CHAPTER IV

33 1 0
                                    

CHAPTER IV

(#Hugot/Kilig)

CHRISTIAN'S POINT OF VIEW:

Napakamanhid talaga nito kahit kailan. Umamin na nga 'yong tao ay wala man lang siyang reaksyon? Ano ba siya tao o alien?

Nasabi ko lang naman na ayoko ng maulit 'yong dati kasi dahil sa trahedya na hindi ko malilimutan.

*Flashback*

"Kung manliligaw ka dapat magsalita ka hindi 'yong pinaiiral mo 'yang katorpehan mo. Wala ka niyang mapapala kundi ang ngumanga na lang." Sabi ni Best Andie.

BFF ko siya since elementary at sabay rin kaming pumasok sa PNU.

"Oo na nga. Tingnan mo at pupuntahan ko na si Jen para ligawan, 'di ba?"

"Eh bakit hindi 'yong dati mong crush? 'Yong sa Freshmen Orientation?"

"Wala na. 'Di ko naman din kakilala. Papakawalan ko pa ba ito?"

Pumayag naman din si Best. Mahirap talagang makipag-argue sa kanya lalo na't professional na ang dating niya sa pagtatalak at pagdedebate. Pangalawa lang ako sa level ng pakikipagdebate.

"Ikaw ang bahala. Pero ang mapapayo ko na lang para sa'yo ay 'Be yourself'. Dahil mas mamahalin ka niya kapag totoo ka sa sarili mo."

"Ako na ang bahala roon. Salamat sa suggestions. Una na ako, baka mamaya umuwi na 'yon at 'di ko pa maabutan."

"Mukhang nakita ko siya kanina sa may Luncheo. Try mo siyang puntahan doon."

"Salamat talaga! Ikaw na talaga ang BFF ko. Lagi mo na lang akong tinutulungan. Sana makabawi naman ako sa'yo balang araw."

"Sana nga."

"Haha!"

Marami pa talagang alam ito. Pagpunta ko sa Luncheo ay naroon si Jen. Nilapitan ko at...

"Jen, may sasabihin sana ako sa'yo."

"Ano naman 'yon? Mukhang importante, ha?"

Oo dahil importante ka talaga sa puso ko. Kaya kailangan ng sabihin at hindi na pwedeng patagalin.

"Oo, Jen ma-"

'Di ko na natuloy 'yong sasabihin ko kasi dumating bigla si Anavel.

"Oh Christian, nasabi mo na ba kay Jen, ha?"

Panira talaga! Kainis!

"Ah Vel, ako na ang magsasabi. Sinasabi ko na rin naman pero dumating ka!"

"Sige Anavel, ikaw na ang magsabi at ng malaman ko. Dami pa kasi nitong litanya eh."

Hay, sayang ang effort ko. Wala na talaga akong nagawa kundi ang...

"Mahal na mahal ka ni Christian. Pwede raw bang manligaw?"

"Naku, ang sweet. Pero taken na ako eh! Cute ka pa naman, sayang. Pero kung wala akong jowa, baka sinagot na kita."

Hahaha. Cute raw ako. Kaso hindi ko na kinaya kaya tumayo na ako. Biglang tumunog kasi ang cellphone ko.

Ricky:

"ASAN KA NA BA? KAILANGAN KA NG BFF MO RITO SA CLINIC. INAATAKE NA NAMAN NG EPILEPSI NIYA. BILISAN MO!"

Papunta na ako kaso hinila ni Anavel 'yong kamay ko. Then pinaupo ulit ako.

"Pero, kaya ko namang iwanan si George para sa'yo!"

Wala na akong time para riyan! Napapahamak na nga ang BFF ko tapos 'yong crush ko pa rin ang aatupagin ko?

"Ok lang din 'yon sa akin, una na ako!"

THE STORY OF A CLUMSY GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon