Chapter 15

5.2K 141 19
                                    

Nakapikit pa si Alyssa pero ramdam na ramdan niya ang sakit ng ulo niya. Hindi na niya maalala paano siya nakauwi. Ang naaalala niya lang hinatid siya nila Ella, after nun wala na. Kinakapa niya yung cellphone niya sa ibabaw ng drawer niya pero wala yun dun. Bigla naman bumaliktad ang sikmura niya kaya napatakbo siya sa banyo at sumuka.

Pag tingin niya sa salamin, pulang pula siya. Yun pa rin ang suot niyang damit pero nakapanty na lang siya. Dahil na rin iritable siya at hindi siya nakapagshower kagabi, nagshower na siya baka sakaling umayos ang pakiramdam niya.

Matagal siyang naligo at nagbabad sa shower. Sinabayan na rin kasi niya ng drama yung pagligo niya. Naisip na naman niya kasi si Kiefer na bigla na lang parang bulang nawala. Nakatowel lang siyang lumabas ng banyo at tumutulo pa ng konti yung buhok niya.

Paglabas niya ng banyo napahinto siya sa pinto dahil nakaupo sa harap niya si Kiefer.

Are you okay? Tanong nito sa kanya.

What are you doing here? Galit na tanong niya dito.

Imbes na sagutin siya ni Kiefer lumapit ito sa kanya at niyakap siya na ikinagulat niya.

I miss you. Sabi nito kaya tinulak niya ito.

Get off me. Ano bang pinagsasasabi mo? Tanong niya dito at bago pa ito makasagot naalala niya yung singsing nito kaya kinuha niya ito at inabot kay Kiefer.

Here take this and all your lies and get out of my condo. Ang kapal ng mukha mong magpakita pa sa akin. Sabi niya dito pero imbes na umalis ito, lumapit ito ulit sa kanya at pilit siyang niyakap.

Alyssa please let me explain. Sabi nito habang siya nagpupumiglas sa yakap nito.

Please listen to me first. Sabi nito.

Hindi naman maintindihan ni Alyssa bakit biglang nawala yung galit niya ng ayaw siya nitong bitawan. Marahil ay namiss niya rin ang yakap nito.

Nang huminahon siya, binitawan siya nito pero hinawakan nito ang mukha niya dahil hindi niya ito tinitignan.

Let me explain okay. Sabi nito kaya hinintay niya ang paliwanag nito pero imbes na magexplain bigla siya nitong hinalikan. Hindi naman niya napigilang hindi sagutin ang mga halik nito.

Take this and get dressed. Iinit ko lang yung soup. Sabi nito sa kanya ng ibalik nito yung singsing niya.

Sinunod naman niya ang sinabi nito, binalik niya sa drawer yung singsing at kumuha siya ng damit at bumalik sa banyo. Habang ito ay pumunta naman sa kitchen niya.

Naconscious si Alyssa sa itsura niya pagtingin niya sa salamin kaya naman nagpowder at naglip tint siya bago siya lumabas ng banyo. Nakatayo naman si Kiefer sa pinto paglabas niya.

Humigop ka muna ng soup, you were so drunk last night kaya masama yung pakiramdam mo today. Sabi nito habang hinihila siya papunta sa kusina. Pinaghila siya nito ng upuan at saka ito umupo sa tabi niya.

Go. Kain na. I'll explain while you're eating. Sabi nito kaya napilitan siyang kumain dahil gusto niyang magpaliwanag ito.

Explain. Sabi niya dito ng kumakain na siya at hindi pa rin ito nagsasalita.

Okay. I know you're mad. Panimula nito.

I'm not mad. I'm super super mad. Gigil na sabi niya.

Okay, i know you're super super mad. Panggagaya nito sa kanya.

It's not funny. Sabi niya.

Estranged Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon