Chapter 32

6.5K 187 76
                                    

Kumusta ka na? Tanong nito na parang walang nangyari.

Okay naman, busy. Ikaw anong ginagawa mo dito? Tanong niya.

Ahh naggrocery din, wala na ako stock sa condo. Sabi nito.

I mean sa pinas. Sabi niya.

Ahh, I'm getting married. Sabi nito.

Ah yeah, nasabi nga ni Kobe. Sabi niya dito.

Can I invite you to lunch? Tanong nito.

Ah may gagawin pa kasi ako eh. Sabi niya.

Kahit saglit lang. Sabi nito.

Sige but I have to go by 12. Sabi niya. Binigyan niya ng 30 minutes si Kiefer.

Okay na yun. Tapos ka na ba maggrocery? Tanong nito kaya tumango siya at bigla nitong kinuha yung cart niya at pumila sa counter kaya sumunod na siya.

Kinabahan siya ng hawakan ni Kiefer yung pinamili niya at ilagay sa counter. May anmum kasi dun.

Ako na. Sabi niya.

Okay lang ano ka ba. Sabi nito at ngumiti sa kanya.

Anong gusto mo kainin? Tanong nito buti na lang hindi ito nakatingin sa pinamili niya hanggang mabalot yun ng bagger.

Kahit ano. Sabi niya.

7,689.50 po. Sabi nung cashier kaya kumuha siya ng pera sa wallet niya.

Here. Sabi ni Kiefer at inabot yung card niya sa babae.

Kief ako na. Sabi niya.

Hayaan mo na para mas mabilis. Sabi nito at nagpipindot ng pin niya dun.

Halika na, 20 minutes na lang. Sabi nito habang nakatingin sa relo kaya sumunod na siya.

Sa jollibee na lang sila kumain dahil yun ang malapit at mabilis din magserve. Kumakain siya ng mapansin niyang di kumakain si Kiefer at nakatingin lang sa kanya.

Bakit di ka kumakain? Tanong niya dito.

Ang sarap mo kasing panoorin kumain. Gusto mo pa ba? Tanong nito sa kanya. Gutom na kasi siya at nagcrave siya bigla ng maamoy niya yung chickenjoy.

Sorry, lunch na kasi kaya gutom na ako. Sabi niya.

It's okay. Sabi nito.

Kain ka na rin. Sabi niya at kumain na rin ito.

Wait lang. Sabi niya dito pagkatapos niya kumain. Bumili siya ng sundae dahil parang nainggut siya ng makakita siya ng bata na kumakain nun. Binilhan niya din si Kiefer.

Thanks. Sabi nito pagkaabot niya.

Kumusta ka na, balita ko may business na daw kayo ni Ella. Sabi nito.

Yeah pinush na namin. Okay naman. Sabi niya.

That's good. Sabi nito at tahimik ulit silang kumain.

Alyssa. Tawag nito sa kanya makalipas ang ilang sandali.

Yes. Sagot niya.

Sorry nga pala last time huh. Sabi nito.

Naku wala na yun. Nakalimutan ko na rin. Okay na ako at mukhang okay ka na rin naman. Sabi niya dito.

Gusto ko lang magsorry sa ginawa ko sayo. Sabi nito.

Estranged Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon