TGND --- Chapter 10.2

265 13 9
                                    

Seth, andito ako sa labas ng resto. :)

Lumabas ako para sunduin si Cloie. At grabe, kung posibleng mahulog ang panga ko eh abot lupa na dapat ito ngayon.

"Sorry kung pinaghintay kita."

Wow. She looks amazing. 

"Oh. Anong nangyari sayo? Para ka yatang nakakita ng mumu eh."

"I'm sorry. It's just that..."

"Hay naku, dun na lang tayo sa loob mag-usap."

Hinawakan niya yung braso ko. Yung para bang ikakasal kami. "Let's go!" At pumasok na kami sa loob ng resto. Hinatid ko siya sa seat niya, syempre dapat gentleman ako ngayon (maganda kasama ko eh). Wahaha!

"Order na tayo?"

"Yah, sure."

Tinawag niya yung waiter tapos nag-order na ng pagkain.

Cloie: "Sliced Beef Brisket."

Waiter: "Sliced Beef Brisket, Chadol Baki."

Cloie: "Spicy Pork and Kimchi Strifry."

Waiter: "Spicy Pork and Kimchi Strifry, Jaeyook Bokum."

Cloie: "Sangiovese."

Waiter: "Is that all?"

"Seth?"

Tumango lang ako sa kanya. Puro Italian dishes ang in-order niya at isang red Italian wine grape variety. Ang alam ko masarap lahat yun. Japanese kase kinakain ko so ngayon gusto ko namang matikman ang Italian.

Kinuha ni Cloie yung cell phone niya tapos tinaas. "Grabe, walang signal dito. Panu ko ngayon maco-contact yung driver namin? Nasiraan kase kami kanina kaya nagtaxi na lang ako at dahil traffic, na huli tuloy ako sa dinner natin."

"Don't worry, ihahatid na lang kita."

"Thank you." ^______^

Bumalik na yung waiter dala yung in-order namin. At grabe, ang dami ha? Di ko alam na mas matakaw pa pala siya kesa sakin. Di halata eh.

Nagkwentuhan lang kaming dalawa habang kumakain. Nasa gitna kami kaya kita ko ang lahat ng tao na pumapasok dito. Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko ng makita kung pumasok sa loob ng resto si Yumi at kasama na naman niya ang lalaking humatid sa kanya kanina. Magkaano-ano ba sila? Imposible namang magkapatid lang eh magkahawak yung kamay nila ng dalawa!

Inaamin ko, may gusto ako sa kanya. Kaya hindi ako papayag na mapunta siya sa iba. Nakatingin lang ako sa kanila habang sila naman busing-busy sa paglalandian. Tss. Makakapatay ako neto ng di oras eh.

"Seth, may problema ba?"

"Oo. Sumama ka sakin."

Hinila ko Cloie papunta sa kanila. "Teka lang Seth." Pagkasabi nun ni Cloie ay tumingala silang dalawa samin.

Sid: "Cloie?"

Cloie: "Sid?"

Sid: "What are you doing here?"

Cloie: "Ha..Ano kase.."

"Nagde-date kami." Hinawakan ko yung bewang ni Cloie.  "Bakit?"

"Seth, umalis na tayo dito."

Tinignan ko si Yumi at nakatingin siya samin ng seryoso.

"Halika na Seth." sabi ni Cloie habang hinihila yung braso ko.

"Tara, alis na tayo dito."

Paglabas namin ng resto ay humagulhol ng iyak si Cloie. Hinawakan ko siya sa kamay at naupo dun sa may fountain.

"Cloie.." yun lang ang nasabi ko. Hindi kase ako marunong magcomfort ng taong umiiyak. 

"Ma..matagal k-ko ng iniiwasan s-siya. K-kase kapag lumapit a-ko sa kanya alam kong ma-sasaktan lang ako. At t-tama nga, nung ma-kita ko siyang may k-kasamang iba hindi ko mapigilang lumuha...

...akala ko nakamove on na ako. Mali pala. May nararamdaman pa rin ako para sa kanya."

Ipinatong niya yung ulo niya sa balikat ko.  "Alam kong hindi ko kayang magmove on mag-isa. Seth, tulungan mo ako."

Naawa ako kay Cloie. Kung alam ko lang na may past silang dalawa hindi ko yun ginawa kanina.

"Cloie, tahan na. Don't worry. Hindi ka na masasaktan mula ngayon. I'll help you move on."

The Guy Next Door (O N H O L D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon