon sa golf cart. Hindi naman ako nakalingon agad dahil wala naman akong camerang dinala. "Juliah!" sigaw pa niya ulit.
"Seriously dito?" sagot ko atsaka lumingon.
Hawak niya yung camera ni Jachary at nilalahad ito sa'kin. Tumingin ako kay Jachary pero hindi siya nakatingin. Kinuha ko nalang yung camera para mapicture-an sila.
"Compress kayo," tumayo ako para mas kita sila. "1,2,3.. smile." then I clicked the shutter button.
Nawala ako sa balanse nang dumaan sa lubak lubak yung sasakyan. Inisip ko yung kalagayan ng camera kaya hinawakan ko ito ng mahigpit.
YOU ARE READING
Loving Between the Lines
Teen Fictionstory will be continued pls bear with us, your authors. ps. there are errors in some parts and we'll edit it soon :)) loving between the lines "how can he be so good in front of the girls and be so evil with his friends?" ;)