The Breakdown
Mabilis ang patak ng tubig sa shower, malakas ang patugtog ng radyo sa kwarto ni Bren. Hindi man lang niya naririnig ang sigaw ng ina..
"Bren! Ano ba! late ka na for school? Sasabay ka ba sa akin? Paalis na ako!"
Sa sobrang inis pinasok na sa kwarto ni Mrs. Chavez ang anak
Nagkagulatan na lang ang mag-ina ng makita niya na walang saplot si Bren.
"Diyos ko naman Bren! Magbihis ka na, may balak ka ba mag porn star anak? uso pa naman ang mag damit!"
"Mom! Bakit ka naman kasi pumasok sa kwarto ko ng hindi man lang kumakatok?"
"Aba leche kang bata ka! kasalanan ko pa ba? Ikaw itong hindi nag lo-lock ng kwarto mo! Kanina pa ako tawag ng tawag na-paos na ako hindi ka pa rin sumasagot!"
"Hayan tuloy na exposed ang pagiging machete ko" pilyong sagot ni Bren
"Huwag kang hibang! late na ako for work ano sasabay ka ba sa akin o magpapahatid ka na lang kay Manong ?"
"Not anymore ma, meron kami graduation practice sa school kaya okay lang ma-late ng kaunti"
"Ok sige anak, alis na ako see you later!"
Niyakap ni Mrs. Chavez ang anak at tahimik na sinarado ang kwarto.
Sa School... Habang nag e-ensayo for highschool graduation, nag kumpulan ang mga barkada ni Bren bagkus na mag participate mas inuna pa mang asar ng mga kaklase.
Habang nakikipag harutan sa mga kaibigan, biglang nilapitan si Bren ng kanyang highschool teacher...
"Bren, we're sorry to inform you that your dad and brother had an accident this morning"
"What are you saying ma'am? is this a joke? if it is, this isn't a good one"
"No Bren, it's confirmed. That's why we are letting you know that you can go home now and pwede ka na mag skip ng graduation practice to be with your mom right now" malungkot na tugon ng teacher.
Nanlamig ang buong katawan ni Bren, halos nanikip ang dibdib niya sa mga sinambit ng kanyang teacher, at tumulo na lang bigla ang kanyang luha.
Tumawag si Bren sa kanyang ina..
"Mom, is it true?"
"Yes anak, could you please come home? I need you now" Hagulgol na sagot ng ina
Biglang binaba ni Bren ang tawag. Nanlambot siya at biglang napa-upo sa sahig at wala ng nagawa kundi ang umiyak na lamang..
Dali dali namang umuwi si Bren, Nakita niya na kinakausap ng mga pulis ang ina at pilit na pinatatahan at pinag u-usapan kung saan ibuburol ang namatay na ama at kapatid.
Patay sa ambush si Mayor Chavez, kasama ang panganay na anak na si Peter at ang tatlong bodyguards. Papunta sana sila sa Cebu para sa isang conference meeting nang bigla silang tambangan ng mga hinihinalang sindikato na matagal ng naka alitan ni Mayor Chavez.
Sa libing ng ama at ng kanyang kuya Peter, Biglang bumuhos ang malakas na ulan kasabay ng pag-patak ng kanilang mga luha. Maraming mga taong nakiramay at mga nalungkot sa biglaang pagkawala ng isang mabuting alkalde at mga kasamahan nito.
"Mom, I promise you that I will serve justice to Daddy and Kuya. I will never stop hanggat hindi ko nakikita na nabubulok sa kulungan ang mga gumawa sa kanila nito" Matigas na pahayag ni Bren habang niyayakap ang ina.
After a month...
Naka-graduate na si Bren from Lawrenceville Highschool natapos na rin niya ang kanyang highschool life at napili niya na mag-take ng Criminology course sa kolehiyo sa isang Police Academy sa Baguio. Tumatak sa isip niya ang ipinangako sa ina na ipaghihiganti ang sinapit ng kanyang ama at kapatid.
YOU ARE READING
My Love from Heaven
RomanceBren Alexander Chavez is a young handsome guy, matangkad, gwapo, matipuno pangangatawan at dahil siya ang bunso, maharot, at pilyo. Galing si Bren sa isang well-known family. His dad is a mayor and ang mommy niya ay isang public attorney. Lumaki si...