C H A P T E R 4

35 2 0
                                    

L O V E A T F I R S T F I G H T

"Ahhhm hello po mamang pulis, dito po ba yung presinto na dinala ang tumangay ng bag ko?" kabadong tanong ni Mace.

"Yes ma'am andun po sila sa loob, na-aresto na po ni Police Officer Chavez yung nang-snatch ng bag pasok lang po kayo, diretso lang pagdating po sa dulo, kaliwa lang ma'am"

"ah okay sige thanks po ha"

Naabutan ni Mace na binabatuk-batukan ng Police officer ang snatcher ng bag..

"O ano uulit ka pa ha? hihintayin mo na ma aresto ka pa bago mo maisip na mali yang ginagawa mo eh!"

Biglang nag-init ang ulo ni Mace nung makita niya ang snatcher, inaawat niya ang pulis at pinigilan ang pam-babatok nito.

"Manong pulis, ano baaaaa! huwag mo na batukan yan" pag-pigil ni Mace.

"Paano ito matuto ng leksyon kung hindi magtatanda??" sagot ni Bren.

"Eh kasi hindi lang dapat binabatukan yan, ganito kasi tamang pag sampal dyan!" Loko kang hayup kang balbas sarado kang adik ka!!!! Hindi lang kita masasampal eh! Mababayagan pa kita!!!" Galit na galit na sambit ni Mace sa snatcher ng bag..

"Excuse me, Miss? Ikaw ata makukulong eh, hindi lang sampal ang gusto mo gawin sa kanya, gusto mo na bugbugin at mabaog sa pambabayag mo sa kanya" pag-pigil na tono ni Bren..

"Ayy sorry sir, kasi di ko lang mapigilan galit ko sa kanya eh"

"Hayaan mo diyan yan sa rehas matutulog hanggang sa may-mag pyansa sa kanya, Kalma ka na Miss."

Biglang inabot ni Police Officer Bren ang bag sa dalaga..

"Eto na Miss yung bag mo, pa-check na lang kung kumpleto"

Biglang hinablot ng dalaga ang bag ng pa-taray.

"O thank you, pero bakit nawawala dito yung pitaka ko?! Wala dito sa loob ng bag"

"Excuse me, nung nakuha ko yung bag sa kanya wala naman wallet na nakalagay diyan, iPhone at mga kalat lang ng bag mo"

"Aba! nandito lang wallet ko! Baka naman na sayo at wala sa snatcher ng bag ko ang wallet ko??"

"Ayos ka rin Miss ha! Ako na nga nag magandang loob ako pa ang pag bibintangan mo? Wala ka rin utang na loob ha? Maka-judge ka rin eh no?"

"Hoy excuse me, huwag mo akong gawing tanga! mag rereact ba ako ng ganito kung hindi ako nawawalan ng wallet sa loob ng bag ko?! Ayun na nga e, tutulong ka na lang palpak pa!"

"Kapal mo rin Miss ha! Pwede ba umalis ka na dito sa presinto? Okay na huwag ka na mag thank you, pero huwag mo kaming pag bintangan" Galit na sagot ni Bren.

"Talagang aalis na ako dito kahit hindi mo pa sabihin!"

Sabay walk-out ng dalaga palabas ng presinto..

Habang nag lalakad biglang nag-ring ang kanyang celphone..

Ringggggg....Ringggggg...

"Hello Tina? Bakit ka napatawag?"

"Girl, nasaan ka? nakalimutan mo wallet mo dito sa ibabaw ng desk mo"

"Ha? Nandyan wallet ko?? OMG! wait papunta na ako ulit diyan sa ospital"

Sa Ospital..

"Tinaaaa, wallet ko nga ito" Nanlulumong sambit ni Mace.

"Bakit naman parang namutla ka dyan?"

"Kasi naglalakad ako pauwi habang na-snatch yung bag ko, nag punta ako sa presinto para makuha yung bag ko, then pagka-check ko wala sa loob ng bag yung wallet ko. Alam mo ba? Napag-bintangan ko pa yung police na baka na sa kanya tong wallet ko eh"

"Gaga ka rin girl! walang preno bibig mo noh? Bakit naman sa dami ng pagbibintangan mo eh yung pulis pa?!"

"Paano naman, sabaw na sabaw na ako sa duty! Ikaw ba naman 18 hrs. na nasa duty at walang matinong food, idagdag mo pa mga pasyenteng kung mag request at mag demand akala mong nasa 5-star hotel at wala sa ospital then na-snatchan ka pa hindi ka ba maloloka? Actually nabigla lang ako.." pag tatanggol ni Mace sa sarili

"Regardless, nanisi ka pa rin ng iba sa kaburaraan mo! Mag sorry ka naman dun sa pulis na tumulong sayo at the same time pinag bintangan mo"

"Ayoko nga! ano naman mukhang ihaharap ko dun? eh ang yabang din kaya ng dating nung pulis! baka lalo pa ako angasan nun pag nakita ako, pinalayas kaya ako sa presinto. Nag walk out lang ako..."

"Nakakaloka ka Mace, bumalik ka to say sorry lang. Hindi sa lahat ng oras puro pride ang ipinapa-iral"

"Sige na nga Tins, puntahan natin, pero samahan mo ko ha?"

"Matindi ka rin, idadamay mo pa ako sa kalokohan mo, sige samahan kita"

Sa loob Presinto..

"OMG Mace, ayun ba yung pulis na nakakuha ng bag mo?" Gulat na pagkaka sabi ni Tina

"Shit, he looks familiar Tina, Parang Kaklase ko ito nung highschool"

"Infairness, ang gwapooooo niya! Dali lapitan mo na!" Kilig na pagkaka sabi ni Tina..

"Ayoko, nahihiya ako" Hiyang hiyang tono ni Mace..

"Wow, kanina ang lakas ng loob mo na awayin siya, ngayon naman tumitiklop ka dyan sa hiya! mag-sorry ka lang naman sa tao"

"Eh Tinaaa, balik na tayo palabas, di ko talaga kaya" Namumulang mukha ni Mace.

"Hahaha pulang pula ang mukha mo girl, ngayon mo narealized na super gwapo at classmate mo pala ang nabulyawan mo" panuksong tono ni Tina.

"Bes, pwede bang hintayin na lang natin sa labas? or tawagin mo siya tapos dito ko na lang sa labas kakausapin" paki-usap ni Mace sa kaibigan.

"Ay nako urat ka talaga girl! Wait sige lumabas ka, hintayin mo na lang kami dun sa pinto, tawagin ko na si Police Officer Cutie!" sambit ni Tina.

____






My Love from HeavenWhere stories live. Discover now