THE BRIGHTER SIDE
Habang bukas ang bintana nararamdaman ni Bren ang malamig na hangin sa labas. Unti unti siyang nag-talukbong sa kanyang malambot na comforter. Naisip na niya bumangon ng kama pero dahil malakas ang hangin sa labas at makulimlim ang ulap mas nanaig ang kanyang antok at tuluyan ng natulog.
Pinasok ni Mrs. Chavez ang anak sa kwarto..
"Anak, please wake up na. Ngayon na ang first day mo sa college! bangon na, nagpahanda na ako ng favorite mong almusal sa baba.. lalamig ang bacon at sinangag mo sige kaaaa"
Unti-unti tinatanggal ng ina ang kumot at kinukurot ang anak para bumangon..
"Sabi ko sayo bumangon ka na eh" pilit na pag-gising ng ina.
"yeah mom, babangon na ho. Pasensya na mommy ha ang tagal ko gumising napasarap kasi ang tulog ko. Maulan kasi sa labas, ang sarap talaga pag bed weather"
"Bren, mag uumpisa pa lang ang college life mo tinatamad ka na agad? paano ka magiging police niyan?"
"Mommy, pag ba masipag matulog eh tamad na agad mag aral?" pilyong sagot ni Bren
"Ikaw talaga manang-mana ka sa tatay mo! Lalo ko tuloy sila na miss ng kuya Peter mo"
"That's keep me going ma, ang nangyari sa kanila ang magiging motivation ko that's why i will strive hard to become a police. Ibibigay ko best ko para mahanap ang mga walang pusong pumatay kay dad at kay Kuya. I will give them justice.."
"Anak, ipinagpapasalamat ko sa Diyos na meron pa akong ikaw, kung pati ikaw ay mawawala baka hindi ko na kayanin. Hindi man ako sang-ayon sa iyong napiling kurso, susuportahan kita kasi eto naman ang gusto mo. Pero mangako ka muna sa akin anak, Promise me that you will take care of yourself no matter what?"
"Yes mom, I promise"
Matinding nagyakapan ang mag-ina, habang may luha sa kanilang mga mata.
** yes indeed, sila na lang ang natira kaya ganoon na lamang ang pagpapahalagang ginagawa ni Bren sa kanyang ina**
Anim na taon na nakalipas....
Dapit hapon na, nasa loob lang ng police car si Bren habang may biglang may narinig na sigaw ng babae....
"tulongggggg hayup ka yung bag ko mama huwag mong itakbo!!!" malakas na hiyaw ng isang babae.
Agad pinatunog ni Bren ang huwang huwang ng kanyang sasakyan at mabilis na pinatakbo ang kotse palapit sa snatcher..
"Aba, loko ka ha nagpapahabol ka talagang kumag ka, relax ka lang at mahahabol din kita"
Hanggang sa sumuot sa looban ang snatcher ng bag...
"Aba gagong to! talagang nagpapahabol ah, mano mano ka sa akin ngayon!" inis na sigaw ni Bren
Hindi rin nagtagal eh nahuli na ni Bren ang snatcher at agad agad nilagyan ng posas.
"Sir naman, hindi niyo pa ako pinalampas e! Akala ko naman jackpot na ako ngayon!" sambit ng snatcher ng bag
"Jackpot ka naman talaga ngayon, dahil diretso kulungan ka ngayon!"
"Grabe mamang pulis, bag lang naman to' kailangan ko lang ho pang-gatas ng anak ko"
"Tama na dada! sa presinto ka na magpaliwanag" sabay batok ni Bren sa nahuling snatcher ng bag.
YOU ARE READING
My Love from Heaven
RomansBren Alexander Chavez is a young handsome guy, matangkad, gwapo, matipuno pangangatawan at dahil siya ang bunso, maharot, at pilyo. Galing si Bren sa isang well-known family. His dad is a mayor and ang mommy niya ay isang public attorney. Lumaki si...