TGND --- Chapter 5

323 15 4
                                    

~Seth's POV~

"GUTOM AKOOOOO!!!

Girl 1: "Gusto mo pakainin kita?"

"Wag na! Baka malason pa ako."

Girl 2, 3, 4...: "Hahahahahaha!"

Girl 1: "He! Magsitahimik nga kayo!"

Ang boring naman! Nakaupo ako sa gitna ng classroom tapos yung mga babae nakapalibot sakin. Oha? Ang daming kong chicks. XD

"Seth, ano yung gusto mo sa isang babae?" 

"Yung maganda syempre ----- tulad ko!"

"Excuse me, ikaw ba si Seth?"

"Hindi, bakit? May problema ka?"

"Oo! Hindi naman ikaw yung tinatanong tapos ikaw yung sasagot. Ang epal mo naman!"

"Epal?! Eh kanina kami lang dalawa yung magkausap tapos ikaw yung basta na lang sumisingit! Sino sa 'tin ngayon ang epal? Ha?!"

Iba talaga mga babae, napaka-ingay! Kelangan ba talagang sumigaw eh ang lapit lapit lang naman nila sa isa't isa ah! 

"Hoy! Hindi ba kayo napapagod sa kakasigaw?!"

*silence*

Ano ba naman yan! Masyadong tahimik! Lalabas na sana ako nang makita kong pumasok si Yumi ng room. Mapagtrip-an nga. XD

"Hey! San ka galing?"

"Bakit?"

Okay? Bakit parang kumalma siya ngayon?

"Kanina ka pa hinahanap ni Miss Blaire. May pinapagawa daw sayo." 

"Talaga? Sige, salamat."

O_______________O

Tama ba narinig ko? Nag thank you siya?

~Yumi's POV~

Haay! Ba't parang wala ako sa sarili ko ngayon? Ano ba yan! Sinampal-sampal ko yung mukha ko. "Gumising ka Yumi! Gising!"

"Hoy!"

"Ay butiki! Pwede ba, wag mo akong gulatin?! Tsaka hindi ako si Hoy no!"

"Nahawa na kase ako kay Seth. Kahit sinong babae, hoy tawag niya."  tapos tumawa siya

"At kelan pa kayo nagkakilala, ha Aiko?"

"Kanina lang. Nung tinawag niya akong hoy. Ang saya di ba?" :3

Parang isip bata lang no? XD

"Sabi mo eh. Sige, may gagawin pa ko." tapos tinalikuran ko si Aiko

"Pupuntahan mo ba yung adviser niyo? Wala siya diyan sa office."

"Ha? Paano mo nalaman?"

"Nakita ko kase siyang lumabas ng university."

"Ganun ba?"

"Yah! Sige, alis na ko. May gagawin pa kase akong report para bukas."

At naiwan ako sa labas ng office.

~Seth's POV~

Haaaaaay! Nakakaantok! Iidlip lang muna ako, wala pa naman yung teacher namin. Isinandal ko yung ulo ko sa pader tapos yung paa ko naman ay nakapatong sa upuan. Tinakpan ko ng jacket yung mukha ko. Baka dumugin pa ko ng mga girls, masira pa yung pinakaiingatan ko. Don't be green. Face ko ang tinutukoy ko wala ng iba.

"Ay sayang! Hindi ko makikita yung mukha ni Seth kapag tulog!"

"Ang cute niya siguro no?"

"Feeling ko mukha siyang anghel!"

Sige! Purihin niyo pa ako! Hahahahaha!

"FREAK!!!!!"

Not that way.

"Woah! What happened to you?" well, alam ko naman kung ba't galit to

"Napaka-sinungaling mo talaga!"

"Joke lang yun."

"I-joke mo mukha mo!" tapos kinuha niya yung bag niya

Uuwi ba to?

"Uwi na ko"

Sabi nga. Kinuha ko rin yung bag ko. "Class dismissed!" tapos nag yehey yung mga classmates ko. Pwede ko na pa lang palitan yung adviser namin. Haha

Hinabol ko si Yumi. Grabe, ang bilis niya maglakad ha?

"Stui! Slow down." huminto siya tapos hinarap niya ako

"Aso ka ba?"

"Hindi. Bakit?

"Eh bakit buntot ka ng buntot sakin?!"

"Ha! Baka nakakalimutan mo, isang lang patunguhan natin."

Magkalapit lang kasi yung apartment namin. Sa Building 1 siya ako naman sa Building 2.

"Ewan ko sayo!" tapos naglakad ulit siya

"Teka lang! Ba't ka ba nagmamadali?"

"Wag mo nga akong kausapin! Tsaka lumayo-layo ka nga!"

"Ano bang problema mo?!!"

Hindi ko alam pero bigla na lang uminit yung ulo ko.

"Ha Yumi?!"

Huminto siya sa paglalakad.

"Naiinis ako sayo!!!"

The Guy Next Door (O N H O L D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon