CHAPTER I
(#FIRSTDAYOFSCHOOL - as a MATH MAJOR)
Hindi ko akalain noon na makakapasa ako sa napakagandang paaralan, ang PNU - PHLIPPINE NORMAL UNIVERSITY (don't worry hilig ko na talagang magturo sa mga bata ever since). At ang nakakagulat pa doon ay isa ako sa napabilang sa Top 20 PNUAT passers. And guess what? Rank 5 ang lola niyo! Yippee!
Ngayon, nasa 2nd year na ako dito sa pamantasan na minamahal ko ng lubusan. :) Napakaexcited ko pa namang bata, kaya 'yon pumasok ako ng 5:05 a.m., tuloy bantay ako ng gate. Mag-isang nagmumuni-muni ng mga bagay na minsan pinapangarap ko sa buhay. On the second thought, okay lang na maging maagap kaysa maging late at least first student.
Sa dinami dami ng iniisip ko sa buhay, biglang may kung anong bagay este hayop, ay hindi, tao, ang biglang kumausap sa akin.
"Anong year mo na ate?"
Hala? Kinakausap ako ni Manong Guard. At saka maka-ate naman ito mukha lang naman akong gurang pero 18 years old pa lang po ako. Mas matanda pa nga sa akin si kuya.
"2nd year po."
"Ah, siguro Math major ka, no?"
At paano naman nahulaan ni Manong Guard na Math major ako? Aber? Pwede naman na ibang major, no? Bakit Math kaagad?
"Opo kuya. Paano niyo naman po nasabi?"
"Halata naman sa mukha."
Wow? Ang talino ni Manong Guard doon. Talaga itong si Manong Guard palabiro, haha maganda naman ako. Pwera biro.
"Tingnan mo kasi 'yong salamin at bag mo? Ganyan na ganyan ang mga nagtetake up ng Math madaming dala. Minsan pa nga eh malalaking bag pa ang dala tulad mo. Bagay ka naman sa BEEd at English. Bakit ka nag-Math? Siguro diyan ka lang pumasa."
Grabe naman ang panlalait nito. Anong akala mo sa mga Math majors, mga nerd? At saka wala naman akong nakikita na Math majors na madaming bitbit na gamit. Siguro pwede pa ang mga librong makakapal. Tagapagtanggol ng Math majors. Isulong ang edukasyon lalo na ang Sipnayan. Chos, dami kong learn. And besides, nakapasa ako sa tatlo kong chosen majorships at saka lahat 'yon ay pasado.
"Manong, magaling ako sa English pero hindi ako ganoon kalapit sa mga gradeschoolers (Kahit like ko talagang mag BEEd at ang mga bata). At saka Manong Guard pumasa ako sa 3 choices ko,'yon ang mga Math, English at BEEd. Kahit na medyo nalilito ako sa vocabulary part ng test sa English. Kaso dito ko talaga gusto ang magpanday ng karunungan ng kabataan lalo na pagdating sa usaping may kinalaman sa Sipnayan."
"Ah... ganoon ba? Ang dami mo namang pinagsasabi, eh simple lang naman ang gusto kong sagot. Pero 'di mo ba naisip na mahirap magkaboyfriend kapag Math major ka?"
"Hindi ko pa naman po 'yan naiisip kasi studies muna ang inuuna ko bago ang pag jojowa. At saka kuya, bakit mo naman 'yon natanong? Siguro may gusto ka sa akin, no?"
Atribida lang ang peg ko. Matanda na si Manong Guard. Bakit ko ba 'yon natanong? Kadiri lang, ha?
"Wala akong gusto sa'yo. Naku oo nga pala 6:30 a.m. na, pumila ka na sa OSASS at baka maunahan ka pa nila."
"Manong guard, nakapagenrol na po ako noong May 22 at ang pasok ko pa ay 7 kaya pwede pa tayo mag-usap."
"Naku pumunta ka na sa klase mo at baka mahuli pa ako dito ni Mam Orig na walang ginagawa at nakikipagdaldalan lang ako sa tulad mo."
Grabe si Manong Guard ang hard, pinaaalis kaagad ako. Feeling niya naman na ako ang magiging dahilan ng kanyang pagkatanggal sa pwesto, eh siya ang unang nakipag-usap kanina, nanlait pa.
BINABASA MO ANG
THE STORY OF A CLUMSY GIRL
RomanceMeet Pat, ang nerdy at may pagka-studious na babae. Itatry na makipagsabayan sa kapwa nya PNUans. Isa na rito si Lester, ang ultimate crush ng bayan, na may girlfriend na warfreak--si Aya. Kilala sila sa buong campus dahil sa PNU DIARIES. Si Chr...