By: redbutterfly204
Prompter : AnnaBanana0405
Prompt: First Assembly Performance
-
Nakamasid lamang si Marydale sa kanyang mga kaklase na parang napaka-busy sa paghahanda sa kanilang ipapakitang talent sa kanilang weekly school assembly dahil nakatoka ito sa klase nila.
Si Marydale ay 15 years old student na nag aaral sa Thaddeus National High School. Nasa ikatlong taon na siya sa high school.
Nagtungo siya sa pilahan ng kanilang klase dahil hindi naman siya kasali sa magpapakita ng kanilang talento sa mga ka-schoolmate..
Transferee nga pala siya galing sa isang private school sa bayan nila kaya lang ay napakamahal ng tuition fee at dalawa na sila ng kapatid na si Yong, na nasa first year kaya minabuti na lang ng mama nila, na sa National High School na yon sa kabilang bayan sila mag-aral.
Alas kuwatro pa lang ng madaling araw at gising na sila para maghanda sa pagpasok sa school. Kailangan nilang makasakay sa unang trip ng jeepney na papunta sa bayan ng Thaddeus para Hindi sila ma-late . Five thirty ng umaga at naglalakad na sila papunta sa terminal ng jeepney. . Bago mag ala-sais ay tutulak na sila papunta sa Thaddeus. . Minsan ay iniabot pa nila ng matinding hamog sa dinaraanang highway--six fifteen ay nasa harap na sila ng paaralan.
"Good morning Maymay" ang bati ng isang ka year level na taga star section na si Ditsi na humalik pa as pisngi niya.
"Good morning" ang nakangiti niya na lang na bati.
" Dito na ako makikipila sa inyo.." ang nasabi pa nito na umangkla pa sa braso ni Marydale.
Nang araw na nagpa enroll siya, si Ditsi ang isa sa mga nag-aassist ng estudyante sa ilang teacher.
"I like your hair" ang puna pa nito sa buhok niya na mahaba na nakalugay lamang.. "You're from St. Thomas? " ang tanong pa nito na tiningnan ang kanyang grades.
"Yes" ang tipid niya lang na sagot na nagpaypay gamit ang kanyang hawak na folder. Parang gusto niya na din na maniko dahil parang nanunulak ang isang magpapaenroll din yata na nasa likuran niya. .
" Ohh, matataas ang grades mo sa halos lahat ng subjects pero yong Math mo below eighty.." ang nasabi pa nito.
Gustong magtaas ng kilay ni Marydale,"atribida din 'tong babaeng to, di ba pwede na di na niya binanggit ang grades ko"
Humarap si Ditsi sa katabing teacher at pinakita ang grades ni Marydale..
Binistahan pa siya ng teacher saka ito ngumiti.
"Dahil magkamukha tayo, you will be joining me in section D" Ang nasabi pa ng teacher.. "pumunta ka na sa cashier at magbayad"
"Yes Ma'am, thank you Ma'am" ang nasabi niya na napangiti.
"See you around Marydale" ang nakangiti pang nasabi ni Ditsi.
Basta noong nag-umpisa na ang kanilang school year ay lagi siyang binabati ni Ditsi at mga tropa nitong nasa star section. Siya nga lang yata ang hindi taga star section na nakakasali sa mga year levels competitions. Lagi kasi siyang sinasabi ni Ditsi sa kanilang grupo.
Nakipila na din sa kanila ang ilan sa katropa nila, halos mangalahati ang mga nakapila sa star section.
Kung paborito kasi.. si Marydale ang paborito ng halos lahat ng mga ka schoolmates na nakikilala. Kahit na ang mga kaklase ng kapatid niya ay parang namamagnet sa kanya.
