Chapter 1

137 5 0
                                    

By: MischievousWords

Comment lang po kayo kung may mga suggestions po kayo.

please Enjoy :)

Ito na po ang Update :)

Lets Start.

Mga Busy talaga ang mga tao dito sa Great Hall, si Sarabeth, ayun todo aral sa computer nya, si Ter naman , naglalaro lang ng XBOX nya sa may sala, si ella naman ayun as usual nasa kwarto nya, at ako? Wala nga-nga lang dito sa may table nag-iintay ng milagro.

Lumipas na ang mag hapon at ngayon, 5:36pm na , ganun pa din ang ginagawa nila except kay Ter, sinamahan nya ako gumawa ng merienda namin. Ako lang kasi ang marunong magluto dito eh. Mayayaman kasi lahat ng nasa top 20 kaya lahat sila may maid, body guard at cook sa bahay kaya buhay prinsesa at prinsepe talaga.

"Finally, natapos din" tuwang tuwa na sinabi ni Ter.

"Bakit Ter, ngayon ka pa lang ba makakatikim ng halo-halo?"

"Oo! Ang sarap pala, I think this is one of my favorite desserts na. Ang sarap grabe , lalo na this beans"

"Haha! Osya, di mo man lang ba aalokin ang iba nating kasama?"

"Oh right, sorry i forgot"

Pumunta sya sa may sala at pinatunog ung bell dun at sumigaw ng " hey guys, its merienda time na, and for this day its halo-halo" pagkasigaw nya dali dali nyang inubos yung halo halo nya at kumuha ulit dun sa kusina.

Bumaba naman si Sarabeth at kumain din. Lagi kasi kaming apat ang nandito sa Great Hall eh kaya silang dalawa ni ter ang pinakaclose ko dito. Si Ella naman wala laging pakialam sa amin.

"Uyy James, di mo ba bibigayan si Ella? Sige na bigyan mo na nahihiya ka pa eh" sabi ni Sarabeth na iniabot sakin yung halo-halo at tinutulak sa direksyon ng kwarto ni Ella.

"Ahh... Ehh.. Baka sigawan lang ulit ako eh" lagi kasi akong sinisigawan nun, araw araw ko syang pinupuntahan sa room nya at inaalok ng merienda kaya lagi nya din akong nasisigawan.

"Sus, lagi ka ngang sinisigawan , pero pag iniiwan mo naman yung pagkain dun sa may tapat ng pinto nya ,pag binalikan mo wala na, makikita mo nalang dun eh yung pinaglalagyan ng merienda"

"Sige na sige na aabutan ko na!"

"Pakipot lang yun. Bagay nga kayo nun ni Ella eh, para kayong aso't pusa" nagtatawa sya at nasamid.

"Ayan! Buti nga nasamid ka tuloy!" Sabi ko sa kanya at umakyat na sa kwarto ni Ella.

Ito nanaman sisigawan nanaman ako ng mahal ko. Dapat nga masanay na siguro ako. Bakit ba kasi cold hearted yang babaeng yan eh! Sayang ganda ganda pa naman sana.

'Gustong gusto kita Ella!' Ayan lagi ang sigaw ng puso ko sa tuwing makikita ko sya. Pero ang lagi naman sigaw ng utak ko 'tanga ka! Basted ka dyan, manhid yan, cold hearted yan , sarili lang nyan ang iniisip nyan!' Di ko na alam ang gagawin ko. Ligawan ko na nga talaga sya?

Nandito na ako sa tapat ng pinto ngayon. At kakatok na.

Tok tok!

"Ahmm.. Ella ito na yun--"

" Busog pa ako!" Sigaw nya agad sakin .

"Pero di ka pa nalabas dyan sa kwarto mo buong umaga kay--"

"WALA KANG PAKIALAM!! UMALIS KA NA!"

"Ahh.. Si..sige , iiwan ko nalang tong halo-halo sa may tapat ng pinto mo"

"Wag na! Dalhin mo na pababa yan! Sayang lang yan, di ko yan kakainin!!"

"Ahh.. Ehh.. Iwan ko nalang dito baka magutom ka eh"

She's a HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon