A/N:
This chapter is dedicated to Ate Ash. Ang writer na minarathon ko talaga ang stories nya. Haha. Hi Ate Ash. Thank you for writing inspiring stories. Sana po basahin nyo din to. Haha :)
***********************
Frances' POV
"ATE! BUMANGON KA NA! Inaantay na ni Kuya Dean yung regalo mo!"
"Oo na! Pababa na!"
Haay! Ano ba yan?! Istorbo naman 'tong kapatid ko. Ang sarap pa ng tulog ko eh. Napuyat kasi ako sa paggawa ng effort para sa boyfriend ko, si Dean. 5th monthsary na kasi namin ngayon. :"> Anyways, ako nga pala si Frances Legaspi, 18 years old.
"Good morning anak, kain ka na."- bati sa akin ni mommy.
"Good morning Ma, si Papa po?"
"Maaga pumasok, marami kasing nag-order ng air conditioning unit ngayon. Alam mo naman, magsu-summer na. Bakit?"
"Magpapaalam po sana ako. Baka po kasi malate ako ng uwi. Monthsary po namin ngayon ni Dean eh. Di ko lang po alam kung anong plano namin."
"Ah, oo nga pala. Sige, ako na bahala magsabi mamaya sa Papa mo pagpunta ko sa office basta itext mo din siya."
"Ok po. Thanks Ma! :)"
"Kumain ka na at baka ma-late ka pa."
Masayang masaya akong pumasok ng school. Excited na kong makita ang reaction ni Dean sa effort na ginawa ko. Di na rin ako makapag-antay sa balak niya for this day. Since we became a couple, every month ay may kanya-kanya kaming gimik to celebrate our monthsary.
"Good morning girls!"- bati ko sa mga kaibigan ko.
"Good morning Sis! Happy Monthsary!"- sabay sabay na bati ng mga kaibigan ko.
Sila nga pala sina Sam, Denise, Ivy at Claire. They have been my friends since elementary except for Claire kasi nagtransfer lang siya nung 1st year high school namin.
"Thank you guys! Nakita nyo na ba si Babe? :">" I replied.
"Hindi pa eh. Don't tell me hindi pa kayo nagtetext?"- Ivy
"Hindi nga. Gusto ko kasi personal."
"OMG! Malay mo naman he prepared something fabulous kaya hanggang ngayon wala pa din siya." Denise said.
"Oo nga. Just wait for him. Wag ka na malungkot okay. Cheer up Sis!"- sabi naman ni Sam.
"Thanks girls" I replied while smiling.
Samantalang si Claire ay ngumiti lang sa akin pero alam ko na she is also cheering me up. Sa grupo talaga namin siya ang tahimik lang at takapakinig.
Hanggang sa nag-ring na ang bell at nakita ko na pumasok si Dean. But something's weird. He didn't even throw a glance on me. Deretso upo lang siya sa gilid at yumuko.
"Maybe it's part of his plan. Don't think too much Frances!"- I cheerfully said to myself.
Hintay ko na lang na magbreak para mabati at makausap ko na siya. Pero as soon as our second class has been dismissed, agad agad siyang lumabas at hindi ko kaagad siyang nasundan dahil kailangan ko pa ayusin ang gamit ko at nung paglabas ko, akala ko ay naghihintay siya sa akin pero wala siya. I tried to find him but I failed. I sadly returned to our room for our next subject.
Pagharap ko sa mga kaibigan ko ay nasalubong ko ang nakakaawa nilang tingin. There and then I smiled and said to them, "Grabe sobrang effort siguro ung surprise niya sa akin at kailangan niya pang magtago ng break time just to finish it."
"Oo nga. Just wait for it Sis! Siguro he's planning for a romantic lunch for the two of you." Denise said.
Sa sinabi niyang iyon ay napangiti na ako ng tuluyan.
Our next class is already starting when Dean entered the room. As what he did earlier, deretso sa upuan niya but this time he threw a glance on me and I immediately smiled on him, but he did not smiled back and just look in front to listen to our professor.
"Be patient Frances. Konting tiis lang lunch na!" I told to myself.
KRIIIIING........
"Hay salamat! Lunch na!" -malakas na sabi ni Ivy.
Nakita ko na papalapit sa amin si Dean and that made me smile. He gave me a piece of letter and immediately left the room.
I opened the letter...
"See me at the playground"
-Dean
"Ayan na sis ang pinaka-hihintay mo!"- sabi ni Denise.
Napangiti na lang ako at nagmamadaling nag-ayos. Dali-dali ko ring hinagilap ang gamit ko at tumakbo palabas pero bago ako tuluyang makalayo ay narinig ko pa ang sigaw ng barkada ko..
"GOOD LUCK SIS!" sabay sabay nilang sigaw.
"Thank you girls!"
With a big smile on my face, I reached the playground behind the elementary building of our campus. I was expecting a simple lunch or even just him waiting for me.
But I was wrong. Sitting on the swing beside him is his ex-girlfriend, Anne, with both of them looking seriously at me.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sorry po kung may wrong grammars! Feel free to correct me po! :)