"Juliah tell me kung papasok ka, tanghali na kasi." May humawak sa likod ko at nanlaki ang mata ko ng makilala ko ang boses. Mabilis akong umupo sa kama ko at hinarap si Mommy."Mommy!? Kailan ka po umuwi?" Mabilis kong tanong sakanya.
"Agad kasing natapos ang conference namin sa Tagaytay so I decided to go home." Ngumiti siya at binalik ko naman. Umupo siya sa kama ko. One week pa dapat siya doon pero nandito na siya in three days.
"Eh nagkausap na po ba kayo ni daddy?" Tanong ko habang nagmamano. "Di ko pa po siya naimemessage eh."
"It's hard to keep in touch with your dad these days kasi masyadong hectic ang sched niya. His work is no joke, Juliah." Sagot ni mommy.
Oo nga pala, midnight palang sa Milan ngayon at ten o'clock sa umaga dito. Tinakpan ko ang paghikab ko at naisip na di nalang ako papasok. I'll just go to the mall with mom, gusto ko kasi siyang makabonding tutal kauuwi lang din niya.
"Magmall nalang tayo mommy." Diretso kong sabi, Friday nanaman na. Tumingin siya na parang nag-iisip bago sumagot.
"Sige, wala naman akong surgery ngayong araw." ani mommy at lumapit na sa pintuan ng kwarto ko. "Di ka ba magbebreakfast? I'll wait for you sa living room." nilingon niya ko ulit habang hawak ang door knob. Umiling nalang ako at tuluyan na siyang nakalabas. Nagstretch ako ng kaunti at dumiretso na sa banyo para maligo at mag-ayos. Nang natapos ako ay sinuot ko ang isang simple black dress at tinernuhan ko ng kale green na bomber jacket.
"Juliah! What's taking you too long?" Binuksan ko ang pinto ng marinig ang boses ni mommy galing sa fam hall.
*
Binasa ko ang menu ng Atelier Vivanda na inabot ni mommy. Lumapit ang waiter at sinabi ni mommy ang order niya."Nak, what's yours?" ani mommy.
"Ummm, le croquavor tapos with foie gras." ngumiti ako sa waiter at inulit niya ang order namin. Tumango si mommy at umalis na ang waiter. Pinaglaruan ko ang mga kubyertos dahil wala akong magawa. Tumingin ako sa labas at kasabay noon ang pagring ng phone ni Mommy.
"What?... Congenital Cardiac?.. Okay, I'll be right there." Pinanuod ko si mommy na ibaba ang phone niya.
"Who's that?" sabi ko habang inaayos ni mommy ang gamit niya at may tinext ulit sa cellphone.
"Juliah are you okay alone? Tinawagan kasi ako ng MMC, may biglaang malaking surgery and they need me there." ilang segundo bago ako tumango. Lumapit si mommy sa akin at hinalikan ang ulo ko. Pinanood ko nalang siyang umalis at naghintay na ako ng ilang minuto hanggang sa dumating ang order ko.
"Ma'am twenty minutes pa po kasi yung pasta. Willing to wait po?" tiningala ko ang waiter.
"Uuuh, just cancel it." ngumiti ako at nilingon na yung pagkain ko.
Pumunta nalang kaya ako sa school? Kailangan ko rin kasi makausap si Sir Franze. Dapat kasi bonding namin 'to ni mommy eh. But that's fine baka kailangan lang talaga siya sa operation na yon. I checked my phone at bumungad sa akin ang pangalan ni Francis kaya sinagot ko ito agad.
"Papasok ka ba? Sir wants to talk to you. He's really mad." Habang sinasabi ni Francis iyon ay naririnig ko ang pagdadabog ni Sir Franze sa background. Nataranta 'ko kaya mabilis akong lumabas ng Atelier Vivanda at iniwan ang pagkain doon.
"Juliah, ano?" ani Francis.
"Si Juliah ba yan!?" Lalo akong kinabahan sa pagtaas ng boses ni Sir. Nagmadali ako palabas ng Greenbelt para makasakay sa cab.
"Where the heck are you!? Kahapon pa kita pinapunta diba? So ano, EIC ka lang may karapatan ka ng gumawa ng sarili mong sched ng pagpapasa? You're such a disappointment! Napakasimple ng gagawin mo ah. You're too irresponsible to be the head, umayos ka!" Ani Sir sa galit na tono.
YOU ARE READING
Loving Between the Lines
Teen Fictionstory will be continued pls bear with us, your authors. ps. there are errors in some parts and we'll edit it soon :)) loving between the lines "how can he be so good in front of the girls and be so evil with his friends?" ;)