CHAPTER V
(#Realization)
Lahat na lang ba ng bagay sa mundo ay kailangan ko pa talagang aralin at alamin?
Nang dumaan sa harapan namin ni Mike si Christian ay halos ikadurog ng puso ko. Ewan ko ba pero ngayon ko lang kasi ito naramdaman. Noong kami pa naman ni Lester ay 'di naman ako nagkakaganito kapag nakikita kong magkasama sila ng asungot na si Aya.
Para lang mapagtakpan 'yong nadarama ko (nadarama talaga?), nag-iwas na lang ako ng tingin sa kanila. Haha! Patay baby lang ang peg. Kaso nandiyan pala sina Mike at Rhea na kanina pa pala nagbabantay. Kaya talagang huling-huli ang mga pa-simple moves ko.
"Friend, bakit kasi 'di mo pa sagutin 'yong manliligaw mo? Ikaw rin, mawawalan ka niyan ng jowa. 'Di ka naman kagaya nitong si Mike na halos monthly na lang ay nagpapalit ng boylet."
"Naku Pat, huwag kang maniwala sa boyba na 'yan. Talagang walang magandang maitutulong 'yan para sa inaasam mong ginhawa sa love story niyo ni Christian mo. What if gawin mo rin 'yong ginagawa niya sa iyo ngayon? Malay natin, 'di ba? Kung magagalit, magseselos, or whatever feelings kung ano pa man ang meron ang bruho na 'yon."
Paniniwalaan ko ba itong dalawa? Eh puro kalokohan naman ang pinagsasasabi. Naku bago ko pa 'yan isipin kailangan ko na pa lang mag-asikaso para sa aking demo sa Developmental Reading. Bakit kasi ako nag-volunteer ng araw na 'yon? Kesyo may dagdag daw na grade. Haha! PG lang sa grade.
"Alam niyo, 'di ko na muna aasikasuhin ang naudlot kong love life. Ang uunahin ko na lang ay ang pagde-demo ko ngayon. Puwede ba umakyat na lang tayo?"
"Bakit nga nga kasi ayaw mo pang sagutin si Christian? There is a quote saying 'Our life is like a book and each day has a new page. We can't erase what has already been written, but we can always try to make the next page better'. May mga instances na talagang 'di mo na mababago. Tulad ng nangyari sa inyo ni Lester. Kahit na tumagal pa kayo ng almost 2 months ay may mahal pa ring iba ang taong iyon. Ikaw naman hinahayaan mo kasing ikulong ang sarili sa nakaraan na ikaw mismo 'di mo alam."
Natulala lang ako kay Rhea. Ewan ko ba kung bakit niya ako kailangang sermonan.
"Friend ako na mismo ang nagsasabi sa'yo na maganda ka. Bakit naman kasi masyado mong dene-degrade ang pagkatao mo, eh 'di ka naman ganoon? At saka, 'di ka naman gurang. 'Di ka lang masyadong nag-aayos ng sarili."
Ok. Tama na po. Lait na lait na ako. 'Di lang ako pinansin ni Christian ay nagtatatalak na itong BFF Bundles ko na si Rhea. Naku Christian kung puwede lang talaga na magpaka-invisible ka na lang kapag may kasama kang ibang babae para hindi na lang kita nakikita at para hindi na ako nasasaktan ng ganito.
"Rhea, salamat sa panlalait. I appreciate it a lot. Wala nga ako sigurong magagawa para sa sitwasyon, pero siguro sa ibang bagay ako makakatulong. May mga bagay kasi na talagang kailangang mangyari para may ma-realize tayo sa buhay."
"Alam niyo girls, gutom lang 'yan. Ano kaya kung umak--"
"AYOKO NGA!" Sabay naming sabi ni Rhea.
Dala siguro ng emosyon kaya ganoon. Haha!
"Ok! Huwag niyo akong sigawan. Kung ayaw niyo pang umakyat, it's fine. Wala na talaga akong magagawa."
"Mike, aakyat na rin naman ako. Mag-a-asikaso pa kasi ako ng report ko. Haha! Pag pray niyo akong dalawa. Kinakabahan kasi ako."
"First time mo bang magre-report, ha? 'Di ba, hindi? Naku baka naman kasi todo ang inihanda mo sa demo."
"Ganoon na nga. Naku alam ko naman na mas bongga ka pa sa akin Mike. Halata naman kasi sa kamay mo."
BINABASA MO ANG
THE STORY OF A CLUMSY GIRL
RomanceMeet Pat, ang nerdy at may pagka-studious na babae. Itatry na makipagsabayan sa kapwa nya PNUans. Isa na rito si Lester, ang ultimate crush ng bayan, na may girlfriend na warfreak--si Aya. Kilala sila sa buong campus dahil sa PNU DIARIES. Si Chr...