CHAPTER II

36 1 0
                                    

CHAPTER II

(#brokenhearted)

Ang drama talaga nitong si Lester. Siya na nga ang nadulas sa may basketball eh may pakiss-kiss pang nalalaman.

"Dito na lang sa pisngi kung ayaw mo sa labi."

Hinampas ko nga 'yong binti niya.

"Aray ko naman."

Oh hindi ba effective? Haha!

"Friend, tulungan niyo ako sa pagbitbit dito sa mokong kong boyfriend sa clinic."

Sumang-ayon naman sila. Kami nina Aryan, Clara, Rowena, Angelica, at Rhea ang nagbitbit sa kanya papuntang clinic. Pinagtitinginan nga kami ng mga tao. Kasi naman kalalaking tao, eh bubuhatin pa ng 6 na babae! Grabe noh? AMAZONANG KIKAY lang ang peg!

Pagdating namin sa clinic ay nilapag na namin siya sa may kama at iniwan na kami ng mga friendship ko. Pagkalabas nila ay kinausap na kami ng doktora.

"Oh, Lester! Anong masamang hangin ang nagdala sa'yo rito? Bakit ka napadalaw rito sa clinic, ha?"

Ansabe ni MOTHER! Hahaha! Syempre naaksidente 'yong tao kaya nandito sa clinic.

"Mam, kaya ako napapunta rito kasi nga napilayan ako. Pwede, gamutin niyo na ako at kumikirot na siya!"

Ay demanding naman talaga siya! Pagtarayan ba naman si doktora? Siguro menopause baby ito. Haha! Pumasok na si Mam sa loob, then naiwan kaming dalawa na mag-isa! Haha!

Ano kaya ang gagawin namin sa loob kapag walang tao sa paligid?

a. mag-u-usap

b. kakain

c. tingnan ang isa't isa

d. magbasa ng articles

e. censored

RATED SPG naman!

Erase. Erase. Erase. Napaka ko talaga. Kung ano-ano pa ang napasok sa isipan ko.

"Balik ako sa request ko kanina! I-kiss mo na ako sa pisngi! Para naman maibsan ang sakit ko."

"Wow, ha? Ano 'yon? 'Yong pisngi pala 'yong tumama sa sahig at hindi 'yong binti."

"Dali na. Ayaw mo pa eh. Iiyak ako nito."

At nagsalita pa ng pabeybi. Maya-maya pa ay may pumalakpak sa likuran ko.

"Ang galing niyo rin, noh? Pati ba naman sa clinic hindi niyo na ginalang! At ikaw Pat, hindi bagay sa'yo 'yang landian niyo. Nagmumuka ka lang talagang MAID OF HONOR as in maid of all bitches. Hahahaha!"

Hindi na ako umimik kaya napansin kaagad ni Lester.

"Alam mo Aya, kung wala ka namang magandang sasabihin ay puwede ka ng lumabas!"

"And how dare you to set me out? Aalis ako kapag gusto ko. May sarili akong utak. Lalabas na rin naman ako eh. May payo lang ako sa inyo, kadiri kayong tingnan. 'Di ko talaga matiis ang prolong presence ni Pat eh. I can't stay any longer."

"So, if you can't see us in this situation, you may now go out in this f.cking bullshit room. I don't want to see you, and I can't stare at you any moment. Your getting into my nerves especially to my myelin sheath. Get out!"

Lumabas nga siya. Wow, ha? Ang galing ng fighting spirit ng jambunganga niya at napalabas niya 'yong freak na 'yon?

"Ok, na saan na nga tayo? Ah alam ko na! Tawagin mo na lang si doktora at talagang sumasakit na 'yong binti ko."

Ump, buti na lang talaga at BF kita. Makautos talaga?

Pinuntahan ko 'yong kwarto na itinuro niya sa akin. And to my surprise nandoon si Mam nakahandusay, dugaan at may 50 na saksak.

THE STORY OF A CLUMSY GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon