Frances' POV
3 months had past. 3 months na simula nung break up namin. Thank God at unti-unti akong nakaka-move on pero masakit pa din.
Kriiiiing....
Naputol ang pag-eemote ko ng tumunog ang cellphone ko..
"Hello.."
"Babae! Nasan ka na ba?! Magchecheck na ng attendance si Ma'am!" sigaw na sabi ni Ivy.
"Ayan na malapit na! Naglalakad na ko."
"Owkaay. Ingatsss! Bye!"
"Ano ba naman tong babaeng to. Atat na atat. Graduation practice lang naman." sabi ko sa sarili ko.
Yes. You've read it right! Gagraduate na din kami sa wakas. Nakasurvive ako ng 4th year with a broken heart. Haha. Pagkadating ko ng school ay deretso ako sa auditorium kung saan gaganapin ang graduation namin. Nakita kong nakapila na ang batchmates ko at hinanap ang section ko.
At nagsimula na ang practice.. March, gradution songs, at kung anu-ano pa. Pagkabreaktime ay napansin ko si Claire na busy sa kakatext.
"Huyyy! Sino ba yang katext mo at di ka man lang sumasali sa kwentuhan namin dito." pang-iistorbo ko sa kanya.
"Katext ko lang tong bestfriend ko! Tsaka nakikinig naman ako sa kwentuhan nyo eh. Ok na un." sagot nito.
"Haaay nakoooo. Bestfriend lang ba talaga?" pang-aasar naman ni Denise.
"Grabe issue na naman kayo. Parang di niyo naman alam na may gusto na ko diba."- depensang sabi ni Claire.
Natawa na lang kami. Buti pa si Claire tahimik lang pero may love life.
"Bigyan mo nga nga katext tong si Frances nang hindi ka ginugulo. Hahaha" - biglang sabi naman ni Sam.
"Very bright idea Sam. Dali na Claire. Di ba marami ka namang kilalang lalaki." sabi ni Denise.
"Gusto mo ba Frances?" pagsakay naman ni Claire sa mga baliw na to.
"Hmmm. Why not? Siguro naman matinong lalaki ang ibibigay mo di ba?" at sumali na din ako. Wala naman sigurong masama. Para na din may distraction ako sa bahay.
"Syempre naman. Wait lang. O ito save mo tong no. na to. Pero itetext ko muna para alam niya na ako nagbigay ng no."
At sinave ko na ang number ng kaibigan ni Claire. Ayaw nitong sabihin ang pangalan ako na daw bahala dun. Haha. Na-excite tuloy ako sa magiging textmate ko.
Claire's POV
Pagkabigay ko ng no. kay Frances ay tinext ko agad ang magiging textmate nito. Syempre sino pa ba.. Ang isa ko pang broken hearted na bestfriend. Hahaha
BEESSST!
Bakit?
Galit?!
Haha. Di naman. Nababadtrip lang ako kina Cholo. Kanina pa ko inaasar eh. So bakit ka nga pala napatext? Minsan lang to ah. Haha.
Kawawa naman. Haha. Bibigay ko ung no. mo sa isang kaibigan ko ah, si Frances. Nakekwento ko naman sila sayo di ba?
At bakeeet mo naman ibibigay? Anong meron?
Wala lang. Naisipan lang namin? Haha. Dali na para may distraction ka din, alam ko namang lagi ka pa ding nag-eemote sa babaeng yon. Tsaka wala ka nading magagawa kasi nabigay ko na sa kanya.Sabi ko sasabihin ko muna sayo na binigay ko ung no. mo sa kanya bago ka itext. Hahaha
Hay nakoo. Sabi ko na nga ba eh. Siguraduhin mo lang na hindi makulit yan ah.
Yey! Thank you best! And yes hindi to makulit. Swear. :) Cge. Bye na. Balik practice na kami. Expect her text anyday from now.
Cge. Bye.
"FRANCES! Ok na. Natxt ko na ang magiging textmate mo."
"Ah cge cge. Itetext ko na lang pag sinipag na ko at naka-unli."
Ngumiti na lang ako.
I hope this will work. Gusto kong tulungan ang dalawa kong kaibigan.At kung bakit sa dami ng kaibigan ko sila pa, isn't obvious guys? I'm playing cupid. ;)
~~~~~~~