TGND --- Chapter 11

108 7 3
                                    

~Yumi's POV~

Ay potek! Anong ginagawa ni freak dito at kasama pa niya yung impaktang natapunan ko ng pagkain sa cafeteria? Nagdedate ba silang dalawa? Huwag mo silang pansinin Yumi, masisira lang ang moment niyo ni Sid pag ginawa mo yun.

Ibinaling ko ang tingin ko sa menu at nag-isip ng i-oorder nang marinig kong magsalita ang isang babae sa likuran ko.

"Teka lang Seth."

Si impakta nasa likod ko!!! TT______TT

"Cloie?"

Wait! Kilala siya ni Sid?

"Sid?"

Okay. Magkakilala nga silang dalawa.

"What are you doing here?"

"Ha..Ano kase.."

 Nakita kong hinawakan ni Freak yung bewang ni Impakta. Ano bang gustong palabasin nilang dalawa?    "Nagdedate kami. Bakit?"

Ampupu! Eh ano naman kung nagdedate kayo? Bakit kailangan niyo pang lumapit sa table namin at ipaalam na NAGDEDATE KAYO? Ano bang pake namin? Tumingin ako ng diretso sa mga mata ni freak at nag isip ng "Lumayo ka na. Lumayo ka na. Lumayo ka ng aso ka." @_____@

Si impakta naman, bigla na lang nagsalita. "Halika na Seth." Tapos hinila niya yung braso ni freak. At yun, lumabas sila ng resto. Arte naman ni impakta. Kahit mala-anghel man yang mukha niya, di ko pa rin siya mapapatawad. 

Haaaay. Grabe pala pag nag-volt in yung dalawa. Nagta-times 2 yung inis ko. >______<

"Yumi, order na tayo." sabi ni Sid habang nakatingin sa akin

"Ah..sige."

Five minutes lang at na-iserve na sa table yung mga inorder namin. Nagkwentuhan lang naman kami habang kumakain ----- tapos ako, panay na nakatitig sa kanya. Bayaan niyo na! Minsan lang to! 

 "Um...Sid." sabi ko habang pinaikot-ikot yung pasta gamit yung tinidor

"Ano yun?"

"Nagkagirlfriend ka na ba?"

Pakapalan na ng mukha! Eh sa nacu-curious ako, masamang bang malaman?

Nag smile siya. Hindi! Grin yon! Oo, grin yun!  Yung tipong matutunaw ka kapag di mo pinigilan yung sariling mong tumingin ng matagal sa kanya. EEEEEEEEEEE! Nahihiya na ko! Pakiramdam ko namumula na ko!  > / / / <

"Gusto mo ba talagang malaman?" sabi niya 

Hindi! I mean oo! Teka lang! Pag-iisipan ko pa. Sabihin mo na kase!  

"Y....ye..yes?"

"Wag na! Baka magalit ka pa."  

"Ha? Bakit naman ako magagalit?"

"Sure ka?"

"Yup!"

"Si ano kasi..."

"Sino?"

Ano ba yan? Bakit ba kasi pinapatagal. Sabihin mo na kasi Sid. -_____-

"Yung babae sa cafeteria."

"Aah! Yung natapunan ko ng pagkain."

"Oo."

"Yung sumigaw sa'kin."

"Oo."

"Yung kanina lang dito nakatayo."

"O..oo."

"Sus! Siya lang pala! O ano? Nagalit ba ko? Hindi naman diba? Sabi ko sayo eh!" 

Tapos nagsmile ako sa kanya. 

------------------------------

Hinatid ako ni Sid sa apartment. Pagkababa ko ng sasakyan niya, dirediretso lang akong naglakad hanggang sa pinto.

Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay. =3=

Lingon Yumi. Lumingon ka!

"Sid."

"Hmm?"

Tapos lumingon ako sa kanya. "Good night!" :)  at nag smile siya sa'kin. Pumasok siya ng sasakyan tapos ako, naiwang nakatayo, kumakaway-kaway habang papaalis yung sasakyan niya.

NAKAKAINIS!!!!!!!! NAKAKAINIS! NAKAKAINIS! Tapos pinagtapak-tapakan ko yung sahig. Kung alam ko lang na ex niya yung impakta na yun...aish!!!  "Nakakainis talagaaa!" Tumigil lang ako sa kakatalon nang marinig kong may tumatawa sa loob ng apartment.

"Ano ba yan? Bakit ka tumigil?"

Binuksan ko yung pinto kaso nakalock.  "Hoy!" tapos hinampas ko ng kamay ko yung pinto. "Pwede bang buksan mo to?!"  "Ayoko nga." 

Ayaw mo talaga ha...

"Kapag di mo to binuksan, sisigaw ako."

"Edi sumigaw ka."

Asar. Hinahamon mo talaga ako ha.

"MAGNANAKAW! MAGNANAKAW!"

At ayun! BUMUKAS NA ANG PINTO! bow.

"Yumi! Bakit ka sumisigaw?"

Mama?  Tapos nakita ko na lang lumabas ng pinto si freak.

"Good night!"

BALIW KA TALAGANG ASO KA!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 04, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Guy Next Door (O N H O L D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon