Chapter 3

41 3 0
                                        

CHAPTER 3

SA KABILANG BANDA, FLASHBACK UMAGA ULIT.

ANDREI’s POV

“Good morning Mommy, Good morning Daddy!” masiglang bati ko sa mga magulang ko sabay upo sa may dining table.

“Good morning ‘nak. Ang sigla mo ata ngayon ah.” Nakangiting sabi ni mommy. Si Daddy naman ay nginitian lang ako dahil busy ito sa pagbabasa ng dyaryo.

“It’s our 2nd anniversary Mom. I prepared a very special gift ang dinner for Sophie.” – nakangiting sagot ko kay Mommy.

“Ah kaya naman pala. You’ve been waiting for this day to come. May nalalaman ka pang ngang countdown diyan eh.” tumatawang sabat ni Daddy.

“Ganun talaga Dad pag mahal na mahal mo ang isang tao. You’ll give everything to make her feel loved and special. Don’t tell me di rin kayo ganyan kay Mommy.” Nanunuksong sabi ko.

Napailing na lang si Dad at natawa naman si Mommy.

“Ay nako anak, mas matindi pa ang mga ginagawa ng  Daddy mo pag monthsary at anniversary naming noon. O siya, kumain ka na at baka mahuli ka pa.”

“Yes mommy.” Habang kumakain ay pinagmamasdan ko ang mga magulang ko na pasimpleng naglalambingan. Napapailing na lang ako at napapangiti. Sanay na kasi ako sa kanila. Kahit naman kasi naging mag-asawa na sila ay parang walang nagbago sa pagmamahalan nila.

Anyways, ako nga pala si Andrei Castillo. 19 years old. For me, I have a perfect family, dahil sa nag-iisang anak lang ako, nasa akin lahat ng atensyon ng magulang ko. I also have a girlfriend, si Sophie and we are celebrating our second year anniversary today.

“Bye Mom, bye dad.” Paalam ko sa kanila. Agad-agad akong lumabas ng dining at narinig ko na lang ang sinabi ni Mommy na. “Ingat sa pagda-drive nak! Love you!”

“Yes ma! Love you too!” Oh di ba ang sweet kong anak. Haha

Excited na excited akong pumasok ng school. Dahil may kalayuan ito sa bahay, saktong nagring na ang bell ng dumating ako. Nagmamadali tuloy akong pumasok ng room at inaasahang nandito na si Sophie. But unfortunately ay wala pa ito. Kaya agad kong tinanong ang mga kabarkada nito.

“Dumating na si Sophie?”

“Wala pa nga eh. Kanina pa naming tinatawagan pero di naman sumasagot.” Sabi ng isa sa barkada niya.

“Ah cge salamat.”

Mabilis kong nilabas ang cellphone ko para tingnan kung sumagot na ba ito kanina sa text ko pero wala din. Idi-nial ko ang number niya pero ring lang ito ng ring. Dito na ako nagsimulang mag-alala. Hindi naman ito aabsent ng wala dahilan. Hindi na rin naman ako makalabas para puntahan ito sa bahay nila dahil dumating na ang professor namin.

Hinintay ko na lang ang uwian tutal ay dinner pa naman ang date naming, baka sobrang pagpeprepare ang ginawa ni Sophie para dito. And thinking of that idea made me smile.

Pagkadismiss na pagkadismiss ng last subject naming ay nagmamadali akong pumunta ng kotse para kunin ang damit ko para palitan ang uniform naming. Pagkatapos ay dumiretso na ko sa flower shop at kinuha ang order kong 2 dozend of tulips, ang favorit niyang flower, na nakaayos ng napakaganda sa bouquet.

Dahil siguro sa excitement, mabilis akong nakarating sa bahay nila. Dahil sa kilala naman na ako sa kanila ay agad akong pinapasok ng guard nila. Pagkapasok ay nakasalubong ko ang isa sa katulong nila.

“Manang, nandiyan po ba si Sophie?”- magalang na tanong ko.

“Ay oo. Nasa kwarto niya. Nagtaka nga kami at hindi ito pumasok eh. Pero kanina ay may dumating itong bisitang lalaki.”

“Lalaki po? Nasa kwarto din po ni Sophie?” nakakunot-noong tanong ko.

“Oo. Nagulat nga ako dahil sa kwarto sila dumeretso eh. Hindi naman naming masaway dahil kilala mo naman ang kasintahan mo. May pagkamasungit din yan.”

“Ah sige po. Puntahan ko na lang sila. Salamat Manang.” paalam ko dito.

Ngumiti na lang ito at umalis na. Nagtataka akong pumunta sa kwarto ni Sophie. Dahan dahan kong binuksan ang pinto para hindi makagawa ng ingay. Masama kasi ang kutob ko. Pagkabukas ko ng pinto ay narinig ko agad ang masaya nilang tawanan. Nasa may balcony sila. At ang pwesto…. Nakahiga lang naman ang lalaki sa hita ng girlfriend ko. Nakatalikod sila sa akin kaya hindi nila ako nakikita.

“Baby, kelan ka ba kasi makikipaghiwalay sa lalaking yon? Ang tagal tagal mo na siyang pinaiikot oh.” narinig kong sabi ng lalaki. As soon as I heard that, parang may pumutok na ugat sa ulo ko. Nabitawan ko ang hawak kong bulaklak at sinugod ang lalaki.

Gulat na gulat ang dalawa, at sinamantala koi yon ay pinagsusuntok ko ang walang hiyang lalaki.

“ANDREI! TAMA NA! BAKA MAPATAY MO SIYA!” Narinig kong sigaw ni Sophie.

“PAPATAYIN KO TALAGA ANG LALAKING TO” galit na galit na sabi ko at pinagpatuloy ang pagbugbog dito.

Iniharang ni Sophie ang sarili niya kaya naman napatigil ako. “Umalis ka dyan kung ayaw mong madamay!”

“TAMA NA ANDREI!” Umiiyak na sabi nito. “Baby ok ka lang ba?” Ngunit dahil sa bugbog na nakuha ay hindi na halos ito makasagot.

Mas lalong nanginig ang buong katawan ko sa narinig ko. Mas importatante pa ang lalaking ito kesa sa akin?

“UMALIS KA NA ANDREI! BAKA IPAKULONG PA KITA DAHIL SA GINAWA MO! WALA NA TAYO OK! SA TINGIN KO NAMAN AY NARINIG MO ANG SINABI NIYA KANINA! PINAPA-IKOT LANG KITA!”

Dahil sa galit at sakit ay agad akong umalis sa kanila. Baka kasi pag nagstay pa ko dun ay kung ano pa ang magawa ko sa kanilang dalawa. Walang direksyon ang pagmamaneho ko. Ang inaasahan kong perfect night ay nauwi sa ganito. Napagod na ko sa pagda-drive when I decided to park. Kinuha ko ang cellphone ko and dialed the number ng pinakapinagkakatiwalaan kong tao, my bestfriend, si Claire.

Nakadalawang ring pa lang ay sinagot na nito agad ang tawag ko.

“Hello” sagot nito sa kabilang linya.

“Claire, where are you? I need you.” this time ay umiiyak na ko.

“Hello Andrei. What happened? Nasan ka?” natatarantang sabi nito.

“Puntahan mo ko please.”

“Wait lang. Asan ka ba?”

Inilibot ko ang paningin ko hanggang sa maging pamilyar sa lugar.

“Nasa Intramuros ako.” I replied.

“Ha? Anong ginagawa mo diyan? Just stay there okay. Saglit lang ako.”

“Thank you Claire.”

Hindi na ito sumagot at pinutol na ang tawag. Pagkatapos ay sumubsob na lang ako sa manibela at umiyak.

Message DeliveredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon