CLAIRE’s POV
Papunta na kami kina Frances ng makatanggap ako ng tawag mula sa bestfriend ko, si Andrei. Bakit hindi kami magkasama sa isang school? Hindi kasi ako nakapasa sa school nila eh. Science School ba naman.
Matapos ang last subject naming ng araw na iyon ay agad kaming umalis papunta sa bahay nila Frances. Nag-aalala kami dahil pagkatapos ng lunch break ay hindi na ito bumalik. Sinabi na nga lang naming sa professor naming na nasa clinic siya kaya hindi ito nakapasok. Hindi na din naming kinausap si Dean dahil iba ang pakiramdam namin sa nangyayari.
Ayun nga, malapit na kami sa bahay nila Frances ng tawagan ako ng bestfriend ko. Nang marinig ko ang tno ng boses nito ay agad akong nagpaalam sa barkada. Alam kong maiintindihan nila ko dahil hindi pa man nila personal na nakikilala si Andrei, alam nila na ito ang bestfriend ko.
“Guys, kayo na ang bahala kay Frances. Mukhang sobrang problemado kasi ni Andrei eh”- malungkot na sabi ko sa kanila.
“Sige na kami na bahala. Alam naman naming na ikaw lang ang bestfriend nun. Eh itong si Frances andito pa kami. Ingat ka ah.” sabi ni Sam.
“Sige. Salamat.”
Nagmamadali akong sumakay ng jeep papuntang Intramuros. Hindi ako mapakali dahil baka kung anong gawin ni Andrei. Mukhang napakalaki ng problema nito para umiyak sa telepono.
Pagkababa na pagkababa ko ng City Hall ay tinakbo ko na papasok ng Intramuros. Agad kong nakita ang sasakyan ni Andrei na nakaparada. Buti na lang at dito lang ito kung hindi ay mahihirapan pa akong maghanap.
Kinatok ko agad ang bintana, nagulat ako sa itsura niya ng inangat nito ang mukha. Magang maga na ang mata nito pero patuloy pa rin sa pag-iyak. Agad akong sumakay sa passenger seat at niyakap ang bestfriend ko. Inaantay ko lang siyang magsalita.
“Niloko lang niya ko best. For two years pinaikot lang nya ko.”- umiiyak na sabi nito.
Nabigla ako sa narinig ko. Hindi ko to ineexpect. Si Sophie niloko lang ang bestfriend ko? Sinasabi ko na nga ba at may tinatago ito eh. Hinayaan lang niya kasi nakita ko kung gaano ito kamahal ni Andrei.
I just comforted him. Wala kasi akong masabi dahil sa pagkabigla at galit. Alam ko na kapag nagmahal si Andrei ay binibigay nito ang best nito kaya naman pag nasaktan din ito ay sobra sobra.
IVY’s POV
Pagkadating naming kina Frances ay sinalubong kami ng katulong nila.
“Nandiyan na po ba sina Tita?”- tanong ko.
“Ay wala pa po. Baka daw po malate sila ng uwi dahil sa dami ng ginagawa sa opisina.”
“Eh si Frances po?” sabat naman ni Denise
“Kanina pa po nakakulong sa kwarto niya. Hindi pa nga po kumakain eh.” sagot ulit ni manang.
“Ah cge po. Akyat na po kami ah.” paalam naman ni Sam.
Tumango lang si manang at iniwan na kami. Nagkatinginan kaming tatlo at mabilis na umakyat. Sinubukan muna naming pihitin ang door knob pero nakalock ito.
“Frances.” mahinang sabi naming kasabay ng mahinang katok. Ilang sandal pa ang inantay naming bago ito bumukas.
Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay agad kaming niyakap ni Frances at humagulgol.
“Ano nangyari sis?” tanong ko sa kanya.
“Niloko nila ko. Akala ko pa naman ako na lang ang mahal niya, pero kulang pa din ang effort na ginawa ko.”
“Pwede mo bang ikwento sa amin ang nangyari sa playground?” nag-iingat na tanong ni Denise.
Saglit na katahimikan ang dumaan. Ang akala nga naming ay hindi muna ito magkekwento at maiintindihan naman naming siya. Pero ilang saglit pa ay nagsalita na ito.
Frances’ POV
“For the past 2 months pala, he is secretly seeing Anne. Kesyo may problema daw si Anne kaya kailangan niya ng comfort. Pero sh*t lang. Bakit kay Dean pa? Wala ba siyang kaibigan?” simula ko.
“Guys, ginawa ko naman ang lahat di ba? Sobra sobra ung effort na ginawa ko para lang mahalin niya ko ng buong buo. Pero wala pa din. It seems that all my efforts have been wasted.”
“Sis, hindi ka naman nagkulang sa pagmamahal at effort mo. May ibang tao lang talaga na kahit anong gawin mo, dahil nakafocus sa iba ang attention nila, hindi nila makita ung mga ginagawa mo.” sabi ni Sam.
“Pero bakit ganun, kung mahal pa pala niya ang babaeng yun. Bakit niya ko niligawan? Bakit niya ko ginawang panakip-butas? Rebound?” tuloy tuloy na tanong ko.
“Hmm. Siguro kasi nung panahon na down siya, ikaw ung nagpakita sa kanya ng pagmamahal kaya he took it for granted. O kaya siguro ginawa niya yun para iparealize sa malanding babae na yun na mali na nakipaghiwalay siya dito.” sagot naman ni Ivy.
“Sh*t naman. Ang sakit sakit. Gin*go nila ko.” galit na galit na sabi ko.
“What if ikaw naman kaya ang gumanti?” suggest ni Denise.
“Paanong ganti?” nagtatakang tanong ko.
“Hanap ka agad ng bagong boyfriend! Balik mo sa kanila yung ginawa nila.” natatawang sabi pa ni Denise.
“Duuuh. Baka masktan nga ung two- timer nay un. Yung malandi nga ung mahal di ba.” Mataray na sabat naman ni Ivy.
“ARAY HA! KAILANGAN IPANGALANDAKAN?” reklamo ko tuloy.
“Sorry sis. We just want you to see the truth.” maarteng sabi ni Denise.
“Kitang kita ko na oh! Kaya nga ang sakit sakit di ba?”
“Eh kung nakita mo na pala bakit ka pa nag-eemote diyan? There are so many fishes in the sea.” sabi naman ni Sam.
“Ayoko muna. Pag pala talaga nasaktan ka ng todo matatakot at matatakot kang masaktan.”
“Oh emote na naman. Tama na nga yan. Labas na lang tayo. Tutal sabi mo naman kina tita late ka uuwi di ba? Labas mo na lahat ng arte para bukas pag nagkita kayo di na halatang affected ka.” sabi ni Denise.
“Thank you guys. Kahit papaano gumaan na ang nararamdaman ko. Teka nga pala si Claire nasan?”
“No problem Sis. What are friend are for di ba? And as for Claire, pinuntahan ung bestfriend niya mukhang may problema din eh. Text mo na medyo okay ka na para mabawasan na ang inaalala niya.” sagot ni Ivy.
“Ah cge. Tara na.”
Napakasakit ng nangyari sa araw na ito. Ang inaasahan kong masaya at nakakakilig na monthsary, nauwi lang sa break-up at sakitan. But still I’m very thankful dahil nandiyan ang barkada ko. Alam kong sila, hindi nila ko lolokohin at iiwan. And as for Denise’s advice na humanap na ng bagong boyfriend, haha, grabe naman ako kung magagawa ko yun. I still have to mend my broken heart. Maybe hindi lang talaga si Dean ang para sa akin.
