Chapter 3

3.3K 125 10
                                    

After Kobe's wedding Kiefer went to his dad's relatives to spend Christmas and will fly to after that to Hong Kong to spend New Year before going back to US. Umuwi lang naman siya para sa kasal ng kaibigan, dahil alam niyang marami na siyang utang dito hindi niya pinalampas ang pagkakataon na makabawi dito kahit papaano. Nang sabihan siya ni Kobe na magaabay siya kasal nito, hindi siya nagdalawang isip na umoo.

Aminado siyang playboy siya kagaya ng pagkakakilala sa kanya ng mga kaibigan pero nainggit siya ng malaman niya na ikakasal si Kobe. Mahilig man siya sa babae, umaasa pa rin siya makakakita siya ng babae na makakasama niya habang buhay kagaya na lang ng parents niya.

Kakagraduate niya lang ng highschool ng sabihin sa kanya ng parents niya na sa amerika na sila titira. Kahit labag sa loob niyang sumama, alam niyang pangarap ng mommy niya ang magamerika. Bukod na nandoon ang mga kapatid ng mommy niya, gusto rin ng mommy niya na makapagpractice ng pagiging doctor doon. Sa sobrang pagmamahal ng daddy niya sa mommy niya, sinuportahan nito ang gusto ng mommy niya.

Engineer ang daddy ni Kiefer, may construction company sila sa pinas pero pinamahala ito ng daddy niya sa kapatid nito para lang sumama sa mommy niya.

Masama ang loob ni Kiefer noon ibinalita sa kanila na magmimigrate sila sa US. Kasalukuyang may girlfriend siya noon. Isa na rin yun marahil sa mga naging dahilan ng pagiging playboy niya.

Bago kasi siya umalis nangako sa kanya yung babae na pagkatapos na pagkatapos magcollege susunod ito sa Amerika, pero dalawang taon pa lang silang nagkakalayo ni Kiefer nabalitaan na niya na nabuntis ito.

Sinisi niya ang parents niya sa nangyari. Kung di dahil sa kagustuhan ng magulang niyang magAmerika baka sila pa ni Carmi.

Although later on he realized na hindi lang talaga siya mahal ni Carmi kaya nito naisipan ipagpalit siya. Nalaman niya din na gold digger ito. Nakahanap ng mas mayaman sa kanya kaya agad agad siyang pinagpalit. Dahil doon, hindi na nagseryoso sa relasyon si Kiefer, idagdag pa ang pagiging liberated ng mga puti kaya nasanay na siya na walang commitments. Everything is just a game.

Naging problema siya ng mommy niya dahil sa ganoong akto niya, minsan na itong naiyak dahil sa mga pinaggagagawa niya. Nagmatigas pa rin siya, yun ang ganti niya sa pagsama sa kanya ng parents niya sa states.

Stop acting like a kid Kiefer. It's been 6 years. Why don't you finish your school, find a job then go home to see your girlfriend. Sabi ng mommy niya ng minsan umuwi siya ng lasing na lasing at may pasa sa mukha.

In case you forgot mom, I lost my girlfriend 6 years ago when you forced me to comel here. Sabi niya kay Mozzy.

Exactly my point Kiefer. It's been 6 years and until now you can't move on from that. We only want what's best for you and your siblings. Sabi ni Mozzy.

Best for me? If I were in Manila, I would've graduated by now and maybe working or managing my own company. You took away my dreams to reach for your dreams. Sabi ni Kiefer na lubos nakapagpasakit sa loob ng mommy niya.

I'm sorry son, i didn't know. I was so focused on my dreams i forgot about yours. Sabi nito habang naglakad palayo na umiiyak.

Para naman naantig ang puso ni Kiefer ng makitang umiiyak ang ina pero hindi na niya mabawi ang sinabi niya. Simula noon hindi na siya masyadong kinausap ng mommy niya, hindi dahil sa galit ito kung di dahil naaawa ito kay Kiefer. Naging malungkutin ang mommy niya at napansin ito ng daddy niya.

Dahil narinig ni Dani, ang bunso niyang kapatid ang pagtatalo nila ng mommy niya sinumbong siya nito sa daddy nila kaya isang araw na umuwi siya sinalubong siya nito ng kamao.

Estranged Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon