Chapter 31

5.2K 155 53
                                    

Hindi muna sinabi ni Alyssa sa mga kaibigan niya na buntis siya. Ayaw niyang mag-alala ang mga ito at ayaw din niyang ipaalam ng mga ito kay Kiefer. Kahit sa lola ni Kiefer hindi niya sinasabi, since hindi pa naman halata.

Gagawa na lang siya ng paraan pag lumaki na yung tyan niya. Pwede naman siya magtago ulit or pumunta sa Italy sa parents niya.

Hoy. Sigaw ni Ella kaya nagulat siya.

Besh. Sabi niya.

Ang lalim ng iniisip mo. Kanina pa ko besh ng besh dito. Sabi nito.

Sorry. Sabi niya.

Puyat ka na naman huh. Sampung kilo na eyebags mo oh. Sabi nito kaya natawa siya.

Ginanahan lang sa bagong project. Kailan pala natin mamemeet yung client? Tanong niya dito.

Sa wedding. Sabi nito.

Huh? Litong tanong niya.

Taga Germany kasi sila pareho, friend ni ate to. Basta ang sabi sa akin ako na daw bahala. Gusto nila pag-uwi nila ikakasal na dahil wala silang time mag-asikaso. Sabi nito.

Ella hindi pwede, kailangan pa nila magseminar. Sabi niya

Sa Germany na daw nila gagawin lahat yun. Basta day before the wedding dadating sila pareho and we'll meet them sa wedding na. Sabi nito.

So reception and church lang tayo? Tanong niya.

Yup. Wala na rin invitation kasi nainvite na nila lahat. Sagot nito.

Okay. Ano daw gusto nilang wedding? Tanong niya.

Garden pala hindi church tapos dun na ren reception, may alam ka ba? Tanong nito at naisip niya yung bahay ng lola ni Kiefer.

Tanong ko yung kakilala ko. Sabi niya.

Good. Sabi nito.

May event sila ngayon weekend kaya naman tinawagan na niya yung lola ni Kiefer para makausap na niya ito agad at maconfirm.

Hi apo, may problema ba? Tanong nito dahil bihira naman siya tumawag dito. Ito lang ang madalas tumatawag sa kanya.

Are you free? Gusto kita ipagluto po eh. Sabi niya.

What do you need? Hindi mo ako tatawagan kung wala kang kailangan. Sabi nito at natawa siya.

Pwede ko ba sabihin after kita ipagluto ng favorite mo? Tanong niya.

You know I can't say no to you. You're the apo that I never had. Come here and make sure masarap yan iluluto mo at baka humindi ako. Sabi nito.

Okay, see you in a while. Sabi niya dito at binaba na yung phone at nagayos na siya.

Saan ka punta? Tanong ni Ella.

Kausapin ko yung may-ari ng garden, sana pumayag. Private property kasi pero maganda yun. Sabi niya.

Sige good luck. Sabi nito kaya bineso niya to at umalis na siya.

You want to use my garden for a wedding? Tanong ng lola ni Kiefer.

Sana kung okay lang. Sabi niya dito.

If it's your wedding, I will say yes kahit hindi mo pa natatanong. Sabi nito kaya nalungkot siya.

It's okay La. Tinry ko lang naman po. I can still look for another venue. Sabi niya dito.

Estranged Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon