CHAPTER THIRTEEN

348 19 9
                                    

People come. People go. They will drift in and out of your life. Almost like a fairytale in a favorite book.
ㅡNicholas Sparks, The Rescue

***


How do you pull your shits together when they are suffocating you?


My eyes squinch because of pain as I watch Fate laugh while watching Max make faces infront of Nick. I was expecting that after what happened they will atleast put an effort to explain to me or say sorry to me but I guess to much expectations will lead you to disappointment, For the nth time umasa na naman ako. Mas sakit pa dahil mukhang wala lang sakanila yung nangyari dahil naabutan ko sila dito sa Food court habang masaya, Kung tumawa si Fate mukhang wala siyang problema. Bakit ganun ang unfair naman yata? Sila masaya habang ako nasasaktan pa din kapag naalala ko yung ginawa nila saakin. Ang selfish ko na ba dahil gustong-gusto ko din silang saktan at gusto kong iparamdam sakanila yung sakit na nararamdaman ko.


Habang nakatayo ako sa dulo ng food court at pinapanuod ko sila habang nagtatawanan biglang may tumakip ng kamay niya sa mata ko. Nagulat ako pero hindi ako nabother dahil naamoy ko yung pabango niya, Alam ko na kung sino siya.


"Jace." Tawag ko sa pangalan niya.


Tinanggal naman niya ang kamay niya na nakatakip sa mata ko.


"Nung nagpasabog ng kamartyran ang diyos, Nangunguna ka sa line. Hindi naman masamang pumikit kapag alam mong sobrang sakit na, Hindi naman masama umiwas kapag hindi mo na kaya at hindi din masama magpahinga kapag pagod ka na. Tao ka, hindi ka robot kaya alam kong nasasaktan at napapagod ka. Gusto mo pa yatang magkasakit sa puso bago tumigil eh." Madrama niyang lintanya saakin tsaka ako inakbayan at kinuha ang libro na hawak ko.


Natawa na lang ako sa sinabi niya.


"Crazy. May sakit na ako sa puso kaya di mo na kailangan sabihin yan."


"Yung literal na sakit puso. Hindi yang sakit na nasa isip mo lang. You see, Pain is a choice. Nasasaktan ka kase hinahayaan mo silang saktan ka. May choice ka naman na iwasan yung mga bagay na nagbibigay sa'yo ng sakit pero mas pinipili mo pa din na tiisin yung sakit. Kaya yang sakit nasa isip lang naten yan. According to the study, If you let you emotions control your mind it will also affect your heart that might lead to a pain. Parang sa reverse psychology, You have to let your mind control your body. Mind over matter nga di ba?" I frown because of his long speech. Ang dami niyang alam pero nagpapasalamat na din ako dahil simula kahapon hindi niya ako iniwan at hinatid niya pa ako sa bahay. Sobrang gaan talaga ng pakiramdam ko sakanya, I feel like nagkaron ako ng instant knight without shining shimmiring armour at instant boy space friend.



"Akala ko ba Engineering ka, Kelan ka pa naging Psychologist?" Imbes na sagutin ako he just shrug, "Kain na lang tayo. My treat." Hinila na niya ako habang nakapatong pa din ang braso sa balikat ko, Hindi ko na lang pinansin dahil comfortable naman ako habang nakaakbay siya.


Hinayaan ko lang siyang hilahin ako sa bakante na table, Sa kasamaang palad sa likod lang ng table nila Fate ang bakanteng table kaya wala akong choice. Pinilit kong wag magpakita ng kahit na anong emotion nung napadaan kame samay table nila, Natahimik naman silang lahat nung dumaan kame maliban kay Rui na narinig kong tinawag ng mahina ang pangalan ko. Muntik ko na silang lingunin nang bigla kong naramdaman ang higpit ng akbay ni Jace saakin at pinisil niya pa ng konti ang balikat ko kaya hindi ko nagawang tumingin sakanila hanggang nakarating kame sa bakanteng table.

Winter's CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon