Chapter 29

4.7K 160 44
                                    

Halos hindi makagalaw si Alyssa sa kinatatayuan niya. Kung hindi pa siya tinulak ni Ella feeling niya nakatayo pa rin siya sa gilid.

Idea mo yan. Panindigan mo. Sabi ni Ella habang hinihila siya palapit kay Kiefer.

Nakita naman niyang binulungan ni Andre si Kiefer, marahil sinabi nito yung gagawin nila dahil napakunot ang ulo nito at umirap kaya lalo siyang nahiya.

Dance lang naman, pretend you just met each other. Sabi sa kanila ni Ella.

Nagsimula na yung music at kahit naiilang siya ng hawakan siya ni Kiefer sa bewang pinatong na rin niya yung kamay niya sa balikat nito. Hindi niya ito matignan dahil nakatitig ito sa kanya kaya yumuko na lang siya.

Kumusta ka na? Tanong nito.

Okay lang. Sagot niya at tumingala siya para tumingin dito which is wrong move dahil masyadong malapit ang mukha nila sa isa't isa.

You look happy. Sabi nito at tipid na ngiti lang ang sagot niya.

After a while sumayaw na rin si Ella at Andre pati yung ibang guests. Nagulat naman siya ng biglang humigpit yung yakap ni Kiefer sa kanya pero narelax siya doon. Sobrang namiss kasi niya ang yakap nito kaya naman hinigpitan niya rin ang hawak dito. Dinikit ni Kiefer yung side ng ulo nito sa side ng ulo niya kaya napapikit siya

I'm sorry. Bulong niya dito at hindi niya napigilan na pumatak yung luha niya kaya pinunasan niya yun ng kamay niya.

It's okay. Matagal na yun. We've both moved on. Sabi nito kaya naiyak siya lalo kasi hindi pa siya nakakamove on.

I'm happy to see you again. Sabi niya dito pero hindi naman ito sumagot.

I'm sorry about earlier. Nadala lang ako kasi naalala ko when you prepared for our wedding. It's as beautiful as this. But i'm happy to know that finally natutupad mo na mga dreams mo. At least may magandang result yun paghihiwalay natin. Siguro kung natuloy tayong kinasal hindi mo magagawa yung mga ginagawa mo ngayon. Nasakal ka ba sa akin kaya mo ko iniwan? Tanong nito.

Kief, it's not like that. Sabi niya magpapaliwanag sana siya ng magsalita ito ulit.

I'm glad you found someone who you can share you passion with. He looks nice, bagay kayo. Sabi nito, sasabihin niya sana dito na hindi niya boyfriend si Ron kagaya ng inaakala nito pero hindi siya makasingit.

I'm sorry, I can't do this anymore. Goodbye Alyssa. Sabi nito at hinalikan siya sa noo saka umalis.

Kiefer. Mahinang tawag niya dito habang umiiyak.

Nagulat siya ng bigla siyang yakapin ni Ron kaya napasubsob na siya sa balikat nito habang nakatingin kay Kiefer na hawak ang kamay ni Sam at naglalakad palabas ng venue.

Stop crying behh. Sabi ni Ron sa kanya.

Wala naman nakapansin sa nangyari dahil busy ang mga guests magsayaw. Pero si Ella nakita yung nangyari kaya naman after ng dance hinanap niya agad si Alyssa ng hindi niya na ito makita.

Ron, alyssa? Tanong niya.

Nasa labas. Sabi nito at tinuro yun.

Naawa si Ella sa itsura ni Alyssa paglapit niya dito. Tulala lang kasi ito at halatang kagagaling lang sa iyak. Umupo siya sa tabi nito at hinawakn yung kamay nito, bigla naman itong tumingin sa kanya at tipid na ngumiti saka natulala na ulit.

Besh. Sabi niya dito.

Okay lang ako, balik ka na sa loob. Sabi nito sa kanya.

Hindi ka okay. Tulala ka na nga okay ka pa rin. Kailan pa naging ganyan itsura ng okay. Inis na sabi niya dito at bigla siyang niyakap nito saka umiyak.

Estranged Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon