Chapter 2
“Frances we need to talk.” Pambungad na sabi ni Dean.
“About what? Pero ano ginagawa ng babaeng yan dito? Anong kinalaman niya sap ag-uusapan natin?” Sunod- sunod na tanong ko. Malaki ang galit at takot ko sa babeng katabi ngayon ng boyfriend ko. Sa lahat kasi ng naging ex ni Dean, sa kanya ito pinakamatagal na nakamove on. Bago pa man ako ligawan ni Dean, inamin nito sa akin na may pagmamahal pa rin ito dito pero binalewala ko iyon dahil sinabi ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para mahalin ako ng buong-buo ni Dean.
“Please calm down Frances. I need you to listen to me.”- Dean
Tahimik lang ako dahil sa takot na nararamdaman ko. And it seems that he took it as a cue to continue.
“Frances, babe, I’m sorry. Alam ko wala akong excuse sa ginawa ko sayo. I’m sorry that I courted you kahit na alam ko at alam mong may pagmamahal pa din ako kay Anne. All throughout our relationship, I tried to give my full attention and my heart to you. But I failed. Habang tumatagal tayo mas narerealize ko na hindi ko pala kayang kalimutan siya ng tuluyan.”
“Sorry din Frances. Alam ko na dapat nung simula pa lang nung una, iniwasan ko na si Dean. Pero hindi ko kaya. Tulad niya, mahal na mahal ko pa din siya. Siya din ang nandiyan para icomfort ako ng sunod-sunod ang problema na dumating sa amin.” Pagpapatuloy naman ni Anne.
Pakiramdam ko ang nagmanhid ang buong katawan ko. Pati utak ko ay parang biglang nagshut down. Pero nararamdaman ko ang unti-unting pagpatak ng luha ko. At nakita ko na lang ang sarili kong sinasabunutan at pinagsasampal si Anne.
“NAPAKALANDI MO! ALAM MO NAMAN PALA NA MAY BOYFRIEND EH! LALAPIT LAPIT KA PA!” Nagwawalang sabi ko.
Dahil na rin siguro sa gulat, hindi kaagad nakakilos si Dean. Patuloy pa rin ang pananakit ko sa babaeng ito.
“Tama na Frances. Nasasaktan na ako.” nagmamakaawang sabi ni Anne.
Naramdaman ko na lang na hinihila ako palayo ni Dean at dali-daling niyakap si Anne. Dahil sa eksenang iyo ay parang nadagdagan ng isang milyong aspile ang tumusok sa puso ko. Ang sakit sakit.
“Wala kang karapatang saktan si Anne. Ako ang may kasalanan ng lahat ng ito. Wag mo siyang idamay. Ako na lang ang saktan mo.” sabi ni Dean.
“INAGAW KA NIYA SA AKIN!” sumisigaw at umiiyak na sabi ko.
“Wala siyang inagaw. Tulad ng sabi ko, nung una pa lang alam natin parehas na mahal ko pa din siya. Kaya sa simula pa lang sa kaniya na ko.”
“WALANG HIYA KA! BAKIT PINAABOT MO PA SA GANITO? ANO BANG NAGING KASALANAN KO SAYO AT AKO PA ANG NAPILI MONG MAGING PANAKIP BUTAS SA MALANDING BABAE NA YAN!”
“I’m sorry Frances.” maikling tugon ni Dean. Nakita ko na mas humigpit pa ang yakap nito kay Anne.
Tanging iyak na lang ang maririnig sa lugar na iyon.
Nakita ko na lang ang sarili ko na binato ang mallit na box na regalo ko sana kay Dean para sa monthsary naming. Lumipad ang napakaraming papel na kung saan nakasulat ang promise ko sa kaniya.
“PAGSISISIHAN MO ANG NANGYARING TO DEAN! TANDAAN MO YAN!” sabi ko bago ko tumatakong pumunta sa gate. Dahil na rin sa uwian ng elementary, nakisabay ako sa dami ng tao na nagsisilabasan kaya naman hindi ako napansin ng guard.
Sumakay ako ng jeep pauwi sa amin. Hindi alintana ang tingin na binibigay ng mga tao sa akin dahil sa itsura ko. Basang basing mukha, magulong buhok at gusot na gusot na uniform.
Pagkadating ko ng bahay ay dumiretso ako sa kwarto. Buti na lang ay nakapasok na si Mama at ang mga katulong lang ang nandito kung kaya hindi na sila nagtanong sa maaga kong pag-uwi.
Pagkapasok ko ng kwarto ay deretso subsob ako sa kama at doon ay umiyak lang ako ng umiyak, umaasang kahit papaano ay maiibsan ang sakit na nararamdaman ko sa mga nangyari ng araw na ito.
