CHAPTER III
(#mixedemotions)
Pagkatapos ni Jasper basahin 'yong letter ni Christian ay nagbigay naman siya ng comment.
"Kaya Pat huwag mong papakawalan 'yang tao na tunay na nagmamahal sa'yo. Kasi 'di ka na niyan makakahanap ng bago!"
"Oo nga girl, para sa ikaliligaya mo. Gusto ko na mas maging masaya ka sa piling ng tunay na minamahal mo."
Ano ba 'yan? Ito talagang sina Anavel at Jasper palabiro. Kakabreak ko pa lang kay Lester, magjojowa kaagad ako?
Hay! Buhay nga naman.
CHRISTIAN'S POINT OF VIEW:
Pagka-uwi ko ng bahay, nakita ko sina Kuya Robert at si Mommy na kumakain ng meryenda.
"Oh bunso, musta ang panliligaw natin diyan, ha? Napasagot mo ba? Dapat lang kasi nasa lahi na natin ang mga gwapo na 'di tinatanggihan ng mga chicks."
"Wala. Aakyat na ako."
Kuya, 'wag mo akong igaya sa'yo na playboy.
"'Di ka man lang ba kakain?"
"Hindi na. Nawalan na ako ng gana."
Wala ako sa mood makipagbiruan kay Kuya. 'Di rin naman ako nakakaramdam ng gutom. Gusto ko lang talagang matulog at magpahinga.
Umakyat na ako papuntang kwarto ko. Pagpasok ko, nilock ko kaagad 'yong pinto kasi gusto kong mapag-isa. Pagdating ko kaagad ng kama ay humiga at nagtalukbong ako. Para bang 'yong unan at kama ko lang ang tanging nakakaintindi sa akin ngayon. Kaso may narinig ako na nagsasalita sa labas.
"Bunso, ano ba ang problema? Ikwento mo kay Mommy."
"Ayaw niya magkwento. Mukhang brokenhearted eh."
Ang ayoko lang talaga kay Mommy ay 'yong tinatawag akong 'bunso'. Binebeybi pa kasi ako, ang laki-laki ko na kaya. Kumatok si Mommy pero hindi ko binuksan. Ayoko talaga ng may pagkukwentuhan.
Maya maya may bumukas ng pinto. Talaga itong si Kuya! Porket may duplicate 'yong susi ko na ibinigay ko sa kanya ay gagamitin na niya. Humiga sa tabi ko si Mommy at si Kuya naman ay nakatayo lang sa gilid ng kama ko.
"'Di ko naman kailangan ng kausap. Gusto kong mapag-isa. Pwede na kayong umalis."
Kaso wala akong naramdaman na bumangon sa kama ko o lumabas man lang ng kwarto ko.
"Alam ko na masakit 'yong mabasted ng nililigawan pero kailangan mong intindihin ang sitwasyon. Ano ba ang nangyari? Magkwento ka nga!"
"Sinubukan ko 'yong payo mo sa akin na manligaw kaya 'yon nagpatulong pa ako kay Mommy na gumawa ng cupcakes. Nagpasama ako kay Anavel para manligaw kay Pat. Pero pagdating ko may pinalit kaagad sa BF niya? Kaya 'yon umuwi na lang ako sa sobrang inis ko. Kuya, may ipinalit kaagad sa akin eh. Ano pa ba ang habol ko roon?"
"Huwag kang sumuko, alam mo pwedeng pakitanggal ng taklob na kumot sa mukha mo at hindi kita maka-usap ng maayos!"
Inalis ko 'yong kumot sa mukha ko. Pero hanggang bewang lang.
"Kuya meron na siya kaya bawal na! Ayoko na. Suko na ako. Hindi naman niya na siguro pag-i-isipan 'yong sinabi ko noon."
"Alam mo ba na sila ng kasama niya? 'Di ka man lang ba sumilip o 'di kaya hindi mo lang kinausap si Pat mismo?"
"Ah eh... hindi. At lalong hindi ko nakausap. 'Di ko na kinaya ang eksena eh. Kaya 'yon, tumakbo ako palayo."
"Ano ba 'yan Christian? Ang shunga mo naman! Uso Christian ang magtanong! 'Di naman pati nakakamatay ang lumapit. Nakakainis ka naman bro. Ang laki mo talagang torpe!"
BINABASA MO ANG
THE STORY OF A CLUMSY GIRL
RomanceMeet Pat, ang nerdy at may pagka-studious na babae. Itatry na makipagsabayan sa kapwa nya PNUans. Isa na rito si Lester, ang ultimate crush ng bayan, na may girlfriend na warfreak--si Aya. Kilala sila sa buong campus dahil sa PNU DIARIES. Si Chr...