Starbucks Coffee
Kasalukuyang nag pa-plantsa ng uniporme si Mace nang may nag doorbell sa gate..
Dumungaw siya sa bintana pero wala naman siyang napansin na tao sa labas, muli siyang nakarinig ng tunog ng doorbell sa pangalawang pagkakataon, Sumilip siya ulit at walang nakita. Nainis siya kaya naisipan niyang bumaba na.
Suot niya ay isang spongebob na boxers at maluwag na puting t-shirt. Alam niyang di siya naka-bra kaya nagtakip na lang siya ng tuwalya sa pag mamadaling baka umalis na ang taong kumakatok sa gate niya.
Sa pag bukas niya ng gate, nakita niyang walang tao sa harap at takang taka siya kung sino ang kumatok. Napansin na lang niya na may isang pulang kotse ang naka-park sa tapat ng gate ng kanyang kapit-bahay. Papasok na sana siya sa loob ng kanyang apartment ng biglang bumusina ang kotse na ito sa kanya..
Beep! Beep!
"Hoy Miss Sungit" malakas na sigaw ni Bren
"Ikaw??"
"Ay hinde!" pang-inis na sagot ng binata
"Bren? Bat ka nandito??" hiyang hiya si Mace dahil nakita siya ni Bren na walang ayos at mukhang busabos ang kanyang suot..
"Labas ka! Tara pasok ka muna dito sa kotse ko"
Hindi na nag dalawang isip si Mace na pumasok sa kotse ni Bren..
"Oh bat naman binigla mo ako at napunta ka dito? Ginulat mo naman ako Bren!"
"Halata ngang gulat ka, kasi di mo man lang nagawang mag tsinelas eh"
"Hahah paano nag mamadali ako, baka kako dumating na yung mag dedeliver ng gasul, so what brought you here?"
"Kasi di ba kagabi, hinatid kita hindi mo man lang ako pinag-kape bilang pasasalamat man lang, sabi mo next time tayo mag kakape, so eto na yun" pa-sumbat na tono ng binata
"Ha? agad? excuse me 3-in-1 coffee lang meron ako dyan"
"Ang kuripot mo naman Miss Sungit, Nakuha ko na nga yung bag mo sa snatcher, hinatid pa kita ng kagabi, naubos nga yung gas ng motor ko, tapos 3-in-1 lang ipapa-kape mo sakin? ganyan ka ba katipid mag pasalamat? Libre mo ko Starbucks"
"Ang kapal mo rin no? Pero sige na libre na kita, pero kape lang ha? next week pa sahod ko, so bawal umorder ng pastries"
Lumabas na si Mace ng kotse ni Bren, upang maligo at mag-ayos. Habang papasok si Mace sa apartment nito, Nangiti si Bren sa kilig dahil pumayag ang dalaga na mag-coffee ito kasama siya.
Sa Starbucks counter..
"Isang Caramel Frappe, No Whipped Cream, Grande nga po. Ikaw Bren ano sayo?"
"Isang Americano lang with no sugar and cream"
"Naks ha, eh di ikaw na nahilig sa matapang na kape"
Nangisi lang si Bren, inabot niya ang bayad sa counter.
"Oh teka, akala ko ba ako mag babayad nito? diba sagot ko?" patakang tanong ni Mace.
"Wag na, ako na to. Para sure na may next time pa"
Namula si Mace..
"What do you mean na sure na may next time pa?"
"Mace, wag mo na tanungin ang obvious pwede ba?"
Biglang napakamot ng ulo si Mace, Inaya niya na umupo si Bren para makapag kwentuhan man lang sila ng binata..
"So Bren, wala ka ba pasok ngayon?"
"Wala, Mamaya pa"
Habang tahimik na nagmamasid sa Starbucks menu si Bren..
"May gusto ka pa ba orderin?" tanong ni Mace
"Actually, wala yung gusto ko dito sa Menu nila eh"
"eh ano? saan ba meron nun??"
"Nasa harap ko"
Napayuko na lang si Mace sa hiya, pag angat niya ng mukha niya at naka-ngisi din sa kanya si Bren.
"So may magagalit ba if sinundo kita mamaya?"
"Ha? wala naman" pa-bebeng sagot ni Mace.
"Sige, hatid na kita ngayon baka ma-late ka pa, sunduin kita after duty mo ha until what time ba tapos ng work mo?"
"Naku mid-shift ako ngayon, hanggang 8:00 PM ako ayos lang ba?"
"No worries, abangan na lang kita by that time"
Sa Parking ng Ospital..
Nakita ni Tina na bumaba ng kotse si Mace mula sa kotse ni Bren. Nanlaki ang mata nito habang palakad papunta sa entrance door ng ospital. Dali daling binilisan ni Tina ang paglalakad para maabutan niya si Mace.
"Hanep ka girl, sino yung red camry car na naghatid sayo??"
"ayaaaan tayo eh, pag makiki-chismis ka ang bilis mo"
"daliiii na kasi teh, sino yun?? sanay kasi ako sa colorum na fx ang sinasakyan mo e"
"si Bren, hinatid ako"
"wow, upgraded si Police officer, kagabi naka motor lang, ngayon naka-camry na?! bakit anong meron bat ka hinatid?"
"Nagkape lang, wag kang usisera pwede ba. Wag mo bigyan ng kulay, dahil hindi naman kami nag-date"
"ay, pa-showbiz ka rin girl, pabebe ng sagot mo! obvious ba na type ka? hinatid ka na kagabi ng naka-motor, nag kape kayo, then hinatid ka naman ulit dito! eh di type ka"
"Nako, sikat na babaero yun nung higschool kami, binobola lang ako nyan"
"Uy pag ba gwapo bolero agad? grabe ka, kung ayaw mo kay poging police officer, agawin ko siya sayo sige ka! kung sakin lang nagka-gusto yan, di na ako magpapakipot pa, spread the legs ka agad!"
"Alam mo Tina, tumahimik ka! pasakan ko na ng bulak yang bibig mo e! napaka lukaret mo talaga!"
Agad nagtawanan ang magkaibigan at pumasok na ng diretso sa Ospital para sa kanilang duty..
------------
YOU ARE READING
My Love from Heaven
RomanceBren Alexander Chavez is a young handsome guy, matangkad, gwapo, matipuno pangangatawan at dahil siya ang bunso, maharot, at pilyo. Galing si Bren sa isang well-known family. His dad is a mayor and ang mommy niya ay isang public attorney. Lumaki si...