Thank you for reading this story. You guys are amazing! 😊
***
Alam mo yung feeling na konting-konti na lang mahuhulog kana at kahit anong gawin mo wala kang makakapitan kaya hahayaan mo na lang ang sarili mahulog at maghihintay na sana may sumalo sa'yo. Ganun ang nararamdaman ko ngayon, I tried to help myself, I tried to hold on but in the end I'm still falling. Aasa pa din ako na sana may sasalo saakin kahit alam kong wala.
"ARAY WTF!" Bigla akong natauhan nung may marinig akong boses. Iminulat ko ang mga mata ko at bumungad saakin ang isang gwapo at napakaamong mukha. Huh? Nasa langit na ba ako? P-patay na ba ako? Omg! Lord. Ang gwapo ng anghel na sumusunod saakin. Pero teka, Wtf? Pwede bang magcurse ang mga angel?
Tinitigan kong mabuti yung mukha nung Angel. Bakit parang may kamukha siya? Kamukha niya talaga siㅡ Winter?
"Enjoying huh. May plano ka bang magstay sa ibabaw ko? Nangangalay na ako." Nakangisi niyang sabi saakin. Doon ko lang narealized yung position namin, Nakapatong ako sa ibabaw niya habang nakahiga siya sa damuhan. Mabilis akong tumayo at pinagpagan ko ang damit ko dahil may dumikit na mga dahon.
What fuck? Bakit ako nasa ibabaw niya? Anong ginagawa ko dito?
Bigla kong naalala kung bakit ako nandito sa likod ng building namin malapit sa soccer field. Wala nga pala kaming professor sa dalawang subject, Masyadong mainggay sa classroom kaya naghanap ako ng tahimik na lugar kung saan pwede akong matulog. Pumunta ako sa pinaka dulo ng library pero nagsisimula ko lang ipikit ang mata ko nang nakarinig ako ng humahagikhik, Nakakita ako ng dalawang studyante na naglalandian. Mukhang may balak pa yata silang magmake out sa Library. Nandiri ako kaya nagdecide akong umalis bago ko pa masaksihan ang nakakakilabot na pangyayari.
Napadpad ako sa likod ng building sa dulo ng soccer field. Tahimik dito dahil walang pumupunta na studyante dahil na rin siguro dulo na ito at medyo madami ng puno. Ang sarap ng hangin kaya umakyat ako sa taas ng puno ng mangga, Pumikit lang ako at hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.
"A-anong ginagawa mo dito?" Nahihiyang tanong ko kay Winter. Napatigil siya sa pagaalis ng mga dahon sa uniform at nakakunot ang noo na tumingin saakin.
"I was walking around when I saw you falling down from the tree."
So that explains everything, Kaya pala feeling ko nahuhulog ako. Na nanaginip pala ako and I'm literally falling at nakita niya akong nahuhulog kaya sinubukan niya ako saluhin.
"And you were trying to catch me? Thank you but you should've done that I can take care of myself." Sabi ko without looking at him, "S-sige. I have to go."
Nagmadali akong kunin yung mga gamit ko na inilagay ko kanina sa ilalim ng puno bago umakyat, Matapos kong makuha lang ng gamit ko, tumakbo na ako palayo sakanya. I didn't bother to look back kahit pa narinig ko na tinawag niya ako. As much as possible, gusto ko lang makalayo sakanya.
I'm not afraid of him anymore, Hindi lang ako comfortable na malapit sakanya. As much as possible I don't wanna be near him or even connected with him. Yung mga lalaking katulad niya ang dapat kong iniiwasan dahil yung mga tulad niya ang mapanganib.
Halos lahat ng babaeng kilala ko na na-involved sakanya nasasaktan. He's a real jerk, a scumbag! Kaya kahit mapalapit sakanya hindi ko na gu-gustuhin dahil ayokong dumating yung araw na magsisi ako dahil hindi ko siya iniwasan. Ayoko na dumating yung araw na matulad ako sakanya.
Muling bumalik na naman saakin ang isang alaala na kahit kailan hindi ko makakalimutan..
"No! I need to do something. I can't afford to lose him." Desperada niyang sabi habang paikot-ikot, Alam kong nagiisip na naman siya ng paraan kung paano babalikan ang ex-boyfriend niyang manloloko.
BINABASA MO ANG
Winter's Cry
General FictionWinter Angelo Dela Cruz is known for being one of the Hottest Campus Prince of BHU and he hates it. He hates attention and spotlight. He hates being with crowd of people. But despite of the things he hates, He's still always the talk of the town for...