Andrei’s POV
Hindi ko alam kung ilang oras na kong nakapark at umiiyak hanggang sa marinig ko ang katok sa may bintana. Pagkatingin ko ay nakita ko agad si Claire. Agad itong sumakay at niyakap ako. And again my tears started to flow. Iniyak ko lang lahat ng sakit na nararamdaman ko habang siya naman ay binibigay ang comfort na kailangan na kaliangan ko.
“Niloko lang niya ko best. For two years pinaikot lang nya ko.”- simula ko. “For two years niloko lang niya ko. Ang sakit sakit. I thought everything is perfect. Tanggap ako ng pamilya, tanggap siya nila mommy. Tapos pag nag-away kami sandali lang. Akala ko ang swerte swerte ko na kasi sa dami ng nanliligaw sa kanya, ako ung sinagot niya. Ang swerte ko kasi naramdaman ko na mahal na mahal niya ko. Pero palabas lang pala lahat. Niloko lang niya ko. Ano pa bang kulang sa lahat ng binigay ko at nagawa niya no?”
“Drei, walang kulang sa mga binigay mo. It just that from the very start niloloko ka lang niya that’s why she is able to do this. Lahat ng effort nakita ko sa’yo para maparamdam sa kanya kung gaano mo siya kamahal. Pero kahit anong effort pa yan wala siyang pakialam kasi hindi ka naman talaga niya mahal.” sabi nito.
“Pero ano bang ginawa ko sa kaniya at sinaktan niya ko? Bullsh*t! Kahit anong isip ko hindi ko maintindihan kung bakit niya nagawa yun.”
“Did she explain to you?”
“No. Nung nahuli ko sila nung lalaki nya, binugbog ko ung gag*ng yun. At nagalit siya sa akin. Pinagbantaan niya ko na ipapakulong niya ko kapag hindi ko umalis. Sa sobrang galit at sakit na naramdaman ko iniwan ko sila dun.”
“If there’s a chance na ieexplain nya ung side niya, will you listen to her?”
“Sa totoo lang, hindi ko alam. Hindi ko nga alam kung kaya ko pa siyang harapin sa ngayon eh.”
“I understand. You don’t need to force yourself or you will end up hurting even more.” Nakangiting sabi ni Claire.
Dahil doon ay napangiti na din ako. “Thank you best. You never let me down.”
“Ang drama naman. Sige na. Uwi na tayo. Gabi na oh. Itulog mo na lang yan. Papakilala na lang kita sa mga kaibigan kong babae para mapalitan na yang si Sophie. Haha” Pabirong sabi nito.
“Ay nako. Tigilan mo ko ha. Time-out muna ko. Nagkatrauma ata ako sa pag-ibig na yan.”
“Ang OA mo ah. Haha.”
Tumawa na lang ako at ini-start ang kotse. Ihahatid ko na tong babaeng ito kapalit ng pagdamay sa akin. Napakalayo ng mga nangyari ngayong araw na ito sa pinlano ko. Our 2nd year anniversary turned out to be the Revelation day. Buti na lang at nandiyan ang bestfriend ko at pati na din ang parents ko. Hinding hindi nila ko iiwan I’m very sure of that. Alam ko din na soon, mahahanap ko din ang TOTOONG dream girl ko.
Kinabukasan
Ready na ko para pumasok. Pero hindi pa ko ready para makita siya. Ni hindi ko nga alam kung ano ang gagawin ko pag nakita ko siya. Haay. Bahala na si Batman.
“Good morning ma.”
“Good morning Andrei. Ok ka na ba?” tanong sa akin ni mommy. Kagabi kasi pagkauwi ko ay nakwento ko na ang nangyari. Galit na galit nga si mommy eh. Pero sinabi ko sa kanya na ok lang ako, magiging ok din ako.
Ngumiti lang ako bilang sagot. Naiintindihan na ko ni mommy nun. Ganun kami kaclose. Kahit hindi ako magsalita alam nya na ung nararamdaman ko. Kaya nga iniisip ng iba na mama’s boy daw ako pero tinatawanan ko na lang sila.
“Kumain ka na at baka malate ka pa. Ang daddy mo maaaga umalis dahil may problema daw sa kompanya.”
“Ah ok po.”
Pagkatapos kung kumain ay nagpaalam na ko kay mommy. Pagkadating ko sa school ay sinalubong ako ng mga kaibigan ko.
“Pre, kamusta ung date nyo ni Sophie?” tanong sa akin ni Paolo.
“Nagustuhan niya ba ung surprise mo?!” pasigaw na sabi naman ni Warren.
“Ano na pare, kwento na dali.” atat na sabi ni Cholo.
“Paano ako magke-kwento eh sabay sabay kayo kung magtanong.” reklamo ko.
“Ay sorry. Haha. Oh dali na.” sabi ni Warren.
“Walang surprise at date na nagyari. Break na kami.” maikling sagot ko sa kanila.
Natahimik sila at iniwanan ko na sila para pumunta sa room.
“Hoy teka lang.” habol nila sa akin.
“Pa-paanong Walang nangyari? Bakit?” tanong ni Warren.
“Oo nga. Di ba nga pinaghandaan mo pa ng todo ito dahil 2nd anniv. nyo?” sabat ni Paolo.
Tumahimik lang ako at tiningnan sila. Tumuloy lang ako sa paglalakad. Habang papalayo ay narinig ko si Cholo na nag salita.
"Haayan na lang muna natin siya. Alam nyo naman yan, kapag may problema tatahimik lang muna at saka na magkekwento."
Napangiti na lang ako. Sa tatlong kumag kasi na yun, si Cholo ang pinakaclose ko. Siya ang guy bestfriend ko. Kaya alam na alam nito ang gagawin kapag nananahimik lang ako. Naramdaman ko na lang ang pag-akbay niya sa akin ni Cholo at nasa gilid naman namin ang dalawa at nginitian ako.
Pagkadating namin sa room ay dumiretso ang tingin ko sa upuan ni Sophie. Pero wala ito. Pumunta na lang kami sa upuan namin sa likod at nanahimik ako.
Haay.. Hanggang kelan kaya ako magiging ganito.. naisip ko na lang.