INTRODUCTION

71 2 0
                                    

INTRODUCTION

"Noong unang panahon, ang mga aswang at mga maligno ay nagsidatingan dito sa ating mundo upang magpalaganap ng kanilang lahi sa atin. Ang ilan sa mga ito ay nagtungo sa Barrio Sto. Niño, Lucena City. Nang makita ng isang maligno si Joycelyn ay nahumaling na ito sa kanya dahil sa sobra nitong kagandahan. Ngunit, subalit, datapwat tumanggi ang babaeng ito na nagdulot sa kanya upang siya ay isumpa nito. 'Ang magiging ikatlong anak mo ay magiging maligno din o di kaya magiging sobrang PANGET!' At iyon ang dahilan kung bakit napakapa PANGET mo." Ang napakahard na kwento sa akin ni lola.

Hi ako si Leona Patricia Rodriguez, Pat for short. Paano ko ba idedescribe sarili ko? Let's start with my physical looks. Mahaba naman ang hair ko pero medyo kulot. Medyo matangkad, 5'4" to be exact. Matangos ang ilong? Hindi naman ganoon katangos. Bilogan ang mata, nakasalamin ng makapal (500 ang grado parehas, 'di ako banlag!) at hindi naman ganoon kagandahan.

Hindi ako mahilig sa mga magagarang dress kaya 'yon losyang kung tingnan minsan. Minsan pinagkakamalan nila akong may isa ng anak na pinasususo, hindi naman ganoon kalaki ang FUTURE! MUKHANG GURANG LANG ANG MUKHA..... Hahaha!

Para naman sa mental ability ko, magaling ako sa math lalo na sa solving problems at favorite ko din ang calculus. Sa sobrang galing ko sa math ay hindi ko makalimutan ang mga numbers, pati sukli ni manong driver sa akin ay hindi ko na binablik kasi number din 'yon sa wallet, dagdag pamasahe din.

Noong elementary ako, malabo na talaga ang nga mata ko. Bakit? dahil nais akong nasa top lagi ng nanay ko. Pinipilit niya akong magbasa ng magbasa ng libro. Wala na kaming ilaw kaya sa gabi nakandila lang kami.Kahit na ganoon ay pinipilit kong makapagbasa kahit na madilim sa amin upang maging dahilan ng pagkalabo ng mga mata ko.

Nang tinawag ako ng teacher ko sa science para magrecite, kaso hindi ko naman talga totally mabasa 'yong nakasulat sa blackboard kasi naman ang LIIT ng sulat ni mam at dikit-dikit pa. Sinabi ko kay Mam "Mam, hindi ko po nababasa 'yong nakasulat eh! Malabo po 'yong nakikita ko." Pero ang sabi ni Mam sa akin "PATRICIA, 'WAG KANG PABIDA. MASAMA 'YONG PINAPANGARAP NA LUMABO ANG ATING MGA MATA!" Paano ba magpanggap na malabo ang mata? Kailanman ay hindi ko talaga pinangarap na lumabo ang mata ko, noh? Sino ba ang gustong lumabo ang kanilang mga mata?

Nang nagpatingin ako ng aking mga mata sa baranggay hall, ang sabi ba naman sa akin ng medical staff doon ay... "Dapat kasi iniingatan mo ang iyong mga mata. Huwag kang suot ng suot ng mga salamin na may grado at talagang lalabo ang mata mo niyan." Lintik na 'yan sinisi pa ako.

Noong nasa 3rd year high school na ako, tinawag ako ng teacher ko para magprove ng "rhombus is a parallelogram". Dahil sa sobrang kilig dahil sa katabi ko ang crush ko, syempre dinaig ko pa ang araw sa pagpapasikat. Sa sobrang taranta at hindi pagtingin sa dinadaanan, ayun plakda ang aking facelak at libreng halik pa ang lupa. Akala ko si crush. Bengga PAHIYA lang ang peg. Hindi na tuloy nagrecite kasi pinaupo na ni teacher sa sobrang landi.

Hilig ko talagang magbasa lalo na kung tungkol sa pag-ibig at kay Lord. Kahit ano kasing basa ko ng libro na "HOW TO BE AN ALMOST PERFECT BF/GF"eh wala naman akong jowa. Kaya hindi ko din maaplay sa real life.

That's me. Medyo cool, nerd, baduy pero CUTE!

Nakapasok ako ng PNU dahil sa Aunty ko. Huwag niyong isipin na nag pa FIXER ako kasi siya talaga ang nagintroduce sa akin ng school na 'yon. Sabi nila kasi na "magteacher ka kasi may malaki kang potensyal para magingisang guro." Bakit nga ba nila 'yon nasabi? Kasi naman noong nasa Grade 5 palang ako, nag iiskul iskulan na kami ng mga pinsan ko. Ang taas ko pa nga magbigay ng grade. Umaabot ng 100%. Lokong teacher, lahat VALEDICTORIAN! Hahahaahahahah!

Bakit nga ba laging panget ang tawag sa akin? Kung minsan naman gurang. May magmamahal pa ba sa ganitong isinumpang pagmumukha? Siguro, sana! Pagpasok ko ng college ay may magmahal sa akin kung sino talaga ako at hindi kung ano ako.

THE STORY OF A CLUMSY GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon