[A/N: Tenen! Ang bumubuo ng love triangle! XD]
====================================================================
~Seth's POV~
It's almost nine at wala pa rin ang babaeng yun. Wala tuloy akong mapagtrip-an. >_____<
Tumayo ako sa kinauupuan ko at naglakad sa pinakadulo ng classroom dun malapit sa may bintana. Dito ko laging nakikita si Yumi habang pinagmamasdan niya ang view sa labas ng classroom namin. Sabi niya nakakagaan daw ng pakiramdam sa tuwing nakikita niya ang open field. At the same time daw, nakakainis. Ewan ko kung bakit, basta habang kinakausap ko siya natutuwa ako. Natutuwa ako kase yun lang yung time na nakausap niya ako ng matino. Hindi yung lagi niya akong sinisigawan at tinatawag sa term of endearment niya.
Nakatingin lang ako sa may bintana pero alam kong may nakatayo sa likod ko. Hindi nga ako nagkakamali.
"Seth , can I sit beside you?"
Siya si Cloie, ang super pretty yet hindi ko type na admirer.
"Yeah, sure."
Alam niyo kung bakit alam ko na may gusto sakin to? Simple lang. Bulgaran eh! Kahit sinong babae ang lumalapit sakin sinasabihan niya ng masasakit na salita. At kapag hindi ka sa kanya makinig, masasaktan ka lang.
"Bakit ka pala nandito?"
"Wala pa kase yung prof namin at nakita ko nung napadaan ako sa room niyo na wala din yung teacher niyo so naisipan kong kamustahin ka kahit sandali lang."
Mabait din naman siya no kapag walang babaeng nakapalibot sakin?
"Well, okay lang naman ako."
"Great! Yayayain sana kitang mag dinner tonight. Kung...okay lang sayo."
Wala rin naman masama kung pumayag ako no? Sayang naman ang pagkain. :3
"Sure."
"Meet me at six sa Foodpark. Bye!"
Sakto namang paglabas niya nakita ko si Yumi na nakatayo sa may pinto ----- kasama ang isang lalaki.
"Alam mo natawa talaga ako sayo kanina. Nagsuot ka pa talaga ng ganun para lang masurpresa ako."
"Ako rin nga eh. Natawa ako sa reaction mo nung kinausap kita. Grabe, mukha ba talaga akong weirdo para hindi mo ako makilala?"
Tapos nagtawanan silang dalawa.
"Hoy Miss!" epal ko
"Bakit?!" sabay tingin ng masama sakin
"Alam mo bang late ka na?"
"Oh eh ano naman ngayon?"
Init talaga ng ulo neto kahit kelan. Tss.
"Wala!"
*sigh* Ano ba yan. Pati ako nahahawa sa pagiging high blood ng isang to eh. Kaka-menopause lang yata niya kaya ganun. =______=
Tinalikuran ko sila at naupo ulet dun sa may bintana.
~Yumi's POV~
Alam niyo, nawawala poise ko dahil sa freak na yun eh. Akalain mo, eepal siya samin ni Sid at pagsabihan ka ng "Alam mo bang late ka na?" with pahawak hawak pa sa bewang. Err! Nakakainit ng ulo.
Hindi ako suplada slash maldita. Sadyang naaasar lang ako kapag nakikita ko ang taong nambibwisit sakin.
"Ah, Yumi?" sabi sakin ni lovey dovey Sid ko habang kinakaway kaway yung kamay niya sa harap ko.
"Ah! Sorry! Ano kase...sorry."
"For what? Alam mo, hindi ka sa dapat sakin humingi ng sorry. Dapat sa kanya." tapos tinuro niya yung lalaking nakaupo sa may bintana ng classroom.
Err? Ako hihingi ng sorry sa kanya? NEVER!!!!!
"Ayoko no!!!"
Nagulat naman siya sa pagsigaw ko. Hala. Baka sabihin niyang suplada slash maldita ako?! Nakow naman! >_____<
"Oh. Calm down. Babalik na ako sa room namin okay?"
"Ah sige."
BDJDFIFGNBDOAGW! Argh!
~Seth's POV~
"Oi. Ba't nandyan ka?"
Eto na naman si Miss High Blood.
"Bakit?"
"Upuan ko yan eh!"
"May YUMI bang nakalagay?"
"May S-s-s-se-s-s-se..."
"Anong s-s-s-s?"
"He! Akin na nga yan!"
"Ahh ikaw ha? Bakit hindi mo masabi ang pangalan ko? May gusto ka sakin no?"
"Ang kapal....Excuse me, hindi ko masabi ang pangalan mo kase ang panget panget panget panget panget panget panget panget panget panget panget panget panget panget panget ng pangalan mo!"
Ouch. T_____T
"Akin na nga yan!"
"Oh ayan! kainin mo yan ng buo!"
"Hmp!"
6:05pm.
Mga babae talaga, laging late. =______=
6:10pm.
Wala pa rin siya. Kung hindi lang dahil sa pagkain kanina pa ako umalis dito. =_____=
6:25pm.
Wag niyong sabihing tamad akong maghintay. Ayoko lang talaga sa mga hindi sumusunod sa usapan. =______=
6:30pm.
Meet me at six pero hanggang ngayon wala pa rin siya. =______=
Pumunta ako sa counter para umorder ng drink. Maya-maya lang ay nagring yung phone ko.
It's Cloie.
Seth, andito ako sa labas ng resto. :)
Lumabas ako para sunduin si Cloie. At grabe, kung posibleng mahulog ang panga ko eh abot lupa na dapat ito ngayon.
"Sorry kung pinaghintay kita."
Wow. She looks amazing.
=================================================================
[A/N: Bitin. Don't worry, mag-uupdate pa ako ng 10.2 wahahaha. Please don't forget to vote, comment. Mapapasaya niyo talaga ako. <3 ]
BINABASA MO ANG
The Guy Next Door (O N H O L D)
RomanceWhat if dumating yung time na mainlove ka sa taong pinakanaiinisan mo? Will you follow your heart or deny your feelings?