Chapter 26

3.5K 132 34
                                    

Nagising si Alyssa ng magring ang phone niya.

Yes besh? Paos na sagot niya.

Anyare sayo? Tanong nito dahil hirap siyang magsalita. Napaos siya kakaiyak kagabi.

Masama lang pakiramdam ko. Sabi niya dito.

Ah ganun ba. Sabi nito

Bakit ka nga pala napatawag? Tanong niya dito.

Ah wala, magpapasama sana ako but since you're not feeling well ako na lang siguro. Sabi nito.

Okay lang ako besh. Magshower lang ako tapos daanan mo na lang ako kung okay lang. Sabi niya dahil gusto niya bumawi dito.

Okay. Sagot ni Ella.

Habang sinusukatan si Ella hindi  maiwasan ni Alyssa maalala yung time na siya ang nagpupunta sa bridal shop para gawin ang ginagawa nito ngayon.

Besh, it's your turn. Sabi ni Ella sa kanya.

Huh? Tanong niya.

Anong huh? Who do you expect to be my maid of honor? Tanong nito sa kanya.

Okay. Sabi niya.

Okay ka lang ba or this is too early for you? Tanong nito at alam naman niya ang ibig nitong sabihin.

I'm okay with this Besh. Sabi niya.

Sure? Tanong nito.

Yes. Sabi niya.

Okay, kasi since you're my maid of honor, alam mo na tutulungan mo ako sa preparations. Sabi nito kaya hinawakan niya yung kamay nito.

Besh, i'll help you. Kahit sa ganitong paraan makabawi man lang ako sayo. Sabi niya.

Besh, hindi mo naman kailangan bumawi sa akin. Let's have coffee after this? Tanong nito.

Yup. Sabi niya.

Tinulungan niya si Ella na mamili ng style ng gowns para sa entourage nito. Yung wedding gown hindi na dahil may naisip na itong design. After nila doon tumambay sila sa nadaanan nilang starbucks. Hindi naman siya gutom kaya coffee lang ang inorder niya. Napangiti naman siya kay Ella dahil wala itong pinagbago matakaw pa din kasi ito.

Grabe besh baka hindi magkasya yung gown mo sayo niyan. Sabi niya.

Nasstress ako kaya I need to eat. Sabi nito.

Bakit ka naman nasstress eh matagal pa naman wedding mo? Tanong niya dito.

Baka kasi maging runaway bride din ako kagaya mo. Sabi nito kaya natahimik siya.

Shit sorry. Sabi nito.

It's okay, totoo naman na runaway bride ako. Sabi niya.

Ano ba talaga kasing nangyari? What made you leave? Tanong nito.

Natakot ako. Sabi niya.

Saan? Tanong nito.

Everything was perfect, sa sobrang perfect feeling ko hindi na totoo. Bigla ko kasing naisip na what if I wasn't enough for Kiefer, what if later on he realized that he deserve someone better, someone who can love him the way he love me. Sabi niya.

Did he ever make you feel you weren't enough? Tanong niya.

No, kaya nga pinagsisisihan ko yung pag-alis ko pero nandito na to so I have to live with it. Sabi niya at naiyak siya.

Estranged Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon