~Yumi's POV~
"Ang sakit ng ulo ko." T_______T
Kumuha ako ng isang baso ng tubig at gamot para sa sakit ng ulo. Grabe! Hindi pa nga nagsisimula yung klase na s-stress na ako!
Pumasok ako sa kwarto ko tapos humiga sa kama.
'Naiinis ako sayo!!!'
=______= Hindi ko dapat sinabi yun. Eh kasalanan naman niya. Kung di sana siya nagtanong, di ko rin siya masasagot ng ganun. Haaay! Ano bang nangyayari sakin?!
**********
*2nd Day*
Two hours pa bago magstart ang klase namin so naisipan kong maglakad na lang papuntang school. Matagal tagal na rin kasing hindi ako nakakapag-exercise.
Ite-text ko na lang si Aiko. *(Good?) morning. Hindi ako sasabay ngayon papuntang school.* sent!
After 5 minutes...
"OMG! May quiz pala ngayon sa Physics! Bakit ko ba nakalimutan yon?!" Kinuha ko yung notebook ko tapos nagsimulang magreview. Dahil sobra akong busy sa kakareview ng notes ko hindi ko namalayang nasa gate na ako ng university.
"Miss, your ID?" sabi ng guard.
"Eto oh." sabi ko ng hindi inaalis ang tingin sa notebook ko. Again, dahil sa notes ako naka focus eh nakalimutan kong kunin yung ID ko.
"Miss! Yung ID mo!" pasigaw na sabi ng guard sakin
"Mamaya ko na lang kukunin!" tapos dire-diretso na akong naglakad papuntang room.
Habang naglalakad ako sa hallway eh may bigla na lang bumangga sakin.
"Ouch!" muntik na akong matumba kaso hinawakan niya yung braso ko.
"I'm sorry..." sabi niya. "Are you alright?"
Pinulot ko naman yung notebook ko. "Yeah, Thanks -----"
"No problem." ^____^
> / / / < Shet!!!! Ang gwapo niya talaga!!! Alam niyo na kung sino.
Si Sid my love!!! [picture on the right side ----->]
"Tara, hatid na kita sa room niyo."
Shocks! Nakakakilig ang boses mo!
"S...sige."
Tahimik lang kaming naglakad sa hallway until pagdating namin sa room...
"Sid! Ang gwapo gwapo mo!"
I know right?!
"OMG! Andito ka ba para makita ako?"
For your information, hinatid niya ako no!
Nagsmile lang siya. Yung mga babae naman nag-act na parang nahihilo or mahihimatay basta something like that.
"Uhm, Yumi alis na ko."
No! Hindi pwede! Dito ka lang!!! XD
"Sure."
Umalis na si Sid tapos yung mga girls balak sana siyang habulin kaso dumating si freak. And yun, nagkagulo na naman sila.
"Excuse me." sabi niya tapos dire-diretso lang siya sa seat niya
Nakakapanibago. Ang tamlay niya yata ngayon. Well, mabuti na yung ganito wala nang mangungulit sakin. Kinuha ko yung notebook ko sa Physics at nagreview ulit. Madali lang pala to. Memorize ko rin naman yung formula at mamaya pa namang 10 yung class namin sa Physics so wala na akong problema.
"Good morning class!" ^_____^
"Good morning Miss Blaire!"
"May gagawin kasi ako ngayon so I'm leaving you a seatwork."
"Aww!" sabi ng classmates ko.
Aww nga naman! >_________<
"Don't worry. Madali lang to. You'll just have to answer 25 items. And you can open your book." tapos iniwan na niya kami
Madali lang nga. Makikita naman lahat ng sagot sa libro. ^_____^
"Pst!"
"Ano kailangan mo?"
"Sagot."
P*****a! "Hindi ka ba marunong magbasa?"
"Marunong. Tinatamad lang ako."
Talaga? Well, bahala ka!
"Sorry, hindi kase ako nagpapakopya."
"Hindi mo naman kailangang magpakopya, magsh-share ka lang naman."
ABA?! Anong share?!
"Sorry, madamot din ako."
"Okay."
Oha? Talo ka ngayon freak!
"GIRLS!!!!!"
"Seth! Eto oh! Perfect yan!"
"Hindi! Wag yan! Kunin mo na lang yung sakin!"
"Don't! Yung akin na lang!"
O_________O
Ganun ba talaga sila ka obsess sa kanya?!
Tinignan ko si freak. Alam niyo kung ano ginawa niya?
KININDATAN NIYA AKO!!!!
Lord, kill me now!!!
Nakakakilabot talaga siya. Pramis!
BINABASA MO ANG
The Guy Next Door (O N H O L D)
Roman d'amourWhat if dumating yung time na mainlove ka sa taong pinakanaiinisan mo? Will you follow your heart or deny your feelings?